Chapter Five
Nagpapatuyo na ng buhok si George dahil kakatapos niya lamang maligo. Nasa loob na siya ng kaniyang cabin sa Island of Hope. Dahil kaninang hapon bago magdilim, naramdaman ni Aalton na may paparating na bangka papunta sa pampang ng dagat sa may Sta. Lucia. Kaya naman nagpaalam na ito sakaniyang umalis. Maya-maya pa ay natanaw na niya ang bangkang iyon. Totoo ngang may mga rescuer na darating para puntahan siya. Nang palapit ng palapit nakasakay pala ang mga ito sa pumpboat at papunta ito sa kinaroroonan niya, natanaw din niya doon si Efren at ang lalaking staff na nasa helicopter kanina. Kumaway-kaway siya ng makita siya ng mga ito.
Nang makalapit si Efren at ang mga kasama nito sakaniya ay todo hingi ito ng pasensya na hindi siya nailigtas nito. Nginitian niya lang ito at nagpasalamat pa rin dahil ginawa naman ni Efren lahat ng kaniyang makakaya. Nakakapagtaka nga lang daw na ang kalmado ng dagat ngunit biglang lumakas ng ganoon ang alon, sabi ni Efren. Ipinagsawalang bahala na iyon ni George ang mahalaga ay ayos lang siya at buhay siya. Thanks to, Aalton. Inabutan siya ni Efren ng puting tuwalya at binalot niya ito sakaniyang katawan. Inalalayan din siya nitong umakyat sa pumpboat na kanilang sasakyan.
Naging maayos naman ang pagpapalaot nila papunta sa resort. Nang makarating sila doon ay dinala muna siya sa clinic para magamot ang mga galos niya. Mayro'n siyang konting galos at hindi niya iyon napansin hanggang sa mga oras na iyon. Nang matapos siya sa clinic ay in-accommodate pa rin siya ni Efren at iyong isang lalaking staff para sa reservation niya. Sinamahan siya nito mula sa pagbabayad hanggang sa paghahatid ng mga ito sa cabin niya. Nginitian niya ang dalawa at lubos na nagpapasalamat.
Nang matapos siyang magpatuyo nang buhok, sinimulan na niyang ayusin ang mga gamit niya sa isang closet. Maganda itong cabin na nakuha niya, good for one lang ito pero spacey. Pagpasok mo pa lang ng cabin, bubungad na kaagad sa'yo ang magandang ambiance. Kalmado lang tingnan at talagang nakakarelax. Ang maganda pa gawa ito sa modern bahay-kubo. Mayro'n siyang single bed covered with white bedsheets, may mini fridge, split type airconditioner, mini sala set, at mini kitchen. Mula naman sa table lampshade, ilaw sa ceiling, pati ang ilaw sa comfort room ay gawa lahat sa bamboo. Kaya naman para sakaniya ay sulit ang binayad niya para sa dalawang buwan na pag-stay niya rito dahil sobrang ganda.
Nang maayos na ni George ang mga gamit niya, napagpasyahan na niyang magpahinga at matulog. Dahil sobrang nakakapagod ang araw na ito para sakaniya.
*******
Kinabukasan ay maagang nagising si George, ala siete pa lang ng umaga ay gising na siya. Dahil maganda ang gising niya, napagpasyahan niyang mag-swimming. Nagpalit siya ng one-piece bathing suit na kulay itim at pinatungan niya ito ng see-through tube floral dress. Lumabas siya nang cabin niya na may ngiti sakaniyang labi. This is the peace that she wants. Mamaya na lang niya lilibutin ang buong Isla.
Tumakbo si George sa may dalampasigan at parang batang nagtatampisaw sa dagat. Lumangoy siya sa medyo malalim na parte ng dagat. Hindi naman na siguro siya pupulikatin dito. May mga ibang tao rin na nag-si-swimming, may mga bata, mga matatanda, couples at magkakaibigan. Nag-e-enjoy si George sa alone time niya habang nag-fo-floating nang biglang may tumawag sa pangalan niya.
"Psst! Binibining George!"
Umayos siya ng langoy para hanapin ang tumawag niyon sakaniya. Isang nilalang lang ang makakatawag sakaniya ng ganoon. Hinahanap niya ito hanggang sa makarinig ulit siya ng pagtawag.
"Binibini! Sa likod mo!" Malakas na sigaw nito na puno ng giliw.
Lumingon si George at dahil hindi niya masyado kita, nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo para matakpan ang nakakasilaw na liwanag ng araw. Nakita niya sa malalim na parte ng dagat si Aalton, maganda ang mga ngiti nitong nakatingin sakaniya.
BINABASA MO ANG
When I Sea You
RomanceSi Georgina Alcala ay isang sikat na manunulat. Masaya siyang naabot ang kaniyang pangarap, dahil sino ba naman ang hindi? Pero, dumating ang araw na napapagod na siya dahil sa stress at pressure. Doon niya naisip na lumayas at nagdesisyon na magpa...