When I Sea You - 24

19 3 0
                                    

Chapter Twenty Four

Parehas na ini-enjoy ni George at Aalton ang pag-swimming nila sa dagat sa ilalim ng mainit at tirik na tirik na araw, ngunit hindi ito alintana ng dalawa. Akala mo'y naliligo sila sa isang kalmado at makulimlim na panahon.

Tumigil sila sa paglangoy at nagbabad na lamang sila sa dagat habang nag-uusap. Magkaharap silang dalawa at sa ilalim ng tubig ay magkahawak ang kanilang mga kamay.

"Aalton, may tanong ako."

"Hmm?"

"May gusto ka pa bang gawin dito sa Isla bago tayo bumalik sa siyudad?"

Umiling ito saka nagsalita. "Wala na, Binibini. Ang mga alaala natin dito ay sapat na sa akin para hindi makalimutan ang Isla, gano'n na rin ang aking mga naranasan dito."

Napangiti si George bago siya sumagot sa binata. "Okay. Hayaan mo, ilang araw na lang ay makakabalik na tayo sa siyudad. Ngunit habang nandito tayo, i-enjoy na lang muna natin. Ano gusto mong gawin? Mag-snorkeling? Banana boat ride? What about, mag-badminton tayo? Or beach volleyball?" She asked.

Nag-isip si Aalton, lahat kasi nang iyon ay kanila nang nagawa at ilang beses na nila itong paulit-ulit na ginawa para magsilbing libangan. Diretsong tiningnan ni Aalton si George sa kaniyang mga mata. Tila may naisip na ito. "Parang gusto kong mag-bangka? Ang alam ko maari natin iyon gawin dito para mangisda pagkatapos ay tayo mismo ang mag-iihaw. Ayos lang iyon sa'yo, Binibini?"

Napangiti si George sa naisip. "Ayos lang naman sa'kin. Mukhang masaya iyon. Ngunit ang tanong, sa iyo ba ay ayos lang iyon? Baka umiyak kang muli dahil mayroong mamatay na isda." Sumilay ang pilyang ngiti sa kaniyang mga labi nang maalala ang pag-iyak nito sa harap niya dahil sa mga seafoods na nakahain sa buffet table ng Hopeful Restaurant.

"Kakayanin ko, Binibini. Kung kinakailangan na mamuhay na ako bilang isang tao, gagawin ko. Isa pa, may mga sirena namang kumakain ng isda. Iyon nga lang ay hindi ako kaisa sakanila ngunit mukhang kailangan ko na iyon matutunan."

She just smiled. "Ikaw talaga. Halika na habang maganda pa ang panahon." Nakangiting sabi ni George.

Sabay silang umahon at bumalik sa sari-sariling cabin para magbanlaw at makapagpalit ng damit. Nang matapos sila, sabay silang nagpunta sa information desk sa lobby nang Island of Hope. Nagtanong sila tungkol sa activity na iyon. May binigay sakanilang instruction ang nasa front desk at naghanap ito ng maaring tumulong sakanila para sa activity na iyon. Umupo muna sila sandali sa couch ng lobby habang hinihintay ang pinatawag na staff para tumulong sakanila.

Ilang minuto ang lumipas, natanaw ni George na palalapit sakanila si Efren. Sabay silang tumayo ni Aalton at sinalubong ito ng mga ngiti sa labi. Efren smiled back at them.

"Magandang umaga, Ma'am George and Sir Aalton," pagbati niya sa dalawa kaya naman binati rin siya ng mga ito pabalik, "magandang umaga rin."

Ngumiti lang ito at saka nagtanong. "Kumusta ka na nga pala, Ma'am George? Medyo matagal na rin pala ang stay mo rito sa Isla."

"Ayos lang naman ako, Efren. Ikaw? Kumusta?" Tanong niya rito.

"Ayos lang din naman ako, Ma'am George. Oo nga pala, balita ko ay magpi-fishing daw kayo?"

Tumango siya at sumagot. "Oo, Efren. Na-orient na rin kami nang staff na nasa front desk. Ikaw na lang ang hinihintay namin," sabi ni George na hindi maalis ang ngiti sa labi.

Pinagsiklop ni Efren ang kaniyang mga kamay. "Oh-kay! Just wait here, Ma'am and Sir. I'll be right back. Ihahanda ko lang ang mga kailangan niyo para paglabas niyo rito sa lobby, didiretso na lamang tayo sa dalampasigan at sasakay na lamang kayo sa bangka. At huwag kayong mag-alala, ako ang bahala sainyo," nakangiting sabi niya rito.

When I Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon