Chapter Four
Tumingin si George sa relo niya at ala sais na pala ng umaga. Hinanda na niya ang kaniyang sarili dahil ramdam niyang malapit na siyang bumaba. Buong biyahe ay natulog lamang siya, nagising siya kanina pang ala cinco at tanging ginawa niya lang ay panuorin ang bawat lugar na madadaanan nila. Maya maya pa ay narinig na niya ang sigaw ng konduktor.
"Sta. Lucia! Sta. Lucia! O, yung mga bababa ng Sta. Lucia!" Malakas na sigaw ng konduktor. Kaya naman tumayo si George at hinanda na niya ang kaniyang mga gamit. Huminto ang bus sa isang waiting shed at terminal ng mga tricycle. Mabilis na nagbabaan ang kapwa niya pasahero kaya nakababa rin siya kaagad. Madaming nag-aalok sakaniyang sumakay ng tricycle, "Ma'am saan po kayo?" Sabi nang isang tricycle driver.
"Ah, kuya sa may sakayan po ng bangka papunta sa Island of Hope, alam niyo po ba 'yon?"
Nginitian siya ng tricycle driver. "Opo, Ma'am. Marami pong turista ang pumupunta doon. Tara po." Sabi nito at ito na ang nagbuhat ng hand-carry bag niya. Sumunod siya dito at sumakay sa loob ng tricycle. Nang makasakay siya ay mabilis itong pinaandar ng driver. Pinagmamasdan niya ang bawat puno at palayan na madadaanan nila, dinadama niya rin ang lamig ng hangin na tumatama sa mukha at balat niya. Dinama niya rin ang pagtama ng sinag ng araw sakaniya. Napangiti si George, dahil ang sarap sa pakiramdam. Sariwang hangin, malayo sa mausok at magulong buhay sa syudad.
Pumasok din sa isip niya na inabot siya ng halos isang araw papunta sa probinsya ng Sta. Lucia. Kahapon nang makarating siya sa bus terminal, nakakuha kaagad siya ng ticket ngunit night trip pa. Hindi niya naabutan ang day trip, kaya naman naghintay pa siya ng kalahating araw bago maka-byahe. Habang naghihintay siya kahapon, nagpalit na rin siya ng sim at tinapon ang dati niyang sim card. Niloadan niya ito ng pang-data para kung sakaling maligaw siya ay hindi siya mahirapan.
Natigil siya sa pag-iisip nang makita niyang papasok sila sa isang maliit na daan. Pagkatapos ay huminto ang tricycle nang makarating sila sa dulo, mula rito, tanaw niya ang dagat at ang mahihinang alon nito.
"Ma'am, nandito na po tayo." Narinig niyang sabi ng driver.
Kumuha siya ng pera sa wallet niya at saka nagbayad, kinuha niya ang hand-carry bag niya at nagtungo sa isang pumpboat na nasa pampang. Lumapit siya sa isang lalaking nakasuot ng life vest, t-shirt na puti at nakasuot ng summer shorts, siguro ay nasa mid-30's ito. "Magandang umaga po, ito po ba iyong sasakyan papunta sa Island of Hope?"
Lumingon sakaniya ang lalaki. Nginitian siya nito. "Maganda umaga rin po, Ma'am. Opo, dito po." Tinuro ng lalaki ang pumpboat na nasa likod nito. Pagkatapos ay hinarap ulit siya nito. "Ako po si Efren. Staff po ako sa Island of Hope, at kayo po si?" Tanong nito sakaniya.
Nginitian niya ito. "I'm Georgina Alcala, isa ako sa mga nagpa-reserve mag-stay sa Island of Hope."
May kinuha si Efren sa bulsa niya na isang maliit na notebook, nilipat niya ang mga pahina at hinanap ang pangalan ni George. Nang makita niya ang pangalan nito, chineck niya ito. Tiningnan niya ito at nginitian. "Okay na po, Ma'am Georgina. Sumakay na po kayo sa pumpboat at hintayin po natin yung apat niyo pa pong kasama."
Inalalayan ni Efren si George papaakyat ng pumpboat. Ito na rin ang nagbuhat ng hand-carry bag niya. Pinasuot din siya nito ng life vest. Bago bumaba si Efren ay nagpasalamat siya. "Thank you, Kuya Efren."
"You're welcome, Ma'am." Nakangiting sagot nito sakaniya.
Umupo siya sa kanang bahagi nang bangka at tahimik na pinagmasdan ang dagat. Lumipas ang ilang minuto ay nagsidatingan na rin ang mga kasamahan niya. Nang makumpleto sila, umakyat na rin si Efren sa pumpboat at nag-lead ito ng dasal para sa paglalakbay nila papunta sa Isla. Nang matapos silang magdasal, nilapitan ni Efren si Manong Tony na siyang magmamaneho nang pumpboat. Pinaandar na nito sinasakyang pumpboat at masayang pinagmasdan ni George ang tubig sa dagat na nadadaanan nila. Nasa kalagitnaan na sila ng karagatan at naging malakas ang alon.
BINABASA MO ANG
When I Sea You
RomanceSi Georgina Alcala ay isang sikat na manunulat. Masaya siyang naabot ang kaniyang pangarap, dahil sino ba naman ang hindi? Pero, dumating ang araw na napapagod na siya dahil sa stress at pressure. Doon niya naisip na lumayas at nagdesisyon na magpa...