When I Sea You - 22

32 2 0
                                    

Chapter Twenty Two

Magkasamang nanunuod ng action movie si George at Aalton sa cabin ng dalaga. Magkatabi silang nakaupo sa kama nito. Nakaakbay si Aalton kay George habang siya naman ay nakasandal sa dibdib nito.

Sa lumipas na kalahating araw, nanuod lang sila ng movies. Ito iyong mga movies na nasa cellphone ni George, they just connected it to the flat-screen TV na mayroon dito sa cabin.

Nang matapos ang movie, tumayo si Aalton at niligpit ang mga pinagkainan nila na nasa bed side table. Sumunod na tumayo si George para i-disconnect ang cellphone niya sa flat-screen TV pagkatapos ay ibinalik niya ang cellphone niya sa drawer na katabi ng kama niya.

Aalton hugged her from behind. "Binibini, may ipagpapaalam ako."

Nilingon niya ito, at dahil nakayakap ito sakaniya, ilang pagitan na lang ang layo ng kanilang mukha. "Ano iyon, Aalton?"

"Ayos lang ba sa iyo kung iwan muna kita rito sa cabin mo sandali? Mga ilang oras lamang. Mayroon lamang akong gagawin."

Pinaningkitan niya ito ng mata, "Ano yan ha?" She said in a strict voice too.

Bumakas sa mukha ni Aalton ang pangamba. "Kung hindi ka pumapayag, naiintindihan ko, Binibini," Seryosong sabi nito.

She laughed, "Biro lang. Oo naman, maari mo iyong gawin. Hihintayin na lamang kita rito. Magbabasa na lang muna ako ng libro habang nasisinagan ng papalubog na araw. Isn't that great?"

Gumuhit ang magagandang ngiti sa labi nito. "Maganda iyon, Binibini para kahit ganoon ay hindi ka mainip sa paghihintay mo sa akin."

Humiwalay siya mula sa pagkakayakap nito kaya umayos ito ng tayo at hinarap niya ito. Hinawakan ni George ang kamay ni Aalton. "Kung ano man iyang gagawin mo, i-kuwento mo sa'kin pagkatapos, ha? Hihintayin kita." Nakangiti pang sabi nito.

"Maraming salamat, aking Binibini." Tinawid niya ang pagitan nila ni George at niyakap niya ito. "Bibilisan ko para makabalik ako kaagad."

She hugged him back. "Just take your time. Don't worry about me. Isa pa, hindi ka naman pupunta sa malayong lugar. Dito ka lang naman sa Isla," sabi ni George na natatawa. She realized how clingy they are to each other.

Si Aalton ang unang humiwalay mula sa pagkakayakap nila, nag-angat ng tingin si George. "Sige na, maari ka nang umalis. Baka gabihin ka pa," she said while smiling.

Aalton smiled. "Babalik ako kaagad." Pagkatapos niyon ay hinalikan siya nito sa noo. "Hintayin mo ako, ha?"

She nodded as she answered. "Oo, maghihintay ako."

"Mahal kita, George." Sabi nito habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. She smiled sweetly. "Mahal din kita, Aalton."

Binigyan niya ito ng halik sa pisngi at saka nagpaalam na ito ng tuluyan. Sinundan lang niya ng tingin si Aalton habang papalabas ito ng cabin niya. Nang malakabas ito, kinuha ni George ang libro niya sa bedside table at lumabas na rin ng cabin niya. Pumunta siya sa dalampasigan at umupo sa isa sa mga bench doon. Isinandal niya ang kaniyang likod sa sandalan nito, iniunat ang mga paa at pinag-ekis ito. She looked at the beautiful scenery in front of her, she smiled. Mas lalo siyang ginanahan magbasa dahil sa relaxing atmosphere ng lugar. She opened her book and she started reading.

Pagkalipas ng dalawang oras, tuluyan nang dumilim at tanging mga ilaw na nakapaligid sa Isla ang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan ng lugar. Naglagay ng bookmark si George sa huling chapter ng binabasa niya at isinara ang libro. Tumayo na siya at napagpasyahan na bumalik sa loob ng cabin niya.

Ano kaya ang ginawa ni Aalton? Tanong niya sa kaniyang sarili. Nawala kasi sa isip niya na tanungin ito kanina. Nagkibit-balikat na lang siya at ibinalik sa bedside table ang nahiram na libro sa Library ng Hotel. Kumuha siya ng damit sa travel bag niya at pumasok siya ng C.R para maligo. Nang makalabas siya, nakapagpalit na rin siya nang damit. Umupo siya sa gilid ng kama niya at nagpapatuyo ng buhok.

When I Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon