When I Sea You - 18

15 3 0
                                    

Chapter Eighteen

Buong araw ay hindi nakita ni George si Aalton. Nang puntahan niya ito sa cabin kaninang umaga ay wala na ito ro'n. Ngayon ay mag-isa siyang nakatambay sa cottage at pinagmamasdan ang dagat na kumikinang dahil sa sikat ng araw na siyang tumatama rito. Nang matapos siyang magpalipas ng oras doon, napagpasyahan niyang pumunta sa mini library sa loob ng Hotel. Kailan lang niya nalaman ang tungkol doon at ngayon lang niya ito mapupuntahan.

Naglalakad siyang mag-isa habang dinadama ang preskong simoy ng hangin at ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan. She look at the beautiful scenery in front of her. Kung nalaman lang niya ng mas maaga ang tungkol sa Isla na ito, noon pa sana siya pumunta.

Aaminin niya, ngayon lang ulit siya nakapag-isip isip. Masyadong nakatutok ang oras niya sa mga bagay na ginagawa nila ni Aalton at dahil lagi silang magkasama, hindi na niya magawang makapag-muni muni. Masaya naman siya dahil nakaramdam siya ng kalayaan nang makapunta siya rito sa Isla. Walang iniisip na ibang bagay. Masaya rin siya dahil nakilala niya si Aalton. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi niya naiisip ang mga bagay na tinakasan niya. Nalilibang siya sa bawat bagay at mga ala-ala na ginagawa nila rito, hindi lang iyon, nakilala siya pa siya ng kaibigan dito. Nagpapasalamat siya na kahit paano, nawala sa isip niya ang mga pino-problema niya. Alam naman niyang darating ang araw na kailangan niya itong harapin.

Nang makarating siya sa Hotel, pumunta siya sa receptionist desk para sa pakay niya. Dahil hindi naman siya mag-che-check in at nandito lang din naman sa first floor ang pakay niya, binigyan na lang siya ng receptionist ng card para makapasok sa loob ng mini library. Puwede rin niya ito gamitin kung manghihiram siya ng libro.

Nagpasalamat siya rito at nagtungo na sa mini library. Pagpasok niya, sumalubong sakaniya ang ilang mga tao na nagbabasa roon, mukhang mga nagpapalipas lang din ng oras. Dumiretso siya sa bookshelves kung saan nakalagay ang mga novels na gawa ng iba't ibang author. Lalo na sa English Literature. Nang makahanap siya ng kaniyang babasahin na novel, umupo siya sa table na nasa right side katabi ng glass window. Tanaw doon ang kulay asul na dagat, puting buhangin at mga bench na nasa may dalampasigan. Ganoon din ang mga duyan na nakatali sa mga puno ng buko.

Nagsimula na siyang magbasa at magpalipas ng oras. Tumigil lang si George sa pagbabasa ng makaramdam siya ng gutom, at nang tumingin siya sa labas ay madilim na. Tumayo siya at lumapit sa front desk ng library. Ginamit niya iyong card para mahiram ang libro na binabasa niya dahil hindi pa niya ito 'tapos basahin, pinag-log in siya sa logbook at pinapirma. Magagamit niya rin iyong card kapag ibabalik na niya ito.

Nang makalabas siya mula sa library hanggang sa labas ng Hotel, dumiretso na siya sa Hopeful Restaurant para kumain ng hapunan. Pagkatapos niyang kumain ay bumalik na siya sa cabin niya at nakita niyang nakaupo na si Aalton sa terrace ng cabin nito. Naging mabilis ang mga lakad niya at sinalubong niya ito ng magandang pagbati nang huminto siya sa tapat ng cabin nito.

"Hey, Aalton."

Nag-angat ito ng tingin sakaniya na wala man lang emosyon ang mukha nito na siyang pinagtaka niya. Kumunot ang noo niya. "Oh. Okay ka lang? May problema ba?"

"Buong araw kitang hindi nakita, Binibini. Kasama mo ba si Morgan?" Seryosong tanong nito.

Hindi niya alam bakit natawa siya sa tanong nito kaya nagtanong itong muli. "Mayro'n bang nakakatawa sa aking katanungan?"

Tumigil siya sa pagtawa at tumikhim, "Porke't wala buong maghapon, si Morgan na kaagad ang kasama?" Huminto siya saglit at nagpatuloy muli. "Hindi ko siya kasama, nagbasa ako ng libro sa library ng Hotel." Sabi niya at saka inangat ang libro na hawak.

Tila lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Tumayo ito at bahagyang lumapit sakaniya. "Kumain ka na ba, Binibini?"

She nodded then she answered, "Oo 'tapos na. Pasensya ka na at nauna na ako. Hindi ko kasi alam kung nasaan ka kanina kaya nagbasa na lang ako para maglibang. Ikaw? Saan ka galing?"

When I Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon