Kabanata 12:
#KSBAKAng pasabog ni Kumander
"MGA WALANGHIYAaaaa,mga hayupppppp!"Hindi na nakatiis si nana Iska,akmang susugod ito at akmang kakalmutin ang pinuno.Ay inunahan na ng pinunong bigwasan ang kaawa-awang matanda,na ikinalugmok nito.
Nagdudugo ang noong dinaluhan ng mga babae ang nakalupasay na matanda.
"Inayyyyyyy,!"
"Tiyannngggggggggg..!"Palahaw ng tatlong babae.
"Mga hayuuuppppp kayyyooooo,demonyyyyyooooo!!!!....
Hu,hu,hu,hu....!"Naghi-histerical na si
Minerva.Nadudurog naman ang puso ni Tagalog,nangangalog na ang tuhod nito.Timping-timpi ang nasa kalooban,habag na habag sa pamilyang winawanghiya ng mga kasamahan.
Pnipigilan ang sariling wag magwala dahil pag nangyari yon ay lalong malalagay sa alanganin ang buhay ng mga bihag.
"Mga hayup kayooooo,mga......lapastangan...........!!!
Akmang susugurin ng matandang lalaki ang pinuno,ngunit bago nangyari iyon ay tutop nito ang dibdib."Mga demonnn....y.... !"Bumagsak ang matanda nangisay at nawalan ng buhay.Inatake ito sa puso.
Nadoble ang iyakan ng mga babae.Lalo't higit si Minerva.
"Itaaaayyy,itaayyy kooooo...hu,hu,hu,!Baling nito sa ama.
HINDI man lang natinag ang pinuno sa kinatatayuan nito.Ngunit ang lalaking tinatawag na Tagalog ay halos mapiga ang puso sa kinatatayuan,at sa kanyang nasasaksihan.Kagat labi napaluha ito sa nangyayari.Kinikilabutan.
Di ba mga kasamahan niya ang mga ito?Di ba dapat bakal din ang puso niya?Ngunit bakit iba ang ugali niya sa mga kasamahan?
Hindi naman siya makagalaw,dahil paggumawa s'ya ng marahas na hakbang ay siguradong matitigmak sa dugo ang kinatatayuan nila!
Dahil kahit na nasa likuran siya ng pinuno,ay alam niyang matalas ang pakiramdam ni Bolo.
Hindi sa mga bihag nakatutok ang armas nito kundi sa direksyon n'ya.
Noon pa man walang tiwala sa kanya si Bolo.At alam niya iyon,at utos na rin ng pinuno na bantayan siya lagi.Dahil kahit ang pinuno ay nawawalan na rin ng tiwala sa kanya."Samantala,hangos na dumarating ang dalawang lalaki nahumabol sa mga tumakas.
"Kumander,wala na po ang tatlong bihag,hindi na namin nakita sa kadawagan!"
"Anooo,mga gagoo,mga istupidoooo!"
Sigaw ng pinuno."Ang drayber nasaan?"Pinuntahan ng isa ang kinalugmukan ng diver,ngunit kahit ito ay wala na rin duon.Nakuha na rin nitong tumakas.
"Kumander,wala na rin dito ang diver!"
"Anak ng p~taaa,!saksakan kayo ng tatangaaaa!"
"Sigeeee,bantayan n'yo ang paligid!"
Sabi nito sa dalawa."TAGALOG!!Tawag ng pinuno sa lalaki.Ngingisi-ngisi ito.
"IPAKITA MO SA AKIN NGAYON,kung paano gumana ang iyong pagkalalaki!"
"K~kumander?A~anong ibig mong sabihin?"Takang tanong nito.
Takot na takot namang na nagsisiksikan na magkakayakap ang mga babae habang mga nangakaupo
sa harap ng bangkay ni tata Kadyo na katabi ang walang malay paring si nana Iska.Nagsisipagiyakan pa rin ang mga ito."Maawa kayo,pakawalan n'yo na po kami,hu,hu,hu,wala po kaming kasalanan,maawa na po kayohu,hu,hu,hu!"Walang patid sa pagsusumamo si Minerva.
"Ganito,makinig kang mabuti Tagalog,dahil di ko na uulitin ang sasabihin ko!"
"Ang isa sa mga babaeng ito ay magiging iyo.!"
Namilog ang mga mata ni Tagalog,hindi mawawaan ang gustong tukuyin ng pinuno.
"Alam kong hindi mo masikmura ang mga nagdaang pangyayari na ganito rin.Ngunit sa pagkakataong ito....kailangang sundin mo ang gusto ko....dahil kung hindi...maluluray lahat ang mga babaeng ito sa palad ko...At sa mga kasamahan natin dito!"
Tuwang-tuwa namang nandidilat ang mga mata ni Bolo at ng apat pang nakakarinig.
Hindi nakakibo ang lalaki,alam niya ang sinasabi nito.Pagpapasa-pasahan nila ang mga babae kasama ng mga tauhan nito at pagkatapos ay pagpapatayin ang mga lumalaban.
Nasaksihan na niya iyon.ngunit wala rin siyang nagawa.At ngayon muling mauulit,kung hindi s'ya papayag sa gusto nitong mangyari.
AT AYAW NIYANG MAULIT IYON!※
#Wala kang ligtas Minerva!
※※※※¿RCJ.※※※※※2020※※※※※