Chapter Eight
Lumipas ang araw at hapon na naman. Nakaupo lang si George sa kama niya habang hinihintay matapos si Aalton sa paliligo nito.
Sa buong maghapon, naayos na ni George ang mga kailangan ni Aalton. Napapalit na niya ang perlas sa pera at nakuha na rin niya ito bago mag-tanghalian. Pagkatapos ay nagbayad na rin siya sa dalawang buwan na pag-stay ni Aalton sa Isla. Kagaya na lang ng sakaniya, kasabay niyon ay nakuha na rin niya ang susi ng cabin nito. Nalaman din niya na mayroon din pa lang mga bilihan ng damit dito sa Isla kaya naman ibinili na rin niya ng damit si Aalton. Mayro'n ding maliit na grocery store kaya binilhan na rin niya ito ng mga extra bath supplies. Dito na niya pinaligo ang binata dahil itinuro pa niya paano gamitin ang mga gamit panligo pati na rin ang shower sa C.R.
Nagsusulat si George sa diary niya nang lumabas si Aalton sa banyo. Nag-angat siya ng tingin. "Oh, 'tapos ka na pala." She said and smiled.
Nakabihis na ito ng t-shirt at short habang hawak naman nito ang sariling tuwalya. "Oo. Maraming salamat sa mga tulong mo, George. Hayaan mo at ibabalik ko ito ng doble. Susuklian ko rin ito ng kabutihan." Nakangiting sabi nito.
"Wala iyon." Napansin naman niyang tumutulo pa ang buhok nito. "Aalton, maari mong punasan ng tuwalya ang buhok mo. Para hindi na tumutulo ang tubig."
Hinawakan nito ang sariling buhok, "Oo nga, basang-basa pa." Pagkatapos ay pinunasan nito ang buhok. Ngunit padamp-dampi lang. Napailing si George dahil hindi ito matutuyo kaagad kung gano'n magpunas si Aalton ng buhok.
Lumapit si George kay Aalton at kinuha ang tuwalya. "Hindi ganiyan." Sabi niya.
Aalton looked at her face, confuse. "Paano ba, Binibini?"
"Yumukod ka."
Sumunod naman si Aalton sa sinabi ni George. Ipinatong ni George ang tuwalya sa ulo ni Aalton at pinunasan ito na parang ginugulo ang buhok. Pinupunasan niya bawat hibla ng buhok nito. "Ayan, okay na."
Inalis niya ang tuwalya sa buhok ni Aalton kaya naman umayos na ito ng tayo. Hinawakan nito ang sariling buhok. "Maraming salamat, binibini. Hindi na tumutulo. Sa susunod ay ganoon na lamang din ang gagawin ko." Nakangiting sabi nito.
"Wala 'yon. Ngunit may nais ka bang gawin? Lalo ngayong tao ka na?" Tanong ni George sa binata.
Tumingin ito sa itaas at hinimas-himas ang baba na para bang may iniisip. "Hmm..." nagbaba siya ng tingin kay George. "Nais ko lamang maglakad-lakad sa dalampasigan, Binibini. Para naman masanay ako sa mga paa kong ito. Bukod doon ay wala na. Sasabihin ko na lamang sa iyo kapag meron." Nakangiting sabi nito.
George smiled. "Sige! Oh, heto, magsuklay ka muna." Inabot niya ang suklay na nasa may bedside table niya at binigay ito kay Aalton. Iminuwestra niya sa kaniyang sarili paano gamitin ang suklay at sinundan naman iyon ng binata. Nang matapos itong magsuklay ay inabot nito iyon kay George na siya namang binalik ng dalaga sa kinalalagyan nito.
"Binibini, bago tayo umalis, kukunin ko lamang ang mga gamit ko pangligo at ilalagay ko muna sa loob ng aking tinitirhan." Sabi ni Aalton kay George.
"Sige. Hintayin na lamang kita sa labas."
Kumilos na si Aalton, kinuha nito ang mga gamit at palabas na siyang cabin ni George nang pinigilan siya nito at may ipinaalala. Sinabi ng dalaga na kapag lalabas ito ng cabin, siguraduhing walang bukas na ilaw o appliances dahil maari itong pumutok at magsanhi ng sunog. Ipinaliwanag pa niya kung ano ang sunog at apoy sa binata, matiim naman itong nakikinig sa mga paliwanag niya. Sinabi niya rin na malalaman na lang nito kung ano ang apoy kapag gumawa siya ng bonfire. Nang matapos siya sa pagpapaliwanag ay hinayaan na niyang makalabas si Aalton mula sa cabin niya. Habang siya naman ay pinatay lahat nang ilaw at appliances pagkatapos ay lumabas na siya at ni-locked ang cabin niya. Nasa labas na siya at hinihintay na lang si Aalton na makabalik. Nang 'tapos na ito sa bagay na inasikaso lumapit ito sakaniya, nagsimula na silang maglakad patungo sa dalampasigan.
BINABASA MO ANG
When I Sea You
RomanceSi Georgina Alcala ay isang sikat na manunulat. Masaya siyang naabot ang kaniyang pangarap, dahil sino ba naman ang hindi? Pero, dumating ang araw na napapagod na siya dahil sa stress at pressure. Doon niya naisip na lumayas at nagdesisyon na magpa...