Kung Sakaling Bumalik Ang Kahapon

35 3 0
                                    

Kabanata 6:

"O,SIYA ISKA,SAKAY NA KAYO NI MINERVA,O ayun na ang anak mo sa pintuan ng truck,inantay na tayo."

Pinatay na ni tata Kadyo ang ilawang hasag na tumatanglaw sa kapaligiran.Alas singko pa lang ng hapong iyon pero madilim na ang paligid dahil sa kapal ng hamog sa kabundukan at sumisigid na sa lamig ang kanilang nararamdaman.

Umuusok pa nga ang kanilang bibig pagnagsasalita dahil sa lamig ng panahon.

Bago sumakay ng truck ay tinawag pa muna ni tata Kadyo ang mga kawaksing kalalakihan.

"Ayos na ba kayo dyan sa ibabaw ng truck ha,Bernie?Magsipagsuot kayo ng panlamig o jacket,lalong malamig pag bumibyahe na tayo."

"Opo,tata Kadyo."Sagot naman ni Bernie na s'yang pinakamatanda sa tatlong lalaki,ang dalawa pa ay sina Oknoy at Meliton.

AT NGAYON,ay tahimik na tinatakbo ng truck ang madilim na daan dahil sa kakapalan ng hamog.Buti na nga lang at nakatulong ng malaki ang liwanag ng buwan sa kanilang paglalakbay.

Ang tatlong kabataang lalaki sa ibabaw ng truck ay mga nakatulog.Nakakapit ang mga kamay nila sa bakal ng truck upang di sila dumausdos sa pagkakahiga.Lubak-lubak ang daan animo sila bolang tatalbog-talbog nasanay na siguro sa ganoong sitwasyon na kahit malikot ang truck ay nagagawa parin nilang matulog.

MALAPIT na sila sa boundery ng isang bayan na mayroong checkpoint.May ilaw na tila dalawang spotlight na nakatutok sa daan.Kailangan nilang bagalan ang takbo,dahil may nakaharang na 'stand'na may mga barbwire,sa ibabaw nito ay may nakasulat na malalaking letra na kulay pula na nagsasabing 'STOP,CHECKPOINT'!,

Maging sa kaliwang bahagi ng kalsada na kailangan ay korteng S ang takbo ng sasakyan.At huminto ang six by six na truck.

'Ano po ba yan ."Magalang na tanong ng lalaking naka-uniporme ng patig na nasa pinto ng kubol,ang ibaba ay sementado ang palibot at ang bubong naman ay pinatuyong talahib.

Maliwanag na maliwanag duon dahil sa dalawang spotlight na nakatutok sa kaliwang bahagi ng daan at dito sa kanang bahagi kung saan sila tata Kadyo ay nakatigil.Ang isang sundalo ay lumapit sa truck,bukod sa sundalong na sa kubol.Bale apat sila ang dalawa pa ay nakatayo sa magkabilang panig,sa kaliwa't kanan.
Noon ay mag-aalas otso na ng gabi.

'Baratilyo Sir,"Sabi ni tata Kadyo.

'Ginagabi po yata kayo tata,?"Tanong ng sundalo.

'Oo nga po,sir..."sagot ni tata Kadyo.

Nakamata lang si Minerva na tila inaantok na.Napatingin ang sundalo dito at tila nabighani sa ganda ng dalaga.Si nana Iska naman ay walang kapagurang umuusal ng panalangin.

'Saan ba ang punta n'yo tata?"Tanong ng sundalo.

"A,dyan Amang sa bayan ng Sanchez Mira."

Aba,malayo pa yon dito tata!"

"Oo,nga sir,napagabi kami ng pagbiyahe."

"S'ya tata ingat ho kayo,may mga kasama pa naman kayong mga babae,at malayo-layo pa yong pupuntahan nyo,mga tatlong oras pa ang lalakbayin."

"Salamat sir,...."At umusad na muli ang sasakyan.

May kalaliman na ang gabi,ang lamig ay sumusugid na sa buto.Halos hindi na makita ang daan sa kakapalan ng hamog.

ILANG CHECKPOINTS pa ang kanilang dinaanan.Bihirang-bihira ang sasakyang bumibiyahe.Sila lang ang nag kalakas ng loob na sumuong at maglakbay sa lugar na iyon katwiran niya sa tinagal-tagal ng kanilang pagdadayo ay wala pa naman silang naranasang hindi maganda sa kanilang paglalakbay.Sa awa ng DIYOS.※

(Subaybayan........!)

※※※※※RCJ.28※※※※※2020※※※※※

KUNG SAKALING BUMALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon