When I Sea You - 2

71 6 0
                                    

Chapter Two

Nakangiti at buong pusong pinasasalamatan ni George ang mga readers niya na pumunta sa booksigning niya ngayon sa isang book-fair event. Nakapwesto siya sa booth ng kaniyang publishing company kasama pa ang dalawa niya kapwa writers.

"Hello po, Ms. George! Ang saya ko po na nakilala kita. Thank you po sa pagsusulat ng magagandang story. Sobrang na-inspire mo po talaga ako!" Masayang sabi ng isang reader na nasa harapan ni George at inabot nito sakaniya ang libro na papapirmahan.

Nginitian niya ito, "Salamat. Ano nga ang pangalan mo?" Tanong niya.

Sumagot ang kaniyang reader, "Thalia po, Miss George." Nakangiting sagot nito sakaniya.

Binuksan ni George ang libro niya at sumulat siya ng short message para kay Thalia, "Thank you, Thalia. I'm wishing you the best." At saka niya ito pinirmahan. Nang matapos niya itong pirmahan, sinara niya ang libro kasabay niyon ay nag-angat siya ng tingin at ibinalik ang libro kay Thalia, "Thank you for supporting me, Thalia. God bless you." Nakangiting sabi niya rito.

Thalia smiled back at her. "Wala po iyon, Miss George."

Pagkatapos niyon ay pinicture-an silang dalawa ng kaniyang personal assistant. Lumilipas ang bawat minuto na iba't ibang readers ni George ang nakakaharap at nakakausap niya. Sa loob ng limang taon, ito ang trabaho niya. Her career is not only her job, but it's also her passion. Masaya siya sa kaniyang ginagawa, masaya na naabot na niya ang mga pangarap niya na noon ay nasa isip niya lamang. Sa loob din ng limang taon, ilan sa mga readers niya ay kilala na niya sa mukha at pangalan. May iba naman na kilala lang niya sa mukha.

Masaya siya sa kaniyang ginagawa. Makita lang niya ang ngiti ng mga readers niya ay masaya na ang puso niya. Malaki ang pasasalamat niya sa mga ito dahil kung hindi dahil sakanila, hindi rin maabot ni George ang mga pangarap niya. Thankful siya dahil sa suporta ng mga ito. She's really grateful to have them.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang book-fair event kasabay niyon ay ang pagtatapos rin ng mga booksignings kada booth. Huminga ng malalim si George at isinandal niya ang kaniyang likod sa upuan. Pagod pero masaya siya. She closed her eyes and she relax herself.

"George, be ready. Ilang minuto lang ay aalis na tayo. Mag-sho-shooting ka pa sa isang advertisment para sa book application na ilau-launch ng publishing company natin." Rinig niyang sabi ni Miss Diane. Hindi siya kumibo at nanatiling nakasara ang mga mata niya.

"George, naririnig mo ba ako?" Tanong ni Miss Diane sakaniya.

Idinilat niya ang kaniyang mga mata. She sighed. "Opo, Miss Diane. Nakikinig ako. Pero tanong ko lang, bakit ako lang? Paano iyong ibang writers?" Tanong niya. Pakiramdam niya kasi ay sobra-sobra na ito. Para bang sakaniya na lang lahat ng atensyon at responsibilidad.

"Makinig ka sa'kin." Panimula ni Diane, "Balak kasi nila itong i-launch sa ibang bansa. At dahil ikaw lang ang author sa company na kilala internationally, ikaw ang napili ng CEO at ng mga board members para maging model sa advertisement na 'yon."

She heaved a deep sigh. Diretsong tiningnan ni George sa mga mata si Diane. "Puwede naman sigurong ibang authors naman, Miss Diane? 'Yong mas may experience sa pagsusulat at iyong mas dapat i-expose. Hindi lang po ako ang magaling sa company, Miss Diane. May ibang authors pa naman po. Gusto ko pong mag-backout." Mahabang sabi ni George.

Masaya siyang nakakapagsulat siya, nakakapagpasaya ng marami, may booksignings at nagiging pelikula ang mga gawa niya. Ngunit hindi talaga niya gusto ang masyadong exposure sa camera. Kagaya na lang nito, author siya at hindi artista. Ngunit wala naman siyang magawa pagdating sa mga ganitong bagay. Kaya nga kahit masaya siya sa trabaho niya, napapagod na rin siya. Gusto naman niya makapagpahinga. Mula sa pressure at sa spotlight. Pakiramdam niya rin kasi ay hindi na niya nagagawa ang mga gusto niya dahil sakaniya nakatutok ang lahat. Maski ang mga kilos at galaw niya ay limitado na lang. Para bang hindi na niya kilala ang kaniyang sarili. Matagal na niya itong iniinda at tinitiis dahil ito naman ang kaniyang gusto. Pero para kay George, nakakapagod din pala emotionally and mentally. Kahit itulog niya ang mga pagod na ito, hindi sasapat ang tulog lang.

When I Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon