When I Sea You - 16

26 3 0
                                    

Chapter Sixteen

Gabi na pero hindi pa rin lumalabas si George sa kaniyang cabin. Ganoon din si Aalton. Parehas silang nakatulala sa kisame ng cabin nila. Iniisip ang mga nangyari kaninang umaga. Hindi rin sila sabay kumain ngayong araw, parehas nagpapahupa ng bigat ng damdamin ng isa't isa.

Mabilis na bumangon si Aalton. Siya ang unang hindi nakatiis, ayaw niyang patapusin ang araw na ito na hindi sila nagkakaayos. Tumayo siya at inayos ang sarili. Lumabas siya ng cabin niya at laking gulat niya nang lumabas din si George sa cabin nito. Gulat silang nagkatinginan sa isa't isa pero sabay din nag-iwas ng tingin.

Walang kumikibo, parehas nagpapakiramdaman. Napagpasyahan ni Aalton na siya na ang unang magsasalita.

"Binibini..."

Hindi kumibo si George, hinintay niya ang sasabihin ni Aalton.

Huminga nang malalim ang binata at saka nagsalita. "Paumanhin sa inasal ko kanina. Napuno lang talaga ng kaba ang dibdib ko at pag-aalala. Hindi naman talaga ako galit sa'yo. Nagalit ako sa sarili ko kasi hindi kita mahanap kaagad. Naghalo-halo na ang emosyon ko kanina." Paliwanag niya at tiningnan niya si George na siya pa ring nakatalikod sakaniya.

Ilang minuto lang ang lumipas, humarap si George kay Aalton. "Naiintindihan ko naman na nag-alala ka, pero hindi mo naman kailangan gawin iyon. Okay lang naman ako, hindi ba? Nabigla lang ako dahil ganoon ang naging asal mo. Hindi ko akalain na magagalit ka sa'kin dahil lang pinagkatiwalaan ko ang kababata mo at umalis ako ng walang paalam." Malumanay na sabi niya.

Totoo namang nagalit si Aalton sa sarili niya pero mas nagalit siya kay Reeta. Ano bang balak nito? Dala rin ng takot ay baka may gawin itong masama kay George.

"Ang hindi ko lang naman nagustuhan, Binibini, ay iyong mabilis kang magtiwala sa ibang tao o nilalang. Hindi lahat ng sirena ay mababait. Mayroon sakanila na kasing lupit at sama ng ibang tao rito sa lupa. Ayoko lang na mapahamak ka." Concern na pagpapaalala ni Aalton.

"Alam ko naman iyon. Ngunit nagtiwala ako kay Reeta dahil kababata mo siya at mukha naman siyang mabuting nilalang. Ang hindi ko maintindihan, ikaw na kaibigan niya. Mismong ikaw, walang tiwala sakaniya? Paano mo nasabing magkaibigan kayo?"

"Binibini, hindi naman lahat ng tao maari mong pagkatiwalaan, kahit pa ang sarili mong kaibigan. Hindi mo ba alam ang kasabihan na kahit matalik mong kaibigan ay kaya kang traydurin?"

Hindi kumibo si George sa sinabi ni Aalton. May punto ito. Hindi pa man din siya nakakasagot ay nagsalita na ulit ito.

"May tiwala naman ako kay Reeta, Binibining George, iyon nga lang ay hindi ito buo. Ayokong ibigay ng buo ang tiwala ko sakaniya dahil..." huminto siya sa pagsasalita at naghahanap ng tamang sasabihin para maipaliwanag ito kay George na hindi sinasabi ang totoo.

"Dahil?" Curious na tanong ni George, naghihintay ng isasagot niya.

"Dahil maari akong masaktan kapag nasira niya ang tiwala ko. Kaya sana maintindihan mo ang gusto kong iparating, Binibini. Paumanhin muli."

Sumilay ang tipid ngunit totoong ngiti sa labi ng dalaga. "Okay, apology accepted! Ngayon, alam ko na kung ano ang gusto mong sabihin kanina. Sadyang nadala ka lang ng labis na emosyon. Maraming salamat sa pag-aalala, Aalton. Na-appreciate ko." Masayang sabi niya. Sa totoo lang, na-touch naman talaga siya sa pag-aalala ni Aalton sakaniya.

Aalton sighed in relief. Sa wakas, nakita niya na ring ngumiti ito bago matapos ang araw. Napangiti rin siya, "Maraming salamat at napatawad mo ako sa maling inakto ko kanina, Binibini. Hindi ko kayang hindi makipag-usap sa'yo."

"Sus! Ikaw nga ang umaway sa'kin!" Biro ni George at natatawa pa.

Napakamot si Aalton sa ibaba ng ulo niya dahil sa hiya, "Hindi ko naman iyon sinasadya."

When I Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon