Kabanata 4
(Balik-tanaw...)
"Ay,ano ba naman Kadyo,ngayon ka lang dumating,eh aabutin tayo ng gabi sa daan n'yan a,!"Palatak ni nana Iska.
"Naku,Iska wala tayong magagawa.Gustuhin ko mang makabalik agad eh,napakahirap maghanap ng truck dito.Duon pa ako sa kabilang bayan naka-arkila ng sasakyan.Mano ba eh,kasya lang naman sa 'forward' ang kargamento natin,kaso nasira kaya dinala ko sa talyer para maige."Mahabang paliwanag ng matanda,tuloy sa paghitit ng tabako.
"Mano ngang ilayo mong bahagya yang tabako mo Kadyo,inuubo ako..uhu,uhu,uhooo.."sabay takip ng bandana sa ilong ni nana Iska.
"Siya,magayos-ayos na tayo at ng makalarga na.At saka itong truck kahit malaki sa atin ay kinuha ku na.Hibdi pwedeng ipagpabukas dahil may hakot silang iba,pinauna nga lang tayo.Ipinakiusap ko lang nga sa may ari."Sagot ni tata Kadyo,habang inaayos ang mga damit na nakasako.
"O,kayo,Bernie,Oknoy,Meliton ay sya ikarga nyo na ang mga paninda nating damit.Iuna nyo muna ang mga kahoy at mga kawayan bago ipatong ang mga damit,Lagyan nyo ng harang dito sa may puwitan ng truck,ng sa gayon hindi maghiwa-hiwalay ang sako ng damit at para di mangahulog."Mando nito sa mga binatilyong katu-katulong nila sa pagtitinda.
"Inay,eto na ho ang ipinaayos nyong mga damit isinako ko na po."ani Minerva.
Napalingon si tata Kadyo na nasa di kalayuan habang nagmamando sa mga kasama.At si Minerva naman ay papalapit sa kanya...Sabay yakap sa ama,at nagmano dito.
"Mano po,itay."
"Kaawaan ka ng Diyos..o,eh.bakit nandito ka bata ka ha,di ba sabi ko,wag kang susunod sa amin."Paninermon ng ama.
"Eh,kuwan po itay...nami-miss ko kayo ni inay,dalawang buwan na kayong di nauwi.Baka kako di kayo maka attend ng graduation ko."Litanya nito sa ama
"Naku,itong batang ito,pu-pwede ba yon eh,importanteng okasyon iyon sa buhay mo...kaya hindi kami pwedeng di umuwi."Inakbayan ang dalaga at yumakap ang dalaga sa ama.
Napabuntung-hininga ang ama."Ang layo ng lugar na ito ah,...sino bang kasama mo?"
"S~si ate Dora po,!"
"Sinasabi ko na nga ba eh!"Napatapik sa noo ang matanda.
"W-wag nyo na pong pagalitan si ate Dora,ako naman ang nagpumilit sa kanya na sumama ako dito..."Pagmamakaawa ng dalaga,nakatitig ito sa mukha ng ama.
ALAM IYON NI MINERVA,kung bakit gaoon ang reaksyon ng ama,kaisa-isa syang anak.Itinuturing na hiyas ng ama't ina.Bagaman di ikinahihiya ang hanap-buhay ...ay ayaw ipakita ni Mang Kadyo at aling Iska ang klase ng kanilang ikinabubuhay.Ang pagdadayo sa ibat-ibang bayan at mga pistahan.Ang magbenta ng damit bago man ito o segunda,na ang katawagan ngayon at ukay-ukay.
;Eh,ano naman ang masama sa pagtitinda nyo,...marangal naman ho ang trabaho ninyo?"Minsang kausap niya ang ama.
"Basta..kaisa-isa ka naming anak,tama na yung kami na lang ng ina mo ang nagdadayo.At ang pagaaral mu na lang ang pagbutihin mo.!"Katwiran ni tata Kadyo.
Sa puntong ay hindi na tumututol si Mine,alam niya pinoprotektahan lang siya ng ama.Siguro dahil sa karamihan ng kapatid at pininsan ng ama ay ganun ang hanap buhay.Siguro gusto lang ng mga magulang na maiba siya ng kapalaran,at makaroon ng titulada sa pamilya,at kaisa-isa siyang anak na bukod sa matalino ay napakaganda pa.Katunayan lagi s'yang Reyna Elena sa santakrusan,minsa'y naispatan siya ng isang talent scout sa isang fast food kasama si Lou ann ng alukin siyang magmodel at artista.
"Aba,tanggapin mo na ang offer sayang din yon at para magkaroon ako ng sikat na bestfriend,ayaw mo non may pera ka na,magiging sikat ka pa!"Bulong ni Lou ann.
"Heh,tumigil ka nga d'yan,!"Piksi nito sa kaibigan.
Bandang huli tinanggihan din ang offer ng talent scout.
"Sayang naman.."Himutok ni Lou ann.
Nagkibit-balikat na lang itoKahit sa mga manliligaw ay hindi mabilang ang mga paro-parong,ika nga'y aali-aligid at nagpapalipad hangin...ng kalaunan ay napasagot ni Reden pero hindi nga rin sila nagtagal.
Hindi naman tutol si tata Kadyo sa mga manliligaw.Basta ipinakijiusap lang sa anak na magtapos muna ito ng pagaaral.
(Subaybayan nyo po...malapit na tayo sa isa sa climax ng istorya...vote plss.)
※※※※※RCJ.28※※※※※2020※※※※※