Chapter One
Third Person POV
Madaming tao ang nagkakagulo sa isang bookstore dahil sa bagong labas na libro. Paunahan at paramihan sa pagbili ng libro na iyon. Ang libro na ito ay hindi lang sikat locally kung hindi sikat din siya sa labas ng bansa. Nasusulat din sa tagalog at english ang librong ito na pinamagatang, “You Killed Me” isa itong mystery-thriller genre na may sub-plot na romance. Inaabangan ito ng marami dahil isinulat ito ng isang sikat na author na si Georgina Alcala o mas kilala sa pen name niyang Miss George, isa siya sa mga Filipino published-author na napasama sa New York Times best-selling author sa libro niyang, “I'm Blinded By You” na isa namang romance-comedy book genre. At dahil nag-debut siyang published author sa Pilipinas at sa labas ng bansa, maraming mambabasa ang nag-aabang sa bagong published niyang libro dahil sigurado silang maganda ito. Basta ang nasa isip nila, kapag si Georgina Alcala ang nagsulat, wala itong duda, dahil para sakanila maganda ang quality ng kwentong isinusulat nito. Sa katunayan nga ay napapabilang na si Georgina sa linya ng mga magagaling na manunulat sa buong mundo.
Ilang libro na rin ang kaniyang na-published at naging pelikula na siyang tinangkilik at nagustuhan talaga ng mga tao. Bukod sa mga loyal fans niya, kahit hindi niya mismong fan ay gusto ang mga isinusulat niya.
"Ay! Ano ba 'yan!" Dismayado at inis na sabi ng isang babae nang may maunang kumuha ng libro ni Georgina sa bookshelves kung saan nakalagay ang mga bagong labas na libro nito. Isang kopya na lang kasi ito, at sa tingin ng babae ay aabot pa ng isang linggo bago magkaroon ulit ng stocks. Limang araw na mula nang unang ilabas ang bagong libro ni Georgina at mabilis na nagkakaubusan sa mga bookstores. Sa malaki at sikat na bookstore na ito ay ubos na rin ang kopya.
Umalis ang babae na nakasimangot at panigurado ay masakit ang puso dahil hindi siya nakabili ng libro na kaniyang gusto. Lingid sa kaalamanan niya, ang taong nakakuha nang gusto niyang libro ay ang mismong nagsulat nito.
"Sorry, Ate," Bulong ni Georgina sakaniyang sarili habang nakatingin sa papalayong babaeng nais bumili ng libro niya.
Nakapang-disguise siya kaya hindi siya nakilala ng babaeng iyon. Sikat na manunulat si Georgina kaya kinailangan niyang mag-disguise dahil maaari siyang pagkaguluhan ng mga ito. Hindi nga niya akalain na ang isang manunulat na katulad niya ay puwede pa lang pagkaguluhan na parang isang artista.
Pumunta si Georgina sa bookstore na iyon dahil gusto niyang makabili ng sarili niyang kopya. Ayaw niya kasing manggagaling pa sa mismong publishing company ang kopya niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya, mas gusto niyang siya mismo ang nakakahanap at nakakabili ng kopya nang kaniyang libro. Siguro, deep inside, gusto niya pa ring maramdaman ang saya na naidudulot kapag nakabili ka nang gusto mong libro. Hindi na rin siya nag-dalawang isip na pumunta sa bookstore kung nasaan siya ngayon dahil malapit lang naman ito sa tinitirhan niya.
Pumunta siya sa counter at saka binayaran ang librong nakuha niya. Tinanong niya ang cashier na sa tingin niya ay bata sakaniya ng dalawang taon. "Miss, kailan po kayo ulit magkakaroon ng kopya ng librong 'yan?"
Nginitian siya nito at sinagot, "Mga isang linggo pa po siguro, Ma'am. Nakakaubusan po kasi talaga kapag bagong labas ang mga libro ni Miss George."
Ngumiti siya pabalik dito. "Ganoon ba. Ang hirap pala talaga bumili ng libro niya 'no?" Pagkukuwento niya na para bang hindi siya si Miss George.
"Opo, Ma'am." Sagot ng kahera habang binabalot ang binili niyang libro at hinihintay nitong lumabas ang resibo. Nagpatuloy ito sa pagsasalita, "Tinatangkilik po talaga kasi nang marami ang mga libro niya dahil ang galing niya pong magsulat. Madami po siyang napaparealize sa mga tao. Ako nga rin po sa totoo lang, fan din po niya ako. Nakapagpareserve na nga po ako ng libro niya dito sa store namin. Babayaran ko po mamaya after ng duty ko," Nakangiting pagkukuwento nito kaya naman ay napangiti siya. Masaya siya dahil marami siyang natutulungang mga tao sa pamamagitan ng mga sinusulat niya.
Kinuha ng kahera ang resibo at ini-stapler ito sa paperbag kung nasaan ang librong binili ni George. "Thank you po, Ma'am. Come again." Nakangiting sabi ng kahera.
"Thank you rin," Nakangiting sagot niya sa kahera at saka siya umalis ng bookstore. Mabilis siyang lumabas ng mall at pumunta sa parking lot.
Nang makita niya ang kotse niya, mabilis siyang pumasok sa loob at tinanggal ang kaniyang disguise look. Nakahinga siyang maluwag nang makapasok siya sa loob ng kotse niya. Kahit na kalmado siya tingnan, kinakabahan pa rin siya kapag lumalabas siya na naka-disguise dahil baka may makakilala sakaniya.
"Another success mission, George!" Sabi niya sakaniyang sarili na may ngiti sa labi niya. Kinuha niya ang paperbag, sinira niya itong bahagya para makuha ang libro niya na siya mismo ang bumili. Napangiti siya. "Ang ganda pala talaga ng book cover. Babasahin ko kapag may time na ako." Binuklat niya ang libro at inamoy ang bawat pahina nito. Bilang isang manunulat at mambabasa, isa sa mga gustong amoy ni George ay ang amoy ng isang libro. "Ang bango!" Masayang sabi niya na para bang wala nang mas babango pa sa amoy na iyon.
Ibinaba niya ang libro nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya at sinagot ang tawag na mula sakaniyang manager na si Diane Jose. "Hello, Miss Diane?"
"George! Nasaan ka na ba? Malapit na magsimula ang opening ng bagong library dito sa may South! Baka nakakalimutan mo, dito gaganapin ang first booksigning event mo para sa “You Killed Me” at kasama ka sa mag-ka-cut ng ribbon!" Nagpapanic na sabi ni Diane kay Georgina na siyang kinatawa nito.
"Relax ka lang, Miss Diane. Hindi naman ganoon kalayo kung nasaan man ako, aabot ako sa opening." Nakangiting sabi niya kahit pa hindi siya nakikita ni Diane.
"O siya, bilisan mo na. Pagkatapos no'n ay pupunta tayong Laguna dahil may booksigning ka do'n para sa book tour mo. Alam mo naman 'yon, 'di ba? First time mo lang mag-hold nang booksigning do'n kaya inaabangan ka ng mga readers mo." Pagpapaalala ni Diane kay Georgina.
"Yes, Miss Diane. Hindi ko naman po nakakalimutan."
"Very good. Nagsimula na ang book tour mo rito sa Pilipinas, kaya i-expect mo na baka may book tour ka rin out of the country kagaya noon. Be ready and healthy, George."
Sa isip-isip ni George, minsan talaga pakiramdam niya ay hindi na niya kaibigan at manager si Diane dahil sa mga paalala at bilin nito. Pakiramdam niya ay para na niya itong nanay. Natawa siya sa kaniyang naisip, narinig iyon ni Diane na siyang kumunot ang noo sa kabilang linya. "Ano naman ang nakakatawa, George?"
"Wala, wala, Miss Diane." Natatawa pa ring bulaslas ni George.
"George?" Medyo tumaas na ang tono ng boses ni Diane kaya alam ni George na seryoso ito at hindi nakikipagbiruan.
Tumikhim si George para mapigilan ang kaniyang pagtawa. "Ano lang kasi, kung makapagpaalala ka daig mo pa nanay ko, kaya ayon, natawa ako. Sorry, Miss Diane."
Narinig ni George ang pagbuntong hininga ni Diane sa kabilang linya. "Kailangan 'yon, George. Mamaya sa sobrang busy mo hindi mo na pala inaalalagaan sarili mo. O sige na, pumunta ka na rito."
Sa huli, napangiti si George dahil sa concern ni Diane sakaniya. "Thank you, Miss Diane."
Napangiti si Diane mula sa kabilang linya kahit hindi ito nakikita ni George. "Walang anuman, George. Mag-ingat ka."
"Okay." Sabi ni George at ibinaba na niya ang tawag. Inilagay niya ang kaniyang cellphone sa pouch niya. Pinaandar na niya ang kaniyang kotse at nagsimula na siyang magmaneho palabas ng parking lot ng mall.
"Isang mahabang araw na naman ang kakaharapin mo, George. Kaya mo 'yan!" Pag-che-cheer ni George sakaniyang sarili. Dahil alam niyang at the end of the day, hindi lang kamay niya ang pagod kung hindi pati ang buong existence niya.
*****
Hi! Please support this new story of mine! 😊
Oo nga pala, wala talaga akong idea pagdating sa mga published authors, kung ano ang kalakaran pagdating sa mga ganiyan. Lahat ng ito base lang sa mga napapanuod ko at nababasa ko, pure fictional at puwedeng hindi accurate ang mga information. Sana maintindihan niyo. Salamat! ❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
When I Sea You
RomanceSi Georgina Alcala ay isang sikat na manunulat. Masaya siyang naabot ang kaniyang pangarap, dahil sino ba naman ang hindi? Pero, dumating ang araw na napapagod na siya dahil sa stress at pressure. Doon niya naisip na lumayas at nagdesisyon na magpa...