Chapter Twenty
Hindi alam ni George ang kaniyang sasabihin dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ni Aalton. Mahal siya nito at nagseselos ito kay Morgan? Para bang hindi pumapasok sa utak niya ang mga salitang binitawan nito.
Nakita niya ang paghinga nito ng malalim at ang pagkalma nito. "Ngayon, Binibini? Maari mo na bang sabihin sa akin kung bakit mo ako iniiwasan?"
Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Iniisip kung ano ba dapat ang kaniyang sabihin? Dahil kahit siya mismo, hindi niya alam ang eksaktong rason kung bakit niya ito iniiwasan. Tiningnan niya ito, nakatingin siya ng diretso sa mga mata ni Aalton na para bang doon niya makukuha ang sagot.
And just like that, parang nagkaroon ng kusa ang bibig niya at nagsalita siya. "Umiiwas ako dahil," pagputol niya sa kaniyang sasabihin at humugot ng lakas ng loob bago magsalitang muli. "Dahil nasasaktan akong makita kayo ni Reeta na magkasama. Alam kong mali na maramdaman ko ito dahil mas nauna mo naman siyang nakilala kaysa sa'kin. Pero hindi ko maiwasan na hindi masaktan kapag magkasama kayong dalawa. Pakiramdam ko, hindi mo na ako kailangan dahil nand'yan naman siya sa tabi mo. Pakiramdam ko, okay lang naman na hindi na tayo palaging magkasama kasi nand'yan naman siya. Alam ko maliit lang na bagay ito pero para sa'kin malaking bagay na iyon. Siguro, nasanay lang ako na palaging nand'yan para sa iyo at ganoon ka rin para sa'kin."
And now, finally, she also realizes what she's feeling for him. Ngayon, nagkalakas siya ng loob para sabihin ang totoong nararamdaman niya.
"At oo, aaminin ko na, nagseselos din ako pero ayokong ipakita iyon dahil wala naman akong karapatang maramdaman iyon. Umiiwas din ako kasi natatakot ako sa nararamdaman ko para sa iyo. Alam kong higit pa ito sa pagkakaibigan nating dalawa at natatakot akong tuluyang mahulog ang loob ko sa iyo dahil hindi ko alam kung ganoon din ba ang nararamdaman mo para sa'kin. Ayokong masyadong ma-attached sa iyo dahil alam ko namang darating ang araw na babalik tayo sa kaniya-kaniya nating buhay at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon. Alam kong panandalian ang lahat ng ito, pero hindi ko pa ring napigilan huwag kang mahalin at tuluyang mahulog ang loob ko sa'yo."
Nanatili silang tahimik ng ilang segundo. Hanggang sa nakita niya ang pagiging teary-eyed ni Aalton at may sumilay na ngiti sa labi nito.
"Totoo bang mahal mo rin ako, Binibini? Hindi ako nagkakamali sa narinig ko?" Sabi nito na hindi maitago ang sayang nararamdaman. Dama rin ito ni George dahil sa isang iglap parang lahat ng kinakatakot at inaalala niya ay nawalang bigla nang makita ang ngiti nito.
Siya naman ay parang teen-ager na nahihiyang ngumiti at dahan-dahang tumango. Ito lang ang tanging naging sagot niya kay Aalton.
Napatalon ito sa sobrang saya. "Whoo-hoo! Mahal din niya ako!" Sabi nito na nagtatalon sa tuwa.
Mabilis niya itong nilapitan at hinawakan sa braso. "Sshhh, huwag kang maingay! Baka may makarinig sa iyo!"
Ngiting-ngiti siyang tingnan nito, kita ang mapuputi nitong ngipin. "Paumanhin na, Binibini. Sobrang saya lamang ang nararamdaman ng puso ko." Sabi ni Aalton at hinawakan nito ang mga kamay niya. Marahan nitong pinisil iyon. "Maraming salamat, Binibini dahil sumugal ka para sa ating dalawa. Masaya akong malaman na mahal mo rin ako."
Hinawakan din ni George ang mga kamay ni Aalton, "Kagaya mo, sumugal ka rin naman para sa akin. Masaya rin ako na hindi lang pala ako ang nagmamahal sa ating dalawa." Masayang sabi niya.
"Maari ba kitang yakapin, Binibini?" Tanong ni Aalton na hindi naalis ang ngiti sa mga labi nito.
Tumango si George bilang sagot. Dahan-dahang lumapit sakaniya si Aalton at niyakap siya nito ng mahigpit. Iyong yakap na puno ng pagmamahal at pag-aalaga. She hugged him back.
BINABASA MO ANG
When I Sea You
RomanceSi Georgina Alcala ay isang sikat na manunulat. Masaya siyang naabot ang kaniyang pangarap, dahil sino ba naman ang hindi? Pero, dumating ang araw na napapagod na siya dahil sa stress at pressure. Doon niya naisip na lumayas at nagdesisyon na magpa...