Chapter Thirty
"George?"
Morgan knocked on the cabin door three times as he calls George's name. Nagdesisyon si Morgan na bisitahin si George matapos ng halos isang linggo nilang hindi pagkikita. Sa totoo lang ay nagbabakasali lang siya na baka hindi pa ito umaalis dahil nga sasabay siya bumalik sa Manila. Ngunit nang makarating siya rito, nabalot lamang ng pagtataka ang isip niya.
"George?"
Patuloy pa rin siya sa pagkatok sa cabin nito pero wala pa rin sumasagot. Napatingin siya sa lapag ng terrace dahil nakababa doon ang mga bagahe ng dalaga. Kumunot ang noo niya sa pagtataka, nandito ito sa labas ngunit walang tao sa loob ng cabin? Iyon ang nasa isip niya.
Kumatok siyang muli. "George? Nand'yan ka ba?"
Katahimikan. Wala pa rin siyang nakuhang sagot. Sinubukan niyang pihitin ang doorknob para makumpirma ang hinala niya, nang mapihit niya ito at naka-lock, doon niya nakumpirma na wala ngang tao sa loob. Dahil kung naka-lock ito na nasa loob ang mga gamit pati na rin si George, hindi niya iisipin na walang tao. Hindi niya maiwasan na hindi magtataka dahil nasa labas ang mga gamit nito pero naka-lock ang cabin. It doesn't make sense.
Kinuha ni Morgan ang mga bagahe nang dalaga bago siya umalis doon. Naglalakad siya papunta sa cabin niya dala-dala ang mga bagahe.
"Nasaan kaya 'yon?" Pagkausap niya sa kaniyang sarili.
Nang makarating siya sa cabin niya, binuksan niya ang pinto at nilapag sa loob ang mga bagahe ni George at saka niya ulit ito ni-lock. Patungo na siya ngayon sa reception area para magtanong.
Nasa gitnang parte lamang ng Isla ang cabin niya kaya naman hindi ganoong kalayo ang kaniyang nilakad. Nang makarating siya sa lobby, dumiretso siya sa reception.
"Hello, good morning. May I ask something?" Bungad niya sa babaeng receptionist na naka-duty doon.
Ngumiti ito sakaniya. "Yes, Sir. Anything that can help you."
Tipid siyang ngumiti pabalik. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. "Um, may I know if Georgina Alcala is still on the Island? Kaibigan ko kasi siya at balak ko sanang sumabay kapag aalis na siya rito."
Tumango ito sakaniya. "Okay, Sir. Please, wait a minute," pagkasabi nito niyon, bumaling ito sa computer desk na nasa kaliwang bahagi. May mga tinipa ito sa keyboard at nag-scroll sandali. Nang matapos ito sa ginagawa, nilingon siya nito. "Luckily Sir, naka-check in pa rin po si Ma'am Georgina Alcala."
Mas lalong dumagdag ang nalaman niya sa kaniyang iniisip. Kung nandito pa ito, nasaan ito? Nasa Hotel? Kahit na halata sa mukha niya ang pagkabigla at pagkalito, inalis niya iyon kaagad.
"Okay, thank you," sabi niya sa receptionist at ngumiti ng tipid.
"You're welcome, Sir." Paalis na sana siya nang magsalita itong muli. "May napansin nga lang po akong medyo kakaiba."
Mabilis niya itong nilingon at kumunot ang noo niya. "What do you mean?" He asked.
"Well Sir, last week po ay naka-schedule na mag-check out si Ma'am Georgina Alcala kasama po iyong boyfriend niyang nag-check in dito. Iyon nga lang po noong paalis na po iyong pumpboat, hindi po sila sumipot. That's why we still assume that they are still on the Island. Kaya nga po naka-check in pa rin po sila rito."
Pilit na pino-proseso ni Morgan ang mga information na nalaman niya. Tumango-tango siya. "That's a relief. Thanks."
Pagkasabi niya niyon ay mabilis niyang nilisan ang lobby. Gulong-gulo ang utak niya. "If they are still here on the Island, where are they?" Tanong niya sa kaniyang isip. Dumiretso siya sa Hotel ng Isla at doon nagtanong sa reception area. Nagbabakasakali na nandoon si George ngunit bigo siyang lumabas nang Hotel ng wala namang Georgina Alcala na naka-check in doon.
BINABASA MO ANG
When I Sea You
RomanceSi Georgina Alcala ay isang sikat na manunulat. Masaya siyang naabot ang kaniyang pangarap, dahil sino ba naman ang hindi? Pero, dumating ang araw na napapagod na siya dahil sa stress at pressure. Doon niya naisip na lumayas at nagdesisyon na magpa...