Kabanata 20:
#KSBAKNasorpresa!
"Ang alin ho Mr.?"Kaswal na tumingin
ang dalaga sa lalaki.Muntik ng mabitawan ng lalaki ang hawak na kulay abong T-shirt.
"MIN....."Hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin,naumid ito.Napalunok at nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat
Nakatitig ito ng matagal sa dalaga,hindi nakapagsalita.Kumunot naman ang noo ng dalaga sa di inaasahang pagkabigla ng kaharap.
Mataman niyang tinitigan ito.Sa tingin niya ay namumutla ang lalaki.
Parang itinulos sa pagkakatayo,ang pagkagulat sa itsura nito ay hindi maitago.Hindi naman nakatiis si Minerva.
"Kukunin n'yo ba ang T-shirt o titigan n'yo lang ako.Baka matunaw ako n'yan at malaglag ang mata n'yo eh,ako pa ang pumulot!"Pambabara nito sa lalaki,ipinakita ang pagkainis.Para namang binuhusan ng malamig na tubig ang lalaki at ito'y natauhan.
"HA,ah eh,k-kuwan k-ku-kunin ko,m-miss...!"Sabi nito kay Mine.
Inis na bahagyang hinablot ng babae ang T-shirt sa kamay ng lalaki.
Inis pa ring tumalikod sa lalaki.Tiningnan sa taglist na nakadikit sa ibabaw ng iskaparate na gawa sa salamin.
Muli itong bumalik sa lalaki na parang tulala pa rin sa pagkatitig sa kanya.
Ipinakita na n'ya ang pagkabwisit sa lalaki ng padabog na iabot ang isinupot na T-shirt.Tumaas ang boses nito.
"Ano ba naman kayo mama,para kayong natuka ng ahas!"
"Hah,a eh,m-magkano nga ulit,Miss?"
Ulit na tanong ng lalaki.Sinabi ng dalaga na paismis-ismid,kung magkano ang presyo ng damit.
Hindi magkandatuto ang lalaki sa pagdukot sa bulsa ng pantalon para makuha ang pitaka.Dinukot din sa pangharap na bulsa ng pantalon ang panyolito.At ipinunas sa mukhang nagtigbi-tigbi ang pawis.
"Salamat ho,..."Sabi ni Minerva.
"S~sige,M~miss...s-salamat."Anang lalaki habang pinupunasan ang pinapawisang mukha.At tumalikod na ito.
Hindi malaman ng lalaki ang gagawing paghakbang kung tatakbo o titigil na animo nag-eekis-ekis ang mga paa.Nakaismid naman ang dalaga na tinapunan ng tingin ang papalayong lalaki.
"Ano banaman ang mamang yun,hindi mo malaman kung may sakit o napaano.Namimilog ang mata na namumutla at pinagpapawisan pa ng todo.At kung lumakad,nagmamadaling 'di mo maintindahan,hmmmp...!Sabi sa sarili.
MAGING SI ABBY NG DUMATING AY HINDI RIN MAKAPANIWALA SA AYOS NG DALAGA.Hindi n'ya agad ito nakilala.
"A~te Mine ikaw ba yan?"Papasok ito sa loob ng tindahan,bitbit ang ilang gamit pangeskwela.Ngiting-ngiti ito.
"Aba'y hindi kita nakilala ah!"Palatak nito.
"A-ang ganda mo 'te.....kahit simple lang ang ayos mo..."
Tipid na ngiti lang ang itinugon ng dalaga.Napansin niMinerva ang pagtataka sa mukha ni Abby.
"Wag ka ng magtaka,naaawa na kasi ako kay inay,at saka nahihiya ako sa inyo ni tata Celo baka kasi iniisip n'yo na ganun ako mula't-mula pa."
"Ay ate,wala kaming sinasabi ni itay na ganun ka ha?"Pag-depensa ni Abby sa sarili.
"Oo,alam ko naman eh."Bawi ni Mine.
Tuwang-tuwa si Abby sa pagbabagong iyon ng pinsan.Gandang-ganda s'ya dito ng makitang ngumiti ito.At masalita na ito ngayon.Di tulad ng dati na kung di mo tatanungin ay hindi sasagot.Kaya naaasiwa siya minsan kapag magkasama na sila sa kwarto.
※※※※※(Subaybayan!)
※※※※※Rcj.28※※※※※2020※※※※※