Chapter Twelve
Nag-aagahan si Geronimo Alcala sa labas ng bahay niya. Nakaupo siya sa isang bilog na mesa na may malaking payong na siyang nagsisilbing silong niya sa labas. Nakapuwesto ito malapit sa swimming pool ng bahay niya. Inabot niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang manager ng kaniyang anak na si Diane Jose.
"Good morning, Sir."
"Good morning, Miss Jose. May balita ka na ba kay George?"
"Sadly, Sir, wala pa po. Ang hirap pong hanapan ng trace ni George. Wala po siya iniwan na kahit anong bakas nang umalis siya."
Huminga nang malalim si Geronimo. Nag-aalala na siya sa anak niya, baka kung napano na ito. "Ganoon ba. If there's any changes or updates, tawagan mo lang ako."
"Yes, Sir. Don't worry." Sabi nito at binaba na ang tawag. Napahinga siyang malalim. Ilang linggo nang nawawala ang anak niya ngunit wala pa rin silang balita. Mabuti na lamang nakausap niya mabuti ang mga business partners niya at ang mga investors para sa bagong libro na ilalabas sana ng kaniyang anak.
Bilang CEO ng G.A Publishing Company, ama rin siya ni George. Kailangan niyang gawin iyon hindi lang dahil siya ang CEO ngunit bilang isang ama sa kaniyang anak. Alam niyang malaki ang pagkukulang niya kay George, ito lang ang alam niyang paraan para makabawi. Hanggang ngayon ay bumabawi pa rin siya sa anak, isa na rito ay ang pagtulong sa pamamagitan ng pag-abot nito sa sariling pangarap.
Naabot lahat ni George ang kung ano man ang mayro'n siya ngayon hindi dahil anak siya ng publishing company na pinapasukan niya kung hindi dahil sa sarili niyang pagsisikap at talento. At bilang ama ni George, proud si Geronimo sa mga naabot at accomplishment ng kaniyang anak. Lingid sa kaalaman ng iba na mag-ama sila, anak niya ang nagdesisyon na huwag ito ipaalam sa public o sa ibang tao. Si George ang may gustong itago ito sa lahat. Dahil ayaw daw nitong malaman ng mga tao na sa sarili niyang ama siya nagta-trabaho. Lalo na at isa siya sa mga writers na pinagtutuunan ng pansin ng kompanya. Sinabi sakaniya ni George na baka isipin ng mga tao na kaya lang nakilala ang mga gawa niya ay dahil sa impluwensiya ng kompanya, dahil may favoritism. Ayaw naman niya maging ganoon ang tingin ng mga tao sa anak niya kaya pumayag siya sa gusto nito. Masaya siya na nagtagumpay ito dahil sa sariling paghihirap, pagpupursige at sa sariling talento. At hindi dahil ama niya ang may-ari ng kompanya.
Walang ginawa si Geronimo para lumaki ng ganoon ang tagumpay nang anak. Lahat ng iyon ay si George ang gumawa at nagsikap. Pinagmamasdan niya lang ito sa malayo at ginagabayan sa mga gusto nito. May mga ilang projects siyang ginawa para sa mga writers ng kompanya ngunit hindi niya akalain na karamihan doon ay mapupunta sa kaniyang anak, siguro ay dahil kilala si George locally and intertionally kaya ito palagi ang pinipili ng board members at investors. Alam na alam ng mga ito na malaki ang target market ng anak niya. Sa totoo lang, nais din niya ibigay iyon sa iba ngunit pagdating sa mga ganoong projects, hindi lang siya ang nagdedesisyon. Kasama niya ang board members at inverstors, majority sa mga iyon si George ang pinipili at wala na siyang nagagawa doon.
Natigil siya sa pagmumuni nang mapansin niyang naiiba ang kaniyang paligid. Kumunot ang noo ni Geronimo nang mapansin niyang kumukulimlim ang langit samantalang ang taas pa ng sikat ng araw kanina. Nagulat siya nang magsimula na bumuhos ang malakas na ulan. Papasok sana siya sa loob nang bahay niya ngunit napansin niyang lumalakas ang tubig sa swimming pool na animo'y alon.
Lumapit siya doon, laking gulat niya nang magkaroon ng sariling buhay ang tubig. Pumulupot ito sa paa niya at hinila siya nito pailalim sa swimming pool. Nilalabanan niya ito, "Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw niya. Ngunit parang walang nakakarinig sakaniya.
"Manang! Manang! Tulungan niyo ako!" Pagtawag niya sa isang katulong na naglilinis sa living room niya. "Tulooong!" Malakas niyang sigaw ngunit para bang bingi ito.
BINABASA MO ANG
When I Sea You
RomanceSi Georgina Alcala ay isang sikat na manunulat. Masaya siyang naabot ang kaniyang pangarap, dahil sino ba naman ang hindi? Pero, dumating ang araw na napapagod na siya dahil sa stress at pressure. Doon niya naisip na lumayas at nagdesisyon na magpa...