When I Sea You - 41

75 5 4
                                    

Last Chapter

"Surprise, Mama George!"

Napangiti si George nang makita ang mga anak niya pati na rin ang apo niya sa mga ito nang makapasok sila sa loob ng kanilang bahay pati na rin sa surpresa ng mga ito. Galing silang mag-asawa sa labas para maglakad-lakad dahil kakatapos lamang nilang mag-agahan.

Nagsimulang kumanta ng happy birthday song ang kaniyang anak't apo. "Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, happy birthday, happy birthday to you. Happy Birthday, Mama!"

Napatingin siya sa binata niyang apo na anak ni Rogan, may dala-dala itong cake na mayroong 85th candle sa ibabaw nito.

"Happy Birthday, Lola."

"Salamat, Apo."

"Make a wish, Mama!"

Napatingin si George sa bunso niyang anak na si Mina. Nakangiti ito sakaniya habang hinihintay na mag-wish siya sa birthday cake niya.

"Go, love. Make a wish."

Napatingin naman siya sa asawa niya na nakaalalay sa tabi niya. Nginitian niya ito. Bumaling siya sa cake pagkatapos tiningnan niya isa-isa ang kaniyang anak at apo. "Isa lang ang hiling ko, maging masaya at malusog lang kayo, masaya na ako," she said then she blow her candle.

Nagpalakpakan ang mga apo't anak niya. Isa-isang lumapit ang mga ito sakaniya, hinalikan siya ng mga ito sa pisngi at niyakap ng mahigpit. Pagkatapos niyon ay nagkaayaan nang kumain ang lahat.

Bumaling ang tingin niya kay Morgan na siyang nasa tabi niya. Kaparehas niya, kulubot na rin ang balat, puro puti na rin ang buhok nito, at mayroong na ring salamin dahil sa malabo nitong mata dala ng katandaan, pero hindi pa rin naalis ang taglay nitong kagwapuhan. Napangiti siya, "alam mo, love, ang gwapo mo pa rin kahit gurang ka na."

Natawa si Morgan sa sinabi niya. Dahan-dahan nitong pinisil ang tungki ng ilong niya. "Ikaw talaga, matatanda na tayo pero napapakilig mo pa rin ako sa compliments mo." Tinitigan niya si George at nilapit ang kaniyang labi sa noo nito, saka siya nito tiningnan ng diretso sa mata. "Happy Birthday, love. Kahit na kulubot na rin ang balat mo at maputi ang buhok, napaka-ganda mo pa rin sa paningin ko."

"Bolero ka pa rin," natatawang sabi niya.

Napatingin sila sa nagkakagulong tatlong pamilya sa harap nila. Tahimik ngunit nakangiti silang pinagmamasdan ang mga anak nila na mayroon na ring kaniya-kaniyang pamilya. Inayos niya ang pagkakahawak niya sa beywang ni Morgan, habang hinigpitan naman nito ang pagkakaakbay sakaniya. Sumandal siya sa balikat nito.

"Tingnan mo ang mga anak natin, masaya na sa kani-kanilang pamilya. Natutuwa ako at napalaki natin sila ng mabuti at tama."

"Dahil 'yon sa'yo, George. Ikaw ang pundasyon ng pamilya natin."

"Hindi ko rin iyon magagawa kung wala ka sa tabi ko."

Naramdaman niyang hinalikan siya nito sa ulo niya. "Ang bilis ng panahon, parang kailan lang mga baby pa sila pero ngayon kita mo, binata at dalaga na rin ang mga anak nila."

Napangiti si George. "Oo nga. Parang kahapon lang nasa bisig ko pa sila, inaalalayan maglakad. Ngayon, sila na iyong may binubuhat."

Nakita nilang lumingon si Greg sa kanila. Malawak itong ngumiti. "Ma, 'Pa! Halika na, kumain na kayo kahit desserts lang. Alam kong busog pa kayo."

Naglakad sila patungo sa hapagkainan. Sinalubong sila ng mainit na yakap ng kanilang mga anak.

"Sinong nakaisip nitong surpresa na ito? Bakit hindi ko nahalata?"

When I Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon