“Katanungan sa isip ay namumutawi
Sa patak ng iyong luha na di mapawi.”- Ronald S. Lomibao, His Miracle
Hindi agad tinanggap ng isip ko ang sinabi ni Mira.
"Sorry Mira ano ulit yung sinabi mo?" tanong ko sa kanya para kumpirmahin kung tama yung pagkakarinig ko sa sinabi niya.
"Mary is my sister, Eros." mabagal nitong sabi.
Malinaw na ang pagkakasabi niya pero tila may parte sa utak ko na ayaw tanggapin ang mga sinabi niya.
"Kung kapatid mo nga siya paanong hindi siya handa na makita ka?" tanong ko ulit sa kanya.
"Si Mary lang ang tanging makakapagsabi sayo niyan Eros." mapait nitong sabi.
"Pero Mira bakit? bakit sa kanya ko pa malalaman?" desperado kong tanong sa kanya.
"Kasi Eros mahirap sabihin. Eros k-kasi..." yumuko ito bago sumuko sa pagsasalita.
"Please Mira I need to know." pakiusap ko sa kanya.
"Then come with me."
~*~
Kasalukuyan kami ngayong nasa daan lulan ng kotse ni Mira.
Kanina pa siya hindi nagsasalita habang seryosong nagmamaneho.
"Mira saan tayo pupunta?" kinakabahang tanong ko.
"You'll know when we get there." sabi lang nito habang nakatuon parin ang atensyon nito sa daan.
Tumanaw ako sa bintana ng kotse.
Pamilyar ang daang tinatahak namin ngayon.
Mula sa baku-bakong daan at sa mga puno ng acacia na nakapalibot dito.
Bago ko pa masabi ang pangalan ng lugar ay nakarating na kami sa burol kung saan nakatirik ang bahay nila Mary.
"Mira anong ginagawa natin dito?"
"Di ba gusto mong malaman kung bakit hindi pa handang makita ako ni Mary."
"O-oo."
"Well the answer lies in here." sabi nito sabay gala ng kanyang paningin.
Nakakabinging katahimikan ang namayani pagkatapos.
Huni ng mga kulisap lang ang maririnig sa paligid.
"Darating din kaya yung araw na mapag-desisyunan niyang magpakita sakin tulad ng pagpapakita niya sayo?" pambabasag ni Mira sa katahimikan.
Ramdam ko ang bigat sa mga salita niya.
Tinitigan niya ako na parang makikita niya sa mga mata ko ang kasagutan.
"Siyempre naman magpapakita yun sayo magkapatid kayo at yun ang dapat." sabi ko sa kanya.
"It makes no sense." buntong hiningang sabi nito na ikinagulat ko.
"Ha paano naging walang kwenta?"
Di nito pinansin ang aking tanong bagkus ay ako naman ang kanyang tinanong.

BINABASA MO ANG
Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)
RomansaSa kwento ng pag-ibig na pinag-ugnay ng nakaraan at hinaharap-ng milagro at panaginip... Tahimik ang buhay ni Eros hanggang dumating sa kanyang buhay si Mary, isang unrequited soul-na lingid sa kanyang kaalaman. Posible nga bang magkaroon ng pag-ibi...