When I Sea You - 19

25 3 0
                                    

Chapter Nineteen

Kinabukasan, paglabas ni George ng cabin niya, bumungad sakaniya si Aalton na nakaupo sa terrace nito. Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa gulat. Mabuti na lang at hindi siya napasigaw. Maingat niyang isinara ang pintuan ng cabin niya at nang mag-click ito, napatingin sakaniya si Aalton. Nginitian siya nito. "Magandang umaga, Binibini."

She just smiled and nodded her head pagkatapos ay hindi na niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalayo siya ng tuluyan sa cabin nila. Lumingon pa siya para siguruhin na hindi ito sumusunod sakaniya.

"Uy!"

"Ay kabayo!"

Napapikit siya dahil sa gumulat sakaniya. Pagdilat niya ng kaniyang mata, tumambad sakaniya ang tumatawa na si Morgan. She sigh in a relief, mahina niya itong hinampas sa balikat. "Ano ka ba! Bakit ka ba nanggugulat?" Nakasimangot na sabi niya.

Natawa ito. "Hindi naman kita ginulat. Sinabi ko lang naman na uy. Paano kasi makakasalubong kita pero sa likod ka nakatingin, may pinagtataguan ka ba?"

Nagpatay-malisya siya. "Wala, sino naman ang pagtataguan ko?"

Nagkibit-balikat ito. "Aba, ewan ko sa'yo. Ikaw d'yan yung nagmamadali eh."

She sighed. "Tara na nga." Sabi niya kasabay no'n ay nilagpasan na niya si Morgan. Mabilis naman itong nakasunod sakaniya at nakasabay sa paglalakad niya.

"Saan ka pupunta?"

"Sa café. Pagkatapos sa mini library ng Hotel, magbabasa akong libro." Sagot niya sa binata. Isa na rin ito sa mga balak niya dahil gusto niyang iwasan si Aalton. Na-realize niya kasi na sobrang attach na pala niya rito. Ayaw niyang mas maging malapit pa sila dahil alam niya sa sarili niyang may iba na siyang nararamdaman at ilang linggo na lang, babalik na siya sa realidad.

Nagliwanag ang mukha ni Morgan sa sinabi ni George. "May mini library sa Hotel? Let me join you."

Napangiti siya. "Of course, no problem."

Sabay silang kumain ng almusal sa Café at pagkatapos niyon, nagtungo na sila sa Hotel. Pagpasok nila, si Morgan na lang ang pumunta sa receptionist desk para sa library card. Sabay silang pumasok sa library at doon nagpalipas ng oras para magbasa. Sa tabi sila ng bintana nakaupo kaya mas nakakarelax at comfortable ang ambiance dahil kaharap nila ang magandang view sa labas. Kulay asul na karagatan, puting buhangin at ilang mga puno ng buko.

Nakapamulsang naglalakad si Aalton sa may dalampasigan kasama si Reeta. Kanina pa niya iniisip ang naging aksyon ni George kanina. Iniisip niya kung mayroon ba siyang nagawa na hindi nito nagustuhan at hanggang ngayo'y hindi siya pinapansin nito? Naguguluhan na siya. Simula kagabi ay hindi na siya nito pinapansin.

"Wala ka bang naalala kagabi?"

"Ha?"

Bumalik siya sa realidad nang marinig ang boses ni Reeta. Nagsalita itong muli, "Ang sabi ko, wala ka bang naalala kagabi?"

Kunot noo siyang tumingin dito. "Ano ba ang nangyari kagabi?"

"Nagwala ka lang naman sa Restobar dahil sa sobrang kalasingan. Pagkatapos, nag-CR lang ako saglit nawala ka na. Mabuti na lang at dumiretso ako sa cabin mo at doon kita naabutan."

Napapikit siya at hinilot niya ang kaniyang sentido. Parang biglang sumakit ang ulo niya dahil sa kaniyang mga narinig. Ang hirap pala kapag nasa ilalim ka ng impluwensya ng alak.

"May problema ka ba, Aalton? Puwede kitang tulungan."

Idinilat niya ang mga mata niya at umiling. "Wala naman, Prinsesa Reeta. Huwag mo akong intindihin."

When I Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon