"Okay na ang kalagayan nya .. kailangan lang natin syang wag i stress at kailangan nyong pakainin sya ng vegetables and fruits para mas mapadaling mapabuti ang katawan nya ..buti na lamang talaga at naidala nyo agad dito ang pasyente .. buti at di pa masyadong sinakop ng katawan ang lason sa katawan nya .. sige paalam na at may aasikasuhin pako, " paalam ni doc at umalis
Pumasok kami sa kwarto kung saan pinag ko confine nan ni jaspher .. tinawagan na rin namin sila ryan para puntahan na rin si jaspher ..
Andito kami sa loob ..
Katabi ko dito sa sofa si bhie habang si tricia ay naka upo sa tabi ng kama ni jaspher ..
"Bhie teka lang .. bili lang ko ng pagkain
.. kanina pa tayo di kumakain .. " sabi sakin ni bhie ..
"Sama na ako " sabi ko.
"Wag na .. magpahinga ka na lang rin " sabi sakin ni bhie at tuluyan na ngang naka labas ng pinto ..
Tahimik lang kami dito sa loob ..
Maya maya ay dumating na nga si ryan at
Jhessica na sobrang nag aalala ..
"Ano ba kasing nangyare?? " tanong ni ryan sakin ..
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko kase sobrang sakit na ng katawan ko .. di ko na lang sinagot si ryan at
Sinakop na ng antok ang sistema ko