Ilang araw na ang lumipas magmula nung bumalik si Mira pero hanggang ngayon wala parin siyang kibo kapag lumalapit ako sa kanya.
Parang trinatrato niya akong hangin.
Isang araw nakita ko siya sa may bleacher nakaupo mag-isa agad ko siyang nilapitan.
"Mira pwede ka bang makausap?" pambungad ko sa kanya.
Tulala lang siya na akala mo'y walang narinig.
"Mira kung pwede lang sana pwede ba kitang maka—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.
"Wala tayong pag-uusapan kaya pls. lang lubayan mo na ako."
"Mira ano bang problema? bakit ka nagkakaganyan sakin?"
"You won't believe me if I tell you."
"Pwes sabihin mo ang rason kung bakit ka nagkakaganito sakin?"
"Wag ka nang makialam dahil wala kang alam!"
Natahimik ako sa biglang pagtaas ng boses nito sakin.
"Sabihin mo sa akin ang dahilan kapag handa ka na."
Ang huling tugon ko sa kanya tsaka ko siya nilubayan gaya ng utos niya.
~*~
Mira's POV
Dala ng sobrang lungkot at pangungulila.
Dinala ako ng mga paa ko sa dati naming bahay sa tuktok ng burol...
Kung saan una at huli kong naranasan ang maging masaya.
Hanggang ngayon pala di parin ako nakakawala sa bangungot ng aking nakaraan.
After all this time...nandun parin ang sakit ng pagkawala niya.
After all this time...nagpapanggap lang ako na masaya.
Miserable parin ang buhay ko.
Limang taon na ang nakalipas ngunit sariwa parin hanggang ngayon ang araw kung kelan niya kami tuluyang iniwan.
Pagpasok palang sa pinto ng bahay bawat hakbang ko ay tila bumibigat na.
Animo'y nakikisabay sa bigat na nararamdaman ko ngayon.
Parang kelan lang nung puno pa ng masasayang himig ang bahay na 'to na ngayo'y isa na lamang limot na himig sa hangin.
Napayakap ako sa sarili ko nang biglang humangin ng malakas.
Maaari kayang narito siya ngayon.
Nadapo ang tingin ko sa mga litrato na nakasabit sa dingding ng aming bahay.
Napangiti ako ng bahagya.
Naaalala ko pa ang mga masasayang araw naming magkapatid.
Nasabi ko na bang turingan namin sa isa't isa'y magkambal.
Kahit pa magkaiba ang mga hilig namin.
Ni minsan hindi niya ako sinuway bilang ate niya.
Sinasabihan niya ako kung may problema siya o kung malungkot siya.
Madalas ako ang sumbungan niya nung mga bata pa kami.
Madalas kasing wala ang Mama at Papa namin dahil narin sa trabaho nila.
Hindi ko lubos maintindihan kung bakit siya pa...kung bakit ganoon kaagang kinuha ng Diyos ang buhay niya.
Napakabait niyang anak at kapatid.
Napakarami niyang pangarap na gustong matupad ngunit ni isa sa mga yun hindi niya nagawa pang tuparin dahil sa isang iglap lang binawi na ang buhay niya.
Hindi na siya nabigyan ng pagkakataong makamit ang mga pangarap at hangarin niyang yun.
Tuluyan nang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.
Hanggang ngayon masakit parin.
Ramdam na ramdam ko parin ang kirot nung araw ding yun.
Nung halos mabaliw kami sa paghahanap sa kanya.
Kung buhay pa ba siya o hindi na.
Nung gumuho nang tuluyan ang buhay namin nang matagpuan namin siya na isa nalang malamig na bangkay—na wala ng buhay.
Noong mga panahong yun nawalan na ako ng ganang mabuhay pa.
Hindi ko alam kung saan magsisimula...pagkat wala ng dahilan para ako'y mabuhay pa.

BINABASA MO ANG
Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)
RomansaSa kwento ng pag-ibig na pinag-ugnay ng nakaraan at hinaharap-ng milagro at panaginip... Tahimik ang buhay ni Eros hanggang dumating sa kanyang buhay si Mary, isang unrequited soul-na lingid sa kanyang kaalaman. Posible nga bang magkaroon ng pag-ibi...