Kung Sakaling Bumalik Ang Kahapon

33 2 0
                                    

Kabanata 23:

#KSBAKPagtatagpo...

Lumapit si Minerva sa mga nakahanger na mga damit.Inayos -ayos ang mga ito.

"Matumal ang benta ngayon,walang gasinong namimili."Pagiiba ng dalaga.
Ni hindi niya tinatapunan ng pansin ang anak na akay ng lola.

Ang guwapo-guwapo ng bata.May dimples ito sa magkabilang pisngi.Ang mga mata nitong animo laging nangungusap.Ang ilong nitong napakakyut tingnan dahil sa maliit lang ito,at mga naka-pout animo laging may sasabihin.

Ngunit ang lahat ng katangiang iyon ay hindi pansin ng ina.Sinumang ina ay gugustuhing magkaanak ng ganito kaguwapo.Hindi si Minerva

"Isinam n'yo pa ang batang yan."
Tiim-bagang ito.

"Naku,alam mo namang walang magaalaga sa bahay...."

Umupo si nana Iska sa silyang naroon at kinausap ang apong may hawak na bola na laruan nito.

"Abceedee,wag kang malikot ha...?Baka kung saan ka makarating...apo."

Binitiwan ng lola ang apo.
"Mama...mamaaa..."Sabi ng bata na itinuturo si Minerva,na tuwang-tuwa ng makita ito.Hawak ang di kalakihang bola.

Napatingin naman si nana Iska sa anak,ngunit napailing na lamang ito.
Ni hindi binigyang pansin ang anak.
Bagkus ay parang nasira pa ang araw ng makita ang bata.

"O,apo...maglaro ka lang ha...o,heto dinala ko rin ang kotse-kutsehan mo.."

INIABOT ng lola ang kotseng laruan na de baterya at pinaandar iyon.
Tuwang-tuwa namang hinabol-habol ng bata ang laruan.Pumaling ito sa direksyon ng harapan,hinabol iyon at nabitiwan ang bola.At tumalbog palabas ng pinto ng tindahan.

"Ay naku,ang bola..!"Ani nana Iska.Inagapan n'ya agad si Abceedee.
Inakay ang apo at lalabas ng tindahan
upang kunin ang bolang nasa may bangketa.

Ng may dumampot sa bola,ang lalaking naging kostumer ni Minerva noong isang araw.

LUMAPIT ANG LAKAKI SA MAG-LOLA.

"Sa kanya po yata ito."Ang may kalakihang boses na wika nito sabay abot ng bola sa matanda.

Napatingala ang matanda sa may kalakihang lalaki.

"S-salamat,Amang..."Nasabi na lang ni nana Iska.

"Wala pong anuman.."Tumingin ito sa matanda at ngumiti.

Ngunit lumilipad yata ang isip ng matandang babae.Pamilyar sa kanya ang boses ng lalaki,hindi n'ya lang maalala kung saan at kung kailan n'ya
narinig ang boses na iyon.

Parang narinig na niya ang boses nito.
Ang lalaki naman ay titig na titig sa batang akay ng lola,may kung anong nararamdaman ding kakaiba ang lalaki para sa bata.Parang ang gaan-gaan ng dugo n'ya para rito.Sabagay kapag nakakita ka ng batang ganito kaguwapo kahit sino ay mahuhulog agad ang loob lalo't bibo ang isang bata.Nasabi na n'ya lang sa sarili.

"A~apo n'yo po?"Wika ng lalaki.

"H~HA,...O-oo,apo ko s'ya...Abceedee ang pangalan..."Sabi ng matanda,na tulala pa rin ito.

"Hello,Abceedee..kaganda naman ng pangalan mo..."Idinampi nito ang kamay sa ulo ng bata at may kakaiba siyang naramdaman na di niya masabi sa pagdantay ng palad niya sa ulo nito.

Para namang nahihiyang yumakap ang bata sa lola.

Nakita ni Minerva ang tagpong iyon.
Matalim ang titig niya sa binata.Agad
bumakas sa mukha nito ang tigas ng anyo.Napalingon naman ito kay Minerva.At hindi natagalan ng lalaki ang nakitang katigasan sa anyo nito.

"AH-ah,m--m-may bibilhin p-po sana ako..."Gaya ng una nilang pagkikita kanda utal ito sa pagsasalita.Hindi n'ya kung sa niyerbyos ba o sa presensya ni Minerva kapag nakikita niya.

"A-aba oo,sige pumili ka na r'yan ng hinahanap mo....Mr."Ani nana Iska.

"E-EMAN na lang po."

"Nana Iska,nana Iska na lang ang itawag mo sa akin,Eman..."

Hindi na nagsalita ang matanda.Pero lutang pa rin ang isip nito. ※※※※※

MALAPIT NA ANG PAGTATAKDA....ng lahat...
SUBAYBAYAN!!

※※※※※Rcj.※※※※※2020※※※※※

KUNG SAKALING BUMALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon