Kabanata 22:
#KSBAK Si Abceedee at ang LALAKI...
WALANG KAMALAY-Malay na may nakamasid sa kanila sa di kalayuan.
Ang lalaking bumili ng T-shirt kay Minerva!
"SIYA NGA WALA NG IBA!"Sabi sa sarili ng lalaki.
"Kay tagal kitang hinanap."Bulong pa nito.
NAGING MAGAAN KAY MINERVA ANG MGA SUMUNOD NA ARAW.Na ikinatuwa ng labis ni nana Iska.Ganunpaman hindi nagbago ang
pakikitungo nito sa anak.Wala pa rin itong kaamor-amor sa bata.Iniiwasan pa rin n'ya ito o kaya naman ay hindi na pinalalapit ni nana Iska,para hindi masira ang araw ni Mine.Dahil kadalasan ay nasisigawan n'ya ito.Kaya ng lumaon ay naging mailap na si Abceedee na lumapit sa kanya.Kaya hindi makatiis si nana Iska na di s'ya pagsabihan.
"Huwag mo namang sinisigawan ang bata.Kaya ayaw ng lumapit eh,dahil takot na sa'yo.Ano ba ang malay niya sa nangyari sayo?"
Pinahid naman ni nana Iska ang namumuong luha sa kanyang mga mata.Ayaw na sana niyang magsalita,nasasaktan siya para sa kanyang apo sa pagwawalang bahala ni Mine sa bata.
"Kung ayaw mo s'yang makita at ayaw
mong nilalapitan ka,sige hindi ko na s'ya palalapitin sa'yo.Huwag mu lang
s'yang bubulyawan na parang aso."Sabi ng matanda pigil ang pagiyak awang -awa sa kanyang apo.Mas matagal na ang itinitigil ni nana Iska sa bahay kaysa tindahan.Kaya naman nasusubaybayan n'ya ng husto
ang apong si Abceedee..Lumalaki itong bibo.Si Ona dating nagaalaga kay Abceedee ay pinatao na lang ni nana Iska sa tindahan kasama ni Minerva.MINSAN ISANG GABI naging panauhin nila si Patrick,ngunit hindi pinakiharapan ni Mine kaya lulugo-lugong nagpaalam ito.
"Eh,pasensya ka na Patrick,masakit daw ang ulo n'ya eh,."Sabi ni Abby sa binata.
"Naiintindihan ko,sige pakibigay na lang itong bulaklak sa kanya."Malungkot na tugon ng binata.
Ewan ba kay Patrick ng una niyang
masilayan ang dalaga ay tumibok na ang puso nya para kay Minerva.Parang may magneto itong taglay na hindi n'ya malaman kung ano.Kaya ganun nalang ang pagsintang inilalaan n'ya para sa dalaga.Hindi naman siguro s'ya mahirap mahalin.May trabaho naman siyang maipagmamalaki bilang isang arkitekto sa isang maunlad na kumpanya.Pagwala siyang trabaho ay tinutulungan n'yang tumao sa tindahan kasama si Bela.Pangarap kasi ni Belang magkaroon ng boutique na malaki at yon ay malapit ng matupad dahil sa tulong niya.
At kung papalarin siya sa panliligaw kay Minerva,ay tatanggapin nito ng buong-buo ang nakaraan nito at ang anak nitong si Abceedee.
"Pakibigay mo na lang itong bulaklak.Abby."At nagpaalam na ito.
Awa ang naramdaman ni Abby sa binata,sa hindi pakikiharap ng pinsan
sa lalaki.Nunit wala siyang magagawa
Hindi n'ya sakop ang damdamin ng pinsan.Ibinigay niya ang bulaklak sa pinsan ngunit itinapon lang ito sa basurahan.Sumagi sa isip ni Abby na bakit ganun si Minerva?Bakit ganun ang ugali nito pag lalaki na ang kaharap?Manhater ba ito?Nanulis ang nguso nito at napakunot-noo.
"Sabagay may katwiran din siguro s'ya,kaya nga siguro naging dalagang ina ."Siya na rin ang sumagot sa kanyang tanong.
Isang araw naisipang pumunta sa palengke si nana Iska dahil bibili ito ng gatas para kay Abceedee dahil wala na itong gatas.Wala rin noon si tata Celo sa bahay may inaasikaso.
Dumertso ito sa tindahan nila ng mga damit.
"Bakit nagpunta pa kayo dito inay?"Tanong ni Mine.
"Aba eh,ibinili ko ng gatas si Abceedee,at wala si tata Celo mo.Gusto ko ring masilip itong tindahan,matagal na akong di nagagawi dito."
"Eh,sana'y tuma....."Hindi na naituloy ang sasabihin.Ang gusto niyang sabihin sa ina ay tumawag nalang sana sa cellphone.Napabuntunghininga na lang ito.Hindi nga pala marunong gumamit ng cp ang ina.Nahihilo raw ito sa kung ano-anong kinakalikot sa
Cp.Kaya hindi ito nangangahas na gumamit noon.
※※※※※(Subaybayan....)
※※※※※Rcj.※※※※※2020※※※※※