Prologue

100 8 0
                                    

Georgina Alcala is a famous writer and because of so much pressure, she ran away. Siguro, maaring sabihin ng iba na baliw na siya dahil sa ginawa niya pero wala siyang pakialam doon. Dahil noong gabi na umalis siya, ang tanging nasa isip niya lang ay ang kaniyang sarili. Ginawa niya iyon hindi para may pahirapan o may mag-alala, ginawa niya iyon para sa kaniyang sarili lang. She doesn't care if she looks selfish. George told herself that when it comes to putting first your own sake, it is not selfish.

Umalis siya sa Manila na walang pinagsasabihan na kahit na sino. Kahit ang pamilya, mga kaibigan at manager niya ay hindi niya pinagsabihan kung saan siya pupunta. Gusto niyang lumayo para makapag-isip isip siya, mag-relax at mapag-isa. Gusto niyang makahinga. She want to be free for a while. From all the people and from the spotlight.

Ngunit sa pag-alis niyang iyon ay masasangkot siya sa isang aksidente sa karagatan. Makikilala niya ang isang merman na siyang magliligtas sa buhay niya. At dahil sa aksidenteng iyon, magsisimula nang magbago ang buhay niya.

When I Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon