Chapter 13

2.8K 43 4
                                    

"Welcome to Hundred Island!" masayang bati ng tourist guide naming kasama.

"Ang sariwa ng hangin."
bulong ni Mary sabay langhap sa malakas na hangin.

Hinawakan ko ang kamay nito.

"Masaya akong nandito ka ngayon." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ako rin Eros."

"Okay guys pakidala nalang yung mga bagahe niyo sa may receiving area." sabi nung teacher namin saka naunang naglakad.

Pagkatapos naming kumain ng pananghalian ay nagsipuntahan muna kami sa sari-sarili naming mga kwarto para magpahinga.

Nahihiya at naiilang na pumasok sa loob ng kwarto si Mary.

Halata sa buong mukha nito ang pamumula.

Napangisi ako.

Agad naman niyang nahalata iyon.

"Tinatawanan mo ba ako?" galit nitong tanong.

"Ah hindi ah ano nakakatawa kasi yung nabasa ko sa facebook."
sabay hagalpak ko ng tawa.

"Talaga ba? patingin nga ako." sabi nito.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang hablutin ang cellphone ko.

"M-mary! sandali hindi ya—"
sabay agaw ng cellphone sa kanya.

"Patingin lang!" mariin nitong sabi sabay hablot uli ng cellphone ko.

"Nakakatawa pala ha anong nakakatawa sa—" natigil siya sa pagsasalita sabay hagis ng cellphone sakin.

Buti nalang at nasalo ko.

"Bastos!" sigaw nito sabay labas papunta sa terrace ng room.

"Uyy Mary hindi sakin yun sinend lang sakin ng mga kaklase ko yun maniwala ka."

Agad ko siyang sinundan sa terrace ng kwarto.

"Mary hin—" natigilan ako sa pagsasalita nang matanaw ko kung ano ang nasa labas.
Tanaw na tanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang kabuuan ng mga islang halos di ko na mabilang dahil sa dami nito.

Ito ang tunay na kahulugan ng paraiso.

Tiningnan ko si Mary na kasalukuyang manghang mangha sa tanawin na nasa aming harapan. Halos mangiyak iyak ito sa tuwa.

Nilapitan ko siya.

Agad naman niyang napansin ang presensya ko.

"Napakaganda nito Eros! para akong nananaginip!" masigla nitong bulalas

"Oo napakaganda nga tulad mo." sabi ko.

Agad namang namula ang kanyang mukha.

Tanging matamis na ngiti lang ang kanyang ginanti.

"Kung papipiliin kita kung anong mas maganda itong Hundred Island ba o yung burol sa inyo?"

"Yung burol." tipid nitong sagot.

"Bakit naman?" naguguluhan kong tanong.

Nakapagtataka at pinili niya ang simpleng burol kaysa sa paraiso na nasa aming harapan.

"Mas pipiliin ko ang burol kesa rito. Marami kasing mga ala ala ang burol na iyon...mga masasayang ala ala na hinding hindi matutumbasan ng kahit na anong kagandahan. Hinding hindi matutumbasan ng kaanyuan ang mga ala ala sapagkat ang tunay na paraiso ay nagmumula sa puso at isip."
makabuluhan nitong sabi.

Napatigil ako sa kanyang mga sinabi at napangiti.

"Tama ka ang paraiso ay wala sa kaanyuan nito...nasa masasayang ala ala yan na dulot nito."
pagsasang-ayon ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kanyang kamay kasabay ng paghampas ng malamig na hangin sa aming dalawa.

Hinawakan ko ang kanyang mukha at tinitigan siya sa kanyang mga mata.

"Mary gusto kong malaman mo na natatangi ka sa lahat. Ikaw ang pinakamagandang paraiso na nangyari sa buhay ko."

Napangiti ito.

Kita ko ang namumuong luha mula sa kanyang mga mata.

"Salamat Eros—salamat dahil sinabi mo yan." sabi nito kasabay ng pagpatak ng kanyang luhang kanina pa niya pinipigilan.

Agad ko itong pinahid gamit ang aking daliri.

Pagkatapos ay hinalikan ko siya sa kanyang noo.

"At sana tulad ka rin ng paraiso, hindi ako kailanman iiwan."

Nawala agad ang ngiti sa kanyang labi pagkatapos ko itong sabihin.

Mababakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan at pighati.

Pero bakit?

"Mary anong problema may nasabi ba akong mali?"

"Ah w-wala wag mo akong alalahanin. Halika na sa loob masyado nang malamig dito sa labas."

"O sige pero okay ka lang ba talaga?"

"Oo naman ano ka ba."

Pagpasok palang ay dali-dali nang pumasok sa banyo si Mary.

Alam kong may mali.

Alam kong may problema siya
at kailangan ko yung malaman.

Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon