When I Sea You - 3

49 6 0
                                    

Chapter Three

Parang latang gulay na pumasok si George sa kaniyang bahay habang minamasahe ang kaniyang nanakit na batok. Gabi na siya nakauwi mula sa isang booksigning event na kasama sa book tour niya. Sumakit ang kaniyang batok sa halos maghapon niyang pagyuko.

Pagdating niya sakaniyang malaking bahay, sinalubong siya ng kaniyang dalawang kasambahay. Nginitian siya ng mga ito. "Good evening po, Ma'am Georgina."

Ngumiti siya pabalik sa mga ito ngunit bakas ang pagod sa kaniyang mukha at mata. "Good evening din po, Ate Mary and Ate Linda."

"Kumain ka na po, Ma'am? Kung hindi pa po, ipagluluto po namin kayo." Nakangiting sabi ni Mary.

Malapit ang loob ni George sa dalawa niyang kasambahay, ayaw niya itong tawaging Manang o Yaya dahil para sakaniya ay pantay-pantay lang sila.

Umiling siya kasabay niyon ay ang pagsagot niya. "Okay na po, Ate Mary. 'Tapos na po akong kumain, kasama sina Miss Diane sa labas. Malayo rin po kasi ang pinanggalingan namin kaya po kumain na kami bago umuwi."

"Gano'n ba, Ma'am. May kailangan po ba kayo? Gagawin po namin ni Mary." Sabi naman ni Linda.

Nakangiting umiling si George. "Wala na po, Ate Linda. Magpapahinga na po ako sa kwarto ko kaya po kumain na po kayong hapunan. Tawagin niyo na po sila Kuya Vic at Kuya Teddy."

Si Vic ay ang asawa ni Linda na siyang hardinero niya at si Teddy naman ang kaniyang security guard. Tuwing gabi lang ito naka-duty dahil mahigpit naman ang security ng subdivision kung saan siya nakatira. Kaya hindi na kailangan ng security sa umaga. Doble ingat lang sila sa gabi kaya naman napag-isipan niyang kumuha ng security guard.

"Sige po, Ma'am Georgina. Tawagin niyo lang po kami ni Mary kapag mayro'n ka pong kailangan."

"Okay po, Ate Linda. Salamat po." Sabi ni George at nilagpasan na niya ang mga ito.

Walang ganang umaakyat sa hagdan si George. Nang makarating siya sa kaniyang kwarto binuksan niya kaagad ang pinto, mabilis ang bawat galaw niya papunta sa kaniyang higaan at pabagsak na humiga rito. Tanging ilaw lang sa labas na tumatama sa bintana niya ang nagsisilbing liwanag sa kabuuan ng kwarto niya. Sa sobrang pagod niya kahit ang pagbubukas ng lampshade ay kinakatamaran pa niya. She sighed, "Sobrang nakakapagod ang araw na 'to." Sabi niya sa kaniyang sarili. Ilang minuto pa niya dinama ang paghiga bago bumangon at binuksan ang lampshade. Inalis niya rin ang kaniyang sapatos at medyas saka humilata ulit.

Umikot-ikot siya sa kama niya at dinama ang lambot nito. Maya-maya pa ay kinuha niya sa bedside table niya ang remote control nang aircon ng kwarto niya. Binuksan niya ang aircon sa pamamagitan ng remote control nito. Pumikit siya at dinama ang unti-unting paglamig ng kwarto niya. Hindi pa naman siya matutulog ngunit ito ang isa sa mga paraan niya para mapawi ang pagod niya sa isang buong araw. She feel relaxed. Kinalimutan muna niya ang mga dapat niyang gawin.

Suddenly, an idea pop up in her mind. This could be wrong, but this could be her way to find herself again. To be free and to be alone from everyone. Masama man tingnan na maglalayas siya, hindi na iyon importante sakaniya. She just wants to runaway that no one will be able to find her.

Tumayo siya at ang una niyang ginawa ay mag-impake. Kumuha siya ng ilang mga damit, gamit for personal hygiene at kinuha niya sa volt iyong pera na naipon niya na wala sa bank account niya. Nagtago siya ng sariling pera para may magamit siya for emergency purposes ngunit hindi niya alam na puwede niya itong magamit ngayon.

Nang matapos siyang mag-impake ay kinuha niya ang kaniyang laptop. Naghanap siya ng private resort kung saan puwede siyang tumuloy or kahit Island resort basta malayo sa lahat. Then she saw this Island named, Island of Hope. She click their website, binasa niya ang nasa Homepage nito at pinindot niya ang Reservation button. Nang pindutin niya ito ay sumalubong sakaniya ang isang greetings mula sa website pagkatapos noon ay iilang rules. Binasa niya muna ito bago mag-fill out ng form. Nang matapos niyang masagutan ang form, she hit the send button.

When I Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon