Chapter Twenty Six
Halos isang linggo nang naghihintay si George kay Aalton sa tabing dagat ng Island Of Hope. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na isang araw o sa mga susunod na araw ay makikita na niya ang binata. Ngayon ay tahimik siyang nakaupo sa isang bench na kahoy sa dalampasigan na mayroong malaking payong na gawa sa anahaw.
"George," narinig niyang sambit ni Morgan. Nilingon niya ito at nakita niyang nakatayo ito sa likod niya. May dala-dala itong snacks para sakanilang dalawa. Umupo ito sa tabi niya, inabot nito sakaniya ang isang snacks. Kinuha niya ito at nginitian si Morgan. "Maraming salamat."
Ngumiti ito pabalik sakaniya. "Wala iyon, George."
She just smiled then she looked at the beautiful sea. Para itong mamahaling alahas dahil sa pagkinang nang tubig na siyang nasisinagan ng araw.
"Ang ganda nang dagat 'no?" She asked Morgan out of the blue. She looked at him and she saw him nods as an answer.
"Sea always gives our hearts at peace, it can refresh our minds and soul, but it can also give us nightmares when she's screaming. The strong waves meeting up the dark sky with thunder and lightning."
George slowly nodding her head, a little smile form into her lips. "I agreed," she paused and continued, "nothing more scary when the sea is enraged. Though I admired it's two different beauty. Para lang siyang tao. Hindi siya palaging masaya at kalmado. Minsan magulo, puno ng galit at kailangan din sumigaw ng puso niya. Don't you agree?"
Tumango-tango si Morgan bilang pagsang-ayon. "And I hope, more people can acknowledge the fact that we are not always the better version of ourself. Nagagalit, nagkakamali at kung minsan pa nga naguguluhan din tayo sa mga bagay-bagay. Minsan okay lang din magpahinga at huminga sa mga bagay-bagay na nakapagpapahirap, nakapagpapasakal at nakapagpapagod sa atin. Pero pagkatapos no'n, laban ulit. We are not perfect, we can make mistakes, we can fail, we can make wrong decisions and all that. But in the end, we need to be strong and be accountable for it."
Nakatanaw lang si George sa dagat habang pinapakinggan ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Morgan. Nakakarelate siya sa mga sinasabi nito dahil kaya nga siya nandito sa Isla ay dahil gusto niyang makahinga at makalaya panandalian sa pressure at responsibilidad. She may look irresponssible when she did that, but she didn't regret it. Nag-enjoy naman siyang mapalayo sa lahat. Minsan, nagi-guilty siya. She thinks that she is selfish for thinking only for herself. Naisip niya na ang sama niya dahil hindi man lang niya kinonsidera ang iba. But, after she heard Morgan words, he's right. People makes mistakes and we need to be accountable for it. She also realized that we are not selfish if it's for our self, for putting ourself over everyone else. Handa na rin siyang harapin at responsibilidad na kaniyang tinalikuran, ngunit nandito pa rin siya dahil sa isang dahilan.
"Your words can still comfort me, but at the same time can make me realize a lot of things," sagot ni George kay Morgan. She heard him chuckled.
"At least ngayon alam ko nang may epekto pa rin ang mga salita ko."
Sasagot pa sana siya nang mapahinto siya dahil sa boses na kaniyang narinig.
"George!"
Lumakas ang kabog ng dibdib ni George sa narinig. Kilala niya kung kaninong boses iyon. Lumingon siya sa kaliwang bahagi niya at doon sa hindi kalayuan, nakita niya si Aalton na papalapit sakaniya. Nakasuot ito ng puting t-shirt at broad shorts. Nakita niyang mayroong mumunting ngiti sa labi nito. Mabilis na tumayo si George mula sa bench na kaniyang kinauupuan. Tiningnan niyang mabuti ang lalaki kung si Aalton nga ba talaga ito o pinaglalaruan lamang siya ng imahinasyon niya.
"George!" Muling sigaw nito at kasabay niyon ay ang pagkaway nito gamit ang dalawa nitong kamay na nakataas sa ere.
Sumilay ang malawak na ngiti sa labi ni George. Maluha-luha siya sa labis na kasiyahan dahil sa ilang araw na paghihintay niya, nandito na ulit si Aalton. Bumalik ito sakaniya. Parang sasabog ang puso niya sa labis na kasiyahan. Hindi na niya mahintay pang lumapit ito sa puwesto niya kaya naman tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa. Sinalubong niya nang mahigpit na yakap si Aalton. Niyakap siya nitong pabalik.
BINABASA MO ANG
When I Sea You
RomanceSi Georgina Alcala ay isang sikat na manunulat. Masaya siyang naabot ang kaniyang pangarap, dahil sino ba naman ang hindi? Pero, dumating ang araw na napapagod na siya dahil sa stress at pressure. Doon niya naisip na lumayas at nagdesisyon na magpa...