Kung Sakaling Bumalik Ang Kahapon

58 3 0
                                    

Kabanata 28:

#KSBAKAng Katotohanan

Hindi naman malaman ni nana Iska ang gagawin sa dalawa.

"Minerva,Eman,magsitigil kayooo."
Kinarga nito ang apong pumapalahaw na rin ng iyak.

"Magsitigil na kayoooo,hu,hu,hu."

Napatigil naman ang dalawa.At inalalayan ni Minerva ang ina.At sa kauna-unahang pagkakataon nahawakan niya si Abceedee.May kung anong kilabot ang naramdaman ni Mine ng kunin sa ina si Abceedee at niyakap ito ng mahigpit.Animo may nagising sa kanyang katauhan.

Ngayon lang niya naramdaman iyon.
Sumibol ang tunay na pagmamahal ng ina sa anak?Ngayon n'ya napagtantong mahal niya ang anak kahit na bunga ito ng isang pagkakamali.

Tama ang ina,ang mga pangaral nito sa kanya.Ang mga nasayang na panahong ipinagkait kay Abceedee.Sa kanilang magina.

Magbabago na s'ya susulitin kung ano man ang kanyang pagkukulang,Mamahalin na n'ya ng lubusan ang anak.

"I~i-'m sorry,...."Sabi ni Eman,naguguluhang tinungo nito.ang tarangkahan at walang lingon-likod itong lumisan.

"Bakit hindivmo pa sinabi ang tunay na dahilan?....para malinawan ang lahat!Iiling-iling na tanong ni Roy sa kaibigan,ng minsang sila'y magkainuman.

"Natakot ako 'bro,at sa palagay ko hindi yon ang tamang pagkakataon para ipagtapat ang lahat.Pero hirap na hirap na ang loob ko....ayaw kong sa pagkakataong ito ay madoble ang galit nya sa akin."

"Sabagay nga,pero kung ako sa'yo pare,...ihahanda ko ang sarili ko sa anumang mangyayari."Payo ni Roy sa binata.

Hirap ng loob at hindi matahimik ang binata.Pabiling-biling sa higaan.Hindi nya malaman kung paano ang paraan upang mawala ang bigat na dinadala sa kanyang dibdib.Ang kasalanang hindi sinasadya,dahil siya'y biktima rin ng mapaglarong tadhana.

ISANG ARAW,Isang babae ang nasa tapat ng bahay nila tata Celo.Nakabandana ito at nakasalaming de kulay.Mahihinuhang
galing sa malayong lugar ang babae.May bitbit din itong bag na may kalakihan.

"TAO PO,TAO POooo....magandang araw poooo.,"Katok nito sa tarangkahan.

Abala naman noon ang mga nasa itaas
ng bahay.Napagkaisahan nilang mag-outing,na minsan lang mangyari.
Nagbago na nga ng pakikitungo si Minerva sa anak na si Abceede.Napagisip-isip na wala ngang
kasalanan ang bata sa kung anumang
kasawian ang sa kanya ay nagdaan.

"OY,tingnan n'yo nga kung sino yung kumakatok at tumatawag sa ibaba,Abby."Sabi ni tata Celo na abala
at inaayos ang dadalhin niyang pamansing.

"Oho,papanaog na."Ani Abby.

Si nana Iska naman ay inaayos ang dadalhin nilang pagkain.Habang si Minerva ay binibihisan ng damit ang anak.

"SINO PO ANG HINAHANAP NILA?"
Tanong ni Abby sa babae.

"Ito ba ang bahay ni tata Celo?"
Sinabi ng babae kung sino siya at pinatuloy naman siya Abby.

"Halikayo,akyat ho kayo sabi nito sa may kaedaran na ring babae.

Nasa pintuan na ito ng salas.

"Halikayo,pasok po..."Anyaya ni Abby.

"M~MINERVA?"....Sabi nito ng makita si Minerva.    ●●●●●

SUbaybayan po,malapit ng matapos!....

       ※※※※※Rcj.28※※※※※2020※※※※※

KUNG SAKALING BUMALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon