When I Sea You - 38

24 3 0
                                    

Chapter Thirty Eight

Hapon nang nakarating si George sa bayan ng Sta. Lucia. Ipinarada niya sa gilid ng kalsada ang kaniyang sasakyan at pumasok sa maliit na daan papunta sa pampang.

Nang makarating siya sa pampang nakita niyang papaalis na iyong pumpboat papunta sa Island of Hope, mabilis siyang tumakbo sa dalampasigan ngunit hindi na niya iyon naabutan.

"Aalton!" Nagsimula siyang isigaw ang pangalan ng lalaking sinisigaw ng puso niya. Lumusong siya sa dagat. "Aalton!" Patuloy niyang pagtawag dito.

Hanggang tuhod na niya ang taas ng tubig dagat. Lumusong pa siyang kaunti. "Aalton!"

"Aaltoooon!" Isang mahaba at malakas na sigaw ang binitawan niya. Umabot na siya sa hanggang bewang na tubig dagat at unti-unti nang namumuo ang luha sa mga mata niya. Huminto siya roon at pilit pa ring tinatawag ito, umaasang magpapakita ito sakaniya.

"Aaltoooon!"

"Please, magpakita ka!"

"Aaltoooon!"

Nakailang beses ng isinigaw ni George ang pangalan nito, wala pa ring Aalton na umaahon mula sa dagat at nagpakita sakaniya. Bumalik siya sa dalampasigan, nanghihina siyang napaupo.

"Aaltooon!" Muli niyang pagtawag sa pangalan nito, ngunit wala pa rin.

Natulala siya ng ilang segundo at doon na bumuhos ang mga luha niya. Ang tahimik niyang pagluha ay naging isang hagulgol. Ibinuhos niya lahat ng sakit sa pagluha niyang iyon. Tinapik-tapik din niya ang kaniyang dibdib dahil sa paninikip at pagkirot nito.

Itinaas niya ang kaniyang tuhod hanggang sa kaniyang dibdib at saka sumubsob doon. Nilabas niya lahat ng lungkot, sakit at kawalang pag-asa na hindi na muli niyang makikita si Aalton.

Ilang minuto ang lumipas, hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si George. Pakiramdam nga niya ay hindi nauubos ang kaniyang luha, gayon din ang sakit na nararamdaman niya.

"George!"

Napatigil siya sa pag-iyak nang marinig ang boses na iyon. Kilala niya kung kanino iyon galing. Dahan-dahan niyang ini-angat ang kaniyang ulo at nakita niya sa dagat si Aalton.

Kahit na patuloy pa ring umaagos ang luha sa mukha niya, nagawa pa rin niyang ngumiti nang totoo. Nakita ni George na lumangoy si Aalton papunta sa dalampasigan, nang nasa mababaw na parte na ito, pagapang itong lumapit sa dalampasigan. Parehas na hindi inaalis ang tingin sa isa't isa. Naputol lamang iyon nang umupo roon si Aalton at ginamit nito ang sariling mahika para dalhin siya papalapit sa tabi ni George. Napatakip ng bibig si George nang makita niya ang likod ni Aalton, nakatalikod ito mula sa kaniya.

Dinala ng tubig si Aalton sa tabi ni George habang ang dalaga naman ay pinagmamasdan lang kung saan dalhin ni Aalton ang kaniyang mga mata. Nang ibaba ng tubig si Aalton sa tabi niya, nagtamang muli ang kanilang mata. Hindi niya inaalis ang mga tingin niya rito.

Ilang buwan ang lumipas na hindi sila nagkita. Hinaplos niya ang mukha nito at ramdam na naman niya ang pangingilid ng kaniyang luha.

"Kumusta ka na, Aalton?" Tumikhim siya at lumunok dahil sa pakiramdam na parang may nakabara sa lalamunan niya. "Nakita ko ang peklat mo sa likod, p-pinahirapan k-ka ba nila?" She tried so hard to talk normally, but her voice crack. Do'n nagsimula na naman ang dahan-dahahg pagtulo ng luha niya sa kaniyang pisngi.

Hinawakan ni Aalton ang mukha niya at pinunsan nito ang kaniyang luha. "Huwag ka nang umiyak, aking Binibini. Ang mahalaga ay nailigtas kita."

"Kapalit naman niyon ay ikaw ang napahamak, kayo ni Mandar."

When I Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon