Chapter Thirty Two
Naglalakad-lakad si Morgan sa dalampasigan nang umagang iyon dahil hindi siya gaanong makatulog sa labis na pag-aalala. Nang ma-proseso ng utak niya ang mga nalaman, hindi na siya mapakali sa bawat araw na lumilipas.
At sa paglalakad-lakad niyang 'yon, may nakita siyang isang babae na nakahandusay sa dalampasigan. Tiningnan niya iyong mabuti, nang makilala niya kung sino ito, kaagad na nanlaki ang mga mata niya at tumakbo palapit dito.
"George!" Sigaw niya mula sa malayo.
Nang makalapit siya kay George, pasalampak siyang umupo sa tabi nito. Hindi alintana ang buhangin sa kaniyang katawan. Kinalong niya ito, tinapik-tapik niya ang pisngi nito para gisingin habang tinatawag ang pangalan nang dalaga.
"George."
"Hey, George," Pagtawag niya rito pero wala itong sagot sakaniya. Patuloy pa rin niya itong ginigising ngunit hindi ito gumagalaw man lang.
Tumayo siya at binuhat niya si George ng pangkasal. Dumiretso siya sa clinic ng Isla. Mabuti na lang at buong magdamag itong bukas.
Pagpasok niya nang clinic nagmamadali siyang tumawag ng tulong. "Nurse! Nurse! Tulungan niyo ako!"
May lumabas na nurse at sinalubong siya nito. "Ano pong nangyari?"
He can't think any alibi as of the moment. Kaya naman simple na lang ang sinagot niya. "Nawalan siya nang malay."
"Bakit po siya basa, Sir?"
"Uhm, she was taking a bath then I just heard she collapsed."
"Please, Sir, this way." Giniya siya ng nurse sa mga clinic bed at ipinahiga nito roon si George.
Dahan-dahan namang ibinaba ni Morgan ang katawan ng dalaga sa higaan. Sinusuri nang nurse si George, habang siya ay titig na titig lamang siya rito pagkatapos noon ay pinahintay na muna siya sa labas.
Umupo siya sa isang bench doon na tulala. After weeks of waiting, finally, she's back. Kaya nga lang, hindi niya ini-expect na makikita ito sa ganoong kalagayan.
"Ano bang nangyari sakaniya sa ilalim ng dagat?" Tanong ni Morgan sa kaniyang isip. Hindi na nga niya napansin na 'tapos ng asikasuhin nang nurse si George. Tinawag siya nito at sabay silang lumapit sa clinic bed na kinakahigaan nito. Mayroon n itong dextrose at nakapalit na rin ng hospital gown.
"Sir, you don't need to worry. Nawalan lang siya ng malay dahil kulang siya sa tulog at kain. Ayos lang din naman ang vital signs niya. Nanghihina lang din ang kaniyang katawan kaya mga ilang araw pa ulit bago siya magkaroon nang malay."
"Okay, noted. What do I need to do?"
"Wala naman gaano, Sir. Just wait her to wake up at maari niyo na po siya ulit ibalik sa cabin niyo. May ilang gamot lang din akong ibibigay para maibalik ang lakas niya."
"Thank you."
Pagkasabi niyon ni Morgan, paalis na ang nurse na sumuri kay George pero napahinto ito at tinawag ang atensyon ng binata.
"Ah, Sir?"
Nilingon niya ito. "Yes?"
"Puwedeng magtanong?"
"Sure. What is it?"
"Itong girlfriend niyo, may nangyari ba sakaniya?"
Kumunot ang noo ni Morgan dahil sa pagtataka. Sa sobrang pre-occupied niya, hindi na nga niya napansin na tinawag ng nurse si George na girlfriend niya.
"Ano iyon?" He asked.
"Mayroon po kasi siyang sugat sa likod. Kakahilom lang po ng mga ito. Mukhang isa rin po iyon sa dahilan bakit po siya nanghihina at walang malay."
BINABASA MO ANG
When I Sea You
RomanceSi Georgina Alcala ay isang sikat na manunulat. Masaya siyang naabot ang kaniyang pangarap, dahil sino ba naman ang hindi? Pero, dumating ang araw na napapagod na siya dahil sa stress at pressure. Doon niya naisip na lumayas at nagdesisyon na magpa...