Chapter Twenty Eight
Growing up, George can only rely to herself. Lumaki siyang may nanay at tatay ngunit parang hindi niya kasama ang mga ito. Lumaki siyang mag-isa at sa piling ng mga katulong nila sa bahay. Kaya ganoon na lang kalapit ang loob niya kina Linda, Mary, Teddy at Vic. Dahil ang mga kagaya nila ang kinalakihan niya. Doon niya naramdaman na kahit mag-isa siya, may mga tao pa rin na nakakaalala sakaniya, at inaasikaso siya.
Bata pa lamang siya, wala na sa katinuan ang pag-iisip ng nanay niya. Tulala lang ito sa kawalan at hindi nagsasalita. Ngunit kahit ganoon, hindi niya ito pinagkaitan ng pagmamahal. Niyayakap at hinahalikan niya ito sa pisngi tuwing papasok at galing siyang eskwela. Binabati tuwing espesyal na okasyon. Hindi siya nagtanim ng galit sa puso niya na lumaking hindi naasikaso ng sariling ina dahil naiintindihan niya ang lagay nito. Habang ang ama naman niya, busy sa business nila. Madalas, wala ito sa bahay nila at palaging nasa business trip. Lumaki man siyang hindi rin inaaruga nang sariling ama, hindi siya kailan man nagalit dito. Dahil naiintindihan niya kung bakit ito busy sa trabaho at negosyo. Iyon ay para magkaroon sila ng komportableng buhay.
Pero, hindi ibig sabihin niyon ay hindi na siya nasasaktan. Masakit para sakaniya ang lumaking may mga magulang ngunit hindi man lang siya nakakalinga ng mga ito. That's the reason why she became in love with books and stories.
Nakakalimutan niya ang mga hindi magagandang nangyari sa buhay niya, nakakalimutan niyang mag-isa siya. Dahil sa tuwing nagbabasa siya,pakiramdam niya ay nakakahanap siya ng kasama sa mga karakter na nakikilala niya sa bawat librong binabasa niya. And that leads her to write. Doon niya binuhos lahat ng sakit at emosyon na hindi niya maipakita sa iba. Mga emosyon na hindi niya mailabas. Lahat ito dinaan niya sa pagsusulat.
Kaya nga't nalagpasan niya ang lahat ng pagsubok sa buhay niya na mayroong ngiti sa labi at mayroong pagmamahal sa puso niya. Despite of all the struggles she's been through, for all of the heartaches, she's still choose to express love and kindness. She never let those things changed her to the person she's not.
At ngayon sa pagkakataong ito, wala siyang maramdaman na kahit ano.
Nakabalik na siyang muli sa seldang pinagkulungan sakaniya rito sa ilalim na parte ng Kahariang Meraki. Nakatulala lang siya sa kawalan. Nakaupo siya sa buhangin at naka-kadena ng muli ang kaniyang mga kamay at paa.
Kanina, sinubukan niyang tingnan si Aalton. Tinitingnan niya kung tatapunan siya ito ng tingin ngunit bigo siya. Taas noo itong nakatingin sa mga sirenang naroroon, ni hindi man lang siya tiningnan.
Buong buhay niya, ngayon lang siya dumepende sa isang tao. Dahil no'n lang niya naramdaman ang pagmamahal na hindi niya naramdaman sa mga magulang niya. Isang klase ng pagmamahal na pinaramdam sakaniyang hindi siya iiwan at hindi na muling mag-iisa.
Pero, nagkamali siya.
Aalton betrayed her and now, she's alone. Just like she used to. Noon kahit naman mag-isa siya, punong-puno naman ang puso niya ng pagmamahal at nang kasiyahan. Now, she feels nothing. Para siyang isang lata na walang laman. She can only feel pain, disappoinment and betrayal.
Nakarinig siya nang pagbukas ng kaniyang selda ngunit hindi niya tinapunan ng tingin kung sino man ang dumating na iyon.
"Sa wakas, dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko."
Rinig na rinig sa buong selda niya ang maawtoridad at malalim na boses ni Haring Murdock. Hindi niya ito tinapunan nang tingin. Para bang wala na siyang pakialam kung anong gawin nito sakaniya o kung anong mangyari sakaniya rito sa loob ng selda.
"Siguro naman ay alam mo kung bakit ka nandito. Pinagbantaan ko na ang iyong ama, si Geronimo. Sinabi kong maniningil ako sa mga kasalanan niya sa akin at sa pamilya ko. Sinabi kong kasama ka na ro'n."
BINABASA MO ANG
When I Sea You
RomanceSi Georgina Alcala ay isang sikat na manunulat. Masaya siyang naabot ang kaniyang pangarap, dahil sino ba naman ang hindi? Pero, dumating ang araw na napapagod na siya dahil sa stress at pressure. Doon niya naisip na lumayas at nagdesisyon na magpa...