Nagising ako ng may kumikiblit sakin .. ng buksan ko ang magaganda kong mata ay bumungad sakin ang gwapong mukha ni bhie ..
"Tara .. uwi muna tayo bhie .. alas dose na ng hating gabi .. dun ka na lang kumain sa bahay kase kinain ni ryan yung pagkain mo .. tsaka papunta rin dito ang tatay ni jaspher para mag bantay , tsaka pinauwi ko na muna si tricia para magpahinga .. " yaya nya sakin at inilalayan akong tumayo
Sa sofa ..
"Aray .. " ungol ko ..
"Bakit??! Anong masakit?!! " panic ni bhie at pinaupo ulit ako sa sofa ..
"Ang leeg ko .. ang sakit! " sabi ko habang pinag iikot yung ulo ko para i exercise ang leeg ko ..
"Eh sa kung hindi ka naman kase thoinks .. matulog ka ng nakatingala " sabi naman ni ryan na kadadating lang .. may hawak syang plastic na puno ng pagkain ..
Naramdaman ko nanaman kumulo ang tyan ko kaya agad kong hinablot yun kay ryan ..
"Hoy hala ka .. kay jhes yan! " saway sakin ni ryan habang pilit na kinukuha sakin yung maraming marshmallow ..
" makakapag hintay naman yun eh " ako habng nilalamon yung marshmallow..
"Tsaka wala naman si jhes kaya wag ka na lang maingay " ako na patuloy sa pagkain ..
"Bahala ka nyan .. pag yun nag -----" di na natuloy ni ryan yung sasabihin nya ng biglang may sumigaw galing sa cr ng room dito sa hospital ..
"Kyaaaaahhhh!! RYAN!!! BAKIT MO PINAPAMIGAY ANG MARSHMALLOW KO?! " high blood na sigaw ni jhess at agad sinugod si ryan at pinag sasapok ..
Agad ko naman tinago yung isang plastic nung marshmallow sa bulsa ko ..
Nakatayo lang ako at kinakabahan na kase baka bumuga nalang bigla ng apoy ang dragong buntis dito sa loob ..
"Walang hiya ka!! Matapos mokong buntisin tapos ano?!! Gugutumin mo lang kami ng anak mo?!!" Sermon sakanya ni jhess.. sabay batok kay ryan ..
"Aray hon .. oo na sorry na po " pagmamakaawa ni ryan habang tinatakpan yung ulo nyang binabatukan ni jhes ..
"Haha " tawa lang ng tawa si bhir
"At ikaw!! Bakit mo kinakain ang pagkain ko??! " baling ni jhess sakin ..
"Umuling lang ko at napaatras lalo sa sofa at napa upo ..
"Anomg hindi .. tignan mo ang nasa mouth mo at ngumunguya ka pa tapos sasabihin m-----" di na natapos ni jhes yung sasabihin nya ng biglang nagsalita si jaspher at tumalikod samin ..
"Ang iingay nyo .. nagagambala nyo ang pagtulog ko " si jaspher at pumikit ulit
"Kyahhh gising kana!!! " tili ni jhess at parang lokaloka sa siya ..
" ai hindi natutulog pa sya ng naka dilat " pamimilosopo ko
"Hoy shut up may kasalanan ka pa rin sakin ..!! " saway sakin ni jhess at binaling nalang ang paningin kay jaspher ..
"Sorry na nagutom lang kase ang dragon sa tya---" di ko na natapos sasabihin ng marinig na lang namin ang paghikbi ni jaspher ..
"Hala pare mukhang mali ang hospital na tinuluyan natin .. dapat pala sa mental hospital natin sya dinala dapat eh " biro ni ryan kaya binatukan naman agd ni jhesa .. naka palibot lang kami sa kama ni jaspher habang si jaspher ay tahimik na tumutulo ang luha sa mata nito
"Bakit pre?? May problema ba?? May masakit ba sayo?? " nag aalalang tanong ni cris kay jaspher ..
"Hoy mga pare .. pwede ba kayong maka usap ng tayo tayo lang tatlo??? " pakiusap ni jaspher ..
Nilingon naman nila kami ni jhess at parang pinapalayas lang kami dito sa kwarto ..
"Tss oo na ..! " naka simangot na sabi ni jhess atvpadabog na lumayas ng kwarto ..
"Sige bye!! " ako at sinundan na rin si jhess .. haizzt may sayad talaga ang isang yun .. minsan seryoso minsan isip bata ..
Hmm
" tara bili tayo pagkain
. Nabitin ako sa kanina "
Yaya ko kay jhess at tumango naman ito ..
Malapit lng naman kase ang grocery store dito sa hospital kaya pwede naman namin lakadin ..
Habang naglalakad kmi ay usap usap kami ni jhess ..
"Thana sa tingin mo ano kaya dahilan kaya umiyak si jaspher?? " tanong sakin ni jhess habang ngumunguya ng marshmallow nya ..
"Ewan baka si tricia yata .. pero di ko sure?? " ako
"Huh?? Baka nga .. grabe kay tatanda ng dalawang yun nag sisipagpa kipot pa .. " sabi naman ni jhess ..
"Harhar bakit ikaw?? Di kaba nag pakipot kay ryan?? " tawa ko sakanya
"Haha oo na .. yung you know .. haha yung gabing nag isa kami .. bago yun nangyari nag pakipot muna ko " sagot nya ..
"Haha pero ano ba feeling mabuntis?? " kuryos kong tanong sakanya
"Hmmm sobrang happy ko kaya lang nai insecure ako sa mga babaeng nakikita ko .. baka kase pagsawaan nako ni ryan kase feeling ko tumataba talaga ako " naka pout nyang sabi
" bakit mo natanong?? Gusto mo rin mabuntis??!! " patuloy ni jhess in a way na nagulat
"Hoy hindi no!! " sabi
"Wehh .. hoy thana hintayin mo muna ko ..!! " biro nyang sabi ..
Nagulat na lamang kami ng may itim na van ang pumarada sa harap namin at may lumabas na limang lalaki na naka itim na damit at tinakpan nalang bigla ang mukha at naamoy ko nalang ang di kaayang ayang amoy na nakapag black out sakin ..