Kabanata 16:
#KSBAKBagong buhay?
AT NGAYON,narito sila sa Bulacan.Malayo sa kanilang bayan,Dito ay bubuo sila ng panibagong buhay,bagong panimula upang kalimutan ang nakaraan.
Kung kelan sila makakalimot ay di nila alam.
Dahil meron namang naipon ang ama't ina ay naisipan ni nana Iska na bumili ng pwesto sa palengke.Sa tulong na rin ng pinsang balo.
Si Minerva naman ay parang wala ring ipinagbago.Nawalan ng interes sa buhay,laging mainitin ang ulo.Magmula ng isilang ang ngayo'y magdadalawang taon ng batang lalaki,si ABCEEDEE.Na ang nagbigay ng pangalan ay si Lou ann.Na halaw daw sa alpabeto kaya Abceedee ang pangalan,Nagustuhan ni nana Iska ang pangalan kaya okay lang sa bata ang pangalang iyon.Wala namang pakialam si Minerva,ni hindi nga dumalo ito sa binyag ng anak.Nasa kwarto lang ito at nagmumukmok.
Pero panibagong buhay na sana ay hindi man lamang nakitaan ng pagmamalasakit o pagmamahal sa bata.
Lalo na siguro kung wala si nana Iska
ay wala ng magmamalasakit sa bata."MINERVA,anak ang buhay ay hindi natatapos sa isang pagkadapa.Ang Panginoong Diyos ay ilang ulit na nadapa at tumama ang sugatang tuhod sa matatalim na bato,ngunit matatag na muling tumatayo upang tahakin ang kalbaryo ng pagpapakasakit.?"
Matamlay na tumagon si Minerva na nakatanaw sa malayo.
"Inay,pinagbigyan ko na kayo,alang-alang sa inyo kinalimutan ko na ang pagpapatiwakal at ang pagpatay sa batang yan."Pinukol ng tingin ang batang naglalaro sa di kalayuan at nagtagis ang bagang nito.
"S-sana naman kahit paano,minsa'y intindihin n'yo rin ako.Hindi n'yo maiaalis sa akin ang maging ganito.Kahit ang gawin ko ay di ko magawang mahalin ang batang bunga ng karahasan!"Tumutulo na ang luha ni Minerva.
'A-ang sa akin lang anak,ay yung magbagong muli ang yong panananaw sa buhay.Ipagpatuloy mo ang yong pagaaral."Pinipilit.na huwag maiyak ng matanda.
'Tama ang iyong inay Mnerva,bakit di ka lumabas man lang ng bahay?Makipagkaibigan?Hindi yung lagi ks na lang nagmumukmok dito sa bahay."Ani tata Celo,ang pinsang buo ni nana Iska.
"O,kaya tumao ka sa pwesto ng damit n'yo sa palengke kasama ang inay mo at ng pinsang mong si Abby."
"Malilibang ka duon,maraming tao mga mamimili."Susog pa nito.
"Ngunit iling lang ang itinugon nito sa tyuhin.
"Salamat ho tata Celo sa pagalala n'yo."Tumanaw uli ito sa malayo.
Iiling-iling namang napatingin ito kay nana Iska na ipinagkibit balikat naman nito at ikinabuntung hininga.
Na ang ibig sabihi'y wala tayong magagawa.ISANG MADALING ARAW,Nagising na lamang si nana Iska sa ungol ni Abceedee.Naramdaman niya ang singaw ng init sa balat nito.
"Aba'y Dyus ko!...mataas ang lagnat ng apo ko!"
Taranta itong bumangon,hangos na binalot ang apo at pinuntahan ang kwarto ni tata Celo.At ginising din nito si Ona ang kinuha n'yang tagapagalaga ni Abceedee,Na nasa kabila lang ng pinto.
'CELO,CELoo,..naku dalian mo Celooo.!Sunod-sunod na katok nito.
Bumukas ang pinto."Bakit ate,anong problema?"
"N-naku dali ka inaapoy ng lagnat si Abceedee!"Natataranta si nana Iska.
"HA?!"Dali-daling nagpalit ng kasuotan si tata Celo.
'Alam na ba ni Minerva,ate?"
"Dalian mo na,at h'wag mo nang intindihin 'yon!"※※※※※
(Subaybayan)
※※※※※rcj.28※※※※※※2020※※※※※