When I Sea You - 6

50 5 0
                                    

Chapter Six

Naging masaya ang tanghalian nang dalawa. Sobrang nagalak si Aalton sa mga bagong pagkain na natikman niya. Kanina nga habang kumakain ay masaya silang nagkukuwentuhan sa kung ano-anong bagay na hindi nila alam. Nagpapalitan sila ng mga kaalaman. Ngayon ay nagpapahinga sila dahil sa labis na kabusugan.

Nahawak si Aalton sa kaniyang tyan at nagbuntong hinga dahil sa sobrang busog. "Ang sarap talaga lahat ng kinain natin, Binibini. Lalo na iyong Beef Steak ba iyon? Iyong Adobong Manok, Sinigang na Baboy, Baked Mac and Cheese, Kanin, Mango Juice, Softdrinks saka iyong Buko Salad. Sobrang nabusog ako!" Sabi ni Aalton sa lahat ng pagkain na kinain nila. Mabuti na nga lang ay naturuan kaagad siya ni George paano bigkasin ang ibang pagkain doon dahil nasa lenggwahe itong Ingles.

"Mabuti naman at nagustuhan mo lahat. Sa susunod, pastries food naman ang ipapatikim ko sa'yo." Nakangiting sabi ni George.

"Pastries food? Anong pagkain naman ang mga iyon?" Nagtatakang tanong ng binatang sirena.

"Cupcakes, cakes, tinapay at kung ano-ano pa. Basta, masarap din ang mga iyon." Nakangiting sabi ni George.

Pumalakpak si Aalton. "Gusto ko 'yan, binibini! Ako'y hindi na makapaghintay matikman lahat nang iyan. Noon, hindi ako nagsasawa sa iba't ibang halamang dagat na kinakain ko. Ngayon, parang ayaw ko nang bumalik sa dagat dahil sa mga pagkain na ito." Inosenteng sabi nito at hindi nawawala ang ngiti nito sa labi.

George chuckled. "Uy, hindi puwede! Bumalik ka! Baka hindi ka na makita ng mga magulang mo."

"Hindi pa naman talaga nila ako makikita dahil hindi naman nila alam na nandito ako sa lupa." Tiningnan niya si George, "Ikaw din, bumalik ka rin sainyo."

Malungkot siyang ngumiti. "Babalik ako pero hindi pa ngayon."

"Parehas tayo! Ganoon din ang pasya ko!"

Nanlaki ang mga mata ni George. "Hoy, huwag kang ganiyan. Baka nag-aalala na ang mga magulang mo." Seryosong sabi niya.

"Ikaw ba? Hindi ka hinahanap ng mga magulang mo? Sigurado ako, hinahanap ka rin nila."

Nagkibit-balikat si George. "Ewan ko. Busy sa trabaho ang tatay ko at iyon lang ang halos pinagkakaabalahan niya. Ni hindi ko nga alam kung alam ba niyang nawawala ako. Habang nasa probinsya naman namin ang nanay ko. Hindi niya rin alam kung nasaan ako ngayon. Pero, ayos lang 'yon. Sanay naman na akong nand'yan sila pero ako lang mag-isa." Sinubukan ngumiti ni George ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya.

Napaangat siya ng tingin nang hawakan ni Aalton ang kamay niya na nasa mesa. He gave her a warmth smile. "Ganito na lang, gumawa tayo ng usapan. Hindi ako babalik sa amin hangga't hindi ka bumabalik sainyo. Dadamayan kita, George."

"Aalton, may sarili kang buhay. Saka kaibigan mo lang naman ako. Ayos lang na magkita tayo paminsan-minsan pero bumalik ka na sainyo."

"Tama. Magkaibigan tayo kaya dapat nagdadamayan tayo. Umalis nga ako sa amin at gano'n ka rin sainyo, ibig sabihin lang no'n, parehas pa tayong hindi handang bumalik sa kaniya-kaniya nating buhay. Ikaw ba? Nais mo na rin ba bumalik ngayon?"

"Hindi pa." Sagot niya.

"Ganoon. din ako. Magdamayan tayo. Babalik ako sa dagat, kapag umuwi ka na sainyo. Payag ka?"

Saglit niyang tinitigan si Aalton. Huminga na lang siya ng malalim. "Okay, sige. Wala naman na akong magagawa kung iyan ang gusto mo." Pagsuko na lang ni George sa usapan dahil pakiramdam niya ay hindi siya mananalo sa sirenang ito.

"Pangako?" Nakangiting sabi ni Aalton. "Kailangan mong mangako, binibining George."

Natawa si George. "Oo na. Pangako. Babalik lang ako sa amin kapag bumalik ka na sa dagat."

When I Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon