Kabanata 8:
#Ang puring pinaka-iingatan.
Naisip ni tata Kadyo na baka ang lalaki ay alagad ng batas at makikisakay papuntang bayan o duon sa checkpoint na madadaanan ilang kilometro pa mula rito.Makikisakay sa oras na ito?At sa alanganing lugar?
Naisip ng matanda parang may mali!S'ya rin ang sumagot sa sarili.Pero bakit dito sa masyadong ilang na lugar na ni kubo ay walang makita kundi talahiban?
REBELDE?sa isip ng matanda.Naisip rin niyang baka kung paharurutin nila ang truck ay paulanan sila ng bala.At hindi rin uubrang patakbuhin ng mabilis dahil nga lubak-lubak ang daan.At hindi lang nagiisa ang lalaki?
POSIBLE!
Sa pagkakaalam niya ay hindi naman ganoon karahas ang mga rebelde.Ang alam lang niya ay may ipinaglalaban lang ang mga ito,na sa pananaw ng mga rebelde ay makatwiran lamang.At ang mga sibilyang katulad nila ay hindi pinakikialaman.
Sana nga ay ganon lang yon.Usal ng matanda,napapikit ito napatingala sa langit umusal ng panalangin.
A,bahala na sana'y tama ang huli niyang naisip tungkol sa mga rebelde.Haka-haka lang niya yon tungkol sa lalaking nasa di kalayuan!
"Sige,parahan mo."Mabilis na pasya ni tata Kadyo.
Ng maramdaman ng lalaking titigil ang truck ay mabilis na isinuot ang bonet sa mukha,na mata na lang ang makikita at bibig.
Duon kunutuban si tata Kadyo.At ang nakasandal na si Minerva na nakatulog ay mabilis na ginising at isinubsob sa may kandungan ng asawa.Takang nagtanong ito."Itay bakit ho?"
"Sssshh,basta ganyan ka lang,wag kang didiretso ng upo."Sabi ni tata Kadyo.Maging ang dalawang babae sa likuran ay naalimpungatan.Itinaas ni tata Kadyo ang kamay papunta sa likuran,sa kinaroroonan ng dalawang babae.At sinabihang huwag titinag sa kinahihigan at wag magsasalita.
Naramdaman din ni nana Iska ang kung anumang nangyayari ...
Dahil nakita rin niyang nagtakip ng mukha ang lalaki."Diyos ko,Kadyo anong gagawin natin?"Pagkasabi noon ay nagantanda ito."Diyos ko,patnubayan n'yo po kami!"At sumubsob sa likuran ni Minerva,niyakap ng mahigpit ang anak na dalaga.Pinigil ang sariling huwag pumalahaw.
Tama si tata Kadyo hindi nagiisa ang lalaki.May isa pang lalaki ang lumabas sa talahiban.Pagkatigil ng truck ay nagpunta ito sa tapat ng drayber.Ang unang lalaki ay sa tapat naman ni tata Kadyo pumuwesto.
Mabilis namang gumana ang isip ng drayber at akmang paandarin ang truck.ngunit tinutukan siya ng armalite ng lalaking nasa kanyang tagiliran.Kaya hindi na niya nagawa ang binabalak.Ngunit laking gulat nila ng maggalawan ang lampas taong talahib sa di kalayuan at iluwa nito ang iba pang armadong kalalakihan.Na pawang mga nakapatig din.Ang dalawa pa ay sa bandang likod ng truck nagsilabas mga galing din sa talahiban.
Pinalibutan nila ang truck.Pinababa ang drayber ng lalaking tumutok ng armalite.Ngunit hindi kumikilos ang drayber para bumaba.
"Hindi ka bababaaaa !" Singhal nito sa drayber,sabay tutok uli ng armalite.
"Bababa na ,boss!"
Pagkababa ay kinulata ito at sabay sabing."Balak mo pa kaming takasan haaa!"
"B-boss,tsip,h-hindi ho....!"
"Anong hindi,...tarantado ka ha,!"Isa pa uling sikwat sa may batok ni Tomas at tuluyang napalugmok ito.Nawalan ng malay.
Duon napasigaw si nana Iska."Maawa na kayoooo!"Wala kaming kasalanan sa inyooo...hu,hu,hu!"
(Subaybayan ang di kalimot-limot na pangyayari!)
※※※※※RCJ.※※※※※2020※※※※※