Thana POv-------
Alas sais na ng gabi .. andito kami sa loob ng Mercedes benz C-class na kotse ni bhie .. tatlo kami sa loob .. ako ,si bhie at si tricia.. tatlong oras na kami pasikot sikot kung saan pwede hanapin si jaspher .. pumunta kami sa bahay nya kaso wala naman dung tao ..
Tinawagan naman namin si tita na mommy ni jaspher ang sabi wala naman daw dun sa kanila ..
"Haizzzt sumasakit na pwet ko " pagmamaktol ko .. tatlong oras ka kaya bumayahe ng walang tigil ..
Medyo pagod na rin kaming tatlo .. nagpaiwan sila ryan kase baka daw ma stress si buntis ..
Andito kami napadpad sa may parteng bar .. napalingon ako sa labas ng bintana ng kotse ng makita kong may nag kukumpulang tao sa labas ..
At dahil proud akong chismosa ay
Pinahinto ko muna ang kotse ni bhie at lumabas ..
Pinagtutulak ko yung mga taong humaharang sa dinadaanan ko kaya nagalit sakin ..
Nang nasa unahan ako ..
"Oh my ghod! "
"Jaspher??" Bulong ko sa sarili ko ..
Di ko na sya masyado makilala kase bugbog na bugbog na ang katawan nya pati na rin mukha nya ..
Na kilala ko sya base sa porma ng pananmit nya ..
Tatlong lalaki ang pinagkakaisahan sya ..
Lumapit nako papunta doon sa mga lalaki para patigilin kaso papalapit pa lang sana ako ng saksakin ng isang lalaki si jaspher sa tyan nito na ikina collapse ni jaspher ..
Nandilim naman ang paningin ko kaya agad akong sumugod at kahit marami ng taong sumisigaw na wag akong lumapit ay di ko sila pinansin at
Sinipa ko sa tuhod yung isang lalaki kaya napa luhod sya sa harap ko at sinintok ko sa noo yung lalaki kaya na knock out..
" oh. Andito ka na pala .. .." may nag salita sa likod ko at kilala ko ang boses na yun ..
Susugod na sana sakin yung dalawang lalaki ng napatigil ito ng nakita si max sa likod ko ..
Yuph! Si max nga ..
"Buti na lang nakita ko ulit ikaw thana .. " naka ngising sabi ni max ..
"So?? " mataray kong sagot sakanya ..
"Parang gumaganda kana lang ah " sabi nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa ..
"Excuse me? Matagal na kaya akong maganda " paalala kong sabi sakanya. Susugurin ko na sana sya ng bigla nyang nilabas ang baril nya at agad na itinutok sakin kaya napatigil naman ako sa pag sugod ..
"Just kidding .. kaya nga niligawan kita kaso nga lang busted haha " naka ngisi nyang sabi at nilingon si bhie na nasa katabi ko na mukhang kararating lang kase nakipag siksikan rin yata to.. Di pa rin binaba ni max ang baril nya .. si bhie naman na patigil rin
Yuph nung nakaraang araw natandaan ko si max .. kaya pala pamilyar yung tattoo nya sa kamay ng una naming pagkikita sa park
"Oo nga eh .. kaya nga kita binusted kase di sakin bagay ang taong bangag sa dyosang kagaya ko " pamimilosopo ko ..
"Haha funny thana ..
So i was saying .. mabuti na lang talaga at nakarating ka kaagad dito .. kung hindi tinuluyan ko na ang isang to "si max at nilingon si jaspher na yakap ni tricia ..
"So paalam na! Sa susunod kayo naman ulit! " naka ngising sabi ni max at sinenyasan yung dalawa nyang kasama at inalalayan yung knock out nilang kasama ..
"Oo nga pala .. time is running .. yung kutsilyong sinaksak namin jan sa lalaking yan ay may lason .. so babye! " max at tuluyan na ngang umalis ..
"Shit tara dalhin natin agad sa hospital si jaspher!! " cuss ni tricia at inilalayan namin si jaspher papuntang kotse ni bhie ..
Iyak lang ng iyak at pilit na pinapadilat ni tricia sa likod si jaspher ..
Kaso sobrang sama ng lagay ni jaspher .. kinakabahan na rin pati ako ngayon .. puno ng dugo ang katawan ni jaspher .. medyo amoy rin syang alak kaya siguro di nakalaban kanina ..
Agad na isinugod sa emergency room si jaspher at naiwan na lang kami ditong tatlo nila bhie sa waiting area ..
Pilit kong pinapatahan si tricia sa kaiiyak nito ..
"Huhu *sniff* kasalanan ko *sniff* ang lahat ng to .. huhu kung *sniff* di ko na sana sya pinag sabihan ng masama kanina di na sana to nangyari sakanya" sisi ni tricia sa sarili nya ..
"Wag ka ngang ganyan hindi naman nya kayang iwanan tayo .. lalo na ikaw .. tsaka wala ka namang kasalanan eh.. di naman nakakamatay ang broken hearted eh .. nakakasakit lang sa pakiramdam " pag aalo ko kay tricia
Umiyak na lang sya ng tahimik habang si bhie naman ay tahimik lang at naka yuko sa tabi ko...
hinihintay namin matapos sa loob ng emergency room si doc at kakamustahin ang lagay ni jaspher..