Ang huling Kabanata: 32
#KSBAKMahal kita noon pa...
At ngayon magkaharap sila ni Eman na silang dalawa lamang.
"P-pasensya na sa pag-gambala ko."
"Kaya ako n-naparito...dahil...dahil hihingin ko sana ng iyong pagpapatawad.Maibsan man lang sana ang...ang bigat na dinadala ko sa
aking dibdib.Upang baunin ko sa aking paglayo..."Nangingilid ang luha ng binata.Nakikinig lang ang dalaga,matindi rin ang nararamdamang emosyon.Kagat labi ito pinipigil ang sarilingb huwag
mapabulalas ng iyak.Nakatungo ito."Alaam mo ba....?sa tagal ng panahong
iyon sa dilim ng kagubatan...sa bawat panganib na aking masuungan ?...Ikaw...ang nasa isip ko.Mula noon tanging alaala mo lang ang aking nasa isipan...dahil...dahil mahal kita Minerva....noon pa kita minahal..."Namuo ang mga luha sa mata ng binata.
"Nakonsyensya ako ,kaya sabi ko sa sarili ko...makaalis lang ako sa impyernong iyon...ay,hahanapin kita...
upang humingi ng kapatawaran.""Kaya ngayon..sabihin mo kung karapat-dapat ako sa pagpapatawad mo..."Tuluyang bumagsak ang mga luha ng binata.Hindi ikinahihiyang kahit siya'y lalaki ay iiyak din kung tapat ang hinihinging kapatawaran.
Ewan ni Minerva kung ano ang gagawin,narito sa harapan niya ang sa isip niya ay siyang nagwasak ng kanyang mga pangarap at sumira ng kanyang dangal.Humihingi ng kapatawaran sa isang pagkakasalang di naman nito sinasadya.Iyon ay dahil naipit lang ito sa isang gipit na sitwasyon.
Na kung hindi inako ng binata ay lalo siyang mapapariwara.
Ngayon ipagkakait ba niya sa lalaking ito ang kapatawarang hinihingi?
Nagpasya ang dalaga,ginagap ang kamay ng binata na nananatiling makatungo.
"E~eman,..."Tumingala ang binata nag katinginan sila,mata sa mata.Ang nakikita nya sa mga mata ng dalaga ay hindi na poot.Hindi na ang matigas nitong anyo.Ang naruon sa mga mata nito ay pangunawa at pagpapatawad.
"Pinapatawad na kita!"Umaliwalas ang mukha ng binata,naruon ngayon ang luha ng kagalakan.
"S-salamat,salamat...Napatayo ito at napasugod na niyakap ang nabiglang dalaga.Walang pagsidlan ng kaligayahan ang binata,apaw na apaw sa puso nito ang kasiyahang nadarama.
Ng mapansin ng binata na nakayakap ito sa dalaga ay napabitiw ito.
"P-pasensya na...ma-maligaya lang ako.."Napaatras ito..Ang dalaga ay may naramdamang kakaiba sa yakap na iyon...ewan niya hindi maipaliwanag sa sarili.
"P-pwede bang makita ko man lang si
Abceedee...ka..kahit sa huling sandali?Pagiiba ni Eman,hingi pa ng pahintulot kay Minerva.
Tango ang naging tugon na dalaga.Naninikip din ang dibdib may gustong kumawala sa damdamin.
Pinapunta ni nana Iska si Abceedee sa
salas kung saan naruon ang dalawa.Niyakap ng mahigpit ni Eman ang bata.
"ANAK...!"Napakagat labi si Minerva
sa nakikita.Ngayon tanggap na rin niyang anak si Abceedee.At nandito na rin ang kanyang ama?Muli ba siyang mabubuhay sa pighati?
"E-eman,..patawarin mo rin ako..."Diretsong tingin sa mata ng lalaki,walang kurap na nangusap.
Mata sa mata,puso sa puso!
"Wala kang nagawang kasalanan,Minerva.."Tumayo ito.
"S-sige,maraming salamat sa pabaon mo tungo sa aking pagbabagong buhay."
"PAALAM.."Tinungo nito ang pababa ng bahay.Kumaway sa humihikbing si Abceedee.
Sa isip ni Eman ay muli siyang babalik.
KUNG HILOM NA ANG SUGAT SA PUSO NI MINERVA.
AT HANDA NG TANGGAPIN ANG MASAKLAP NA KAHAPON....UPANG DUGTUNGANG MULI ANG NAKARAAN...
HINDI NA SIGURO MAHIHIRAPANG LINGUNIN NI MINERVA ANG KANYANG.....KAHAPON.※※※※※
※※※※※WAKAS※※※※※
Story by:reynaldocuarto28
@ ALL RIGHTS RESERVED 2020
Ang pangongopya ay isang krimen!
"Salamat sa pamilya ko, sa suporta, kay Ma'm Lyka Mendiola kung hindi sayo,di ko maisasalin sa Wattpad ang mga istoya ko."
"Sa Wattpad po maraming salamat sa pagbibigay daan sa mga writer na baguhang kagaya ko upang maishare at mabasa ang aming mga obra."
"At sa mga bumabasa nito kung ilan man po sila maraming salamat po at duon po sa tatlo kong "fallowers.Maraming-maramjng salamat sa pagsubaybay(sana madagdagan pa kayo!)Kayo ang award ko,Ang nagbigay inspirasyon sa akin.!
Salamat po!