"Eros alin ang mas maganda rito?"
"Huyy Eros!"
Bigla akong naalimpungatan sa pag-iisip nang marahan akong yugyugin ni Mary.
Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya at naghahanap ng mga librong magandang basahin.
"Ha? ano ulit yun?"
"Ang sabi ko alin ang mas maganda rito?"
"Ah sa tingin ko mas magandang basahin to." sabay turo sa librong nasa kanyang kanan.
"Ganun ba sige ito nalang. Eros okay ka lang ba? pansin ko kanina ka pa wala sa sarili."
"Ayos lang ako Mary wag mo akong alalahanin. May iniisip lang ako."
"Eros alam kong may problema ka hindi mo man lang ba sasabihin sakin."
"Sige na nga sasabihin ko na. Hindi mo talaga ako matitiis hangga't di ko sinasabi mga problema ko sayo noh?"
"Siyempre naman para saan pa na naging tayo. Naging tayo dahil pareho ang tinitibok at dinidikta nito." sabi nito sabay turo sa puso ko.
"At naging tayo para alagaan ang isa't isa. Para makinig sa problema ng isa't isa." dugtong nito.
"Ang swerte ko talaga sayo."
nakangiti kong sabi sa kanya habang yakap yakap ko siya."Mas maswerte ako sayo." bulong nito at mas hinigpitan pa ang yakap.
"So ano yung problema mo?"
"Ano kasi...yung kaklase ko..."
"Bakit anong meron sa kaklase mo?"
pagpuputol nito sa sasabihin ko.
"Kasi di niya ako pinapansin nitong mga nakaraang araw magmula nung..."
"Magmula nung ano?"
"Magmula nung nakita niya yung litrato mo na nakaipit sa libro ko."
"Huh? teka kumuha ka ng litrato ko ng di man lang nagpapaalam."
"Hehehe oo sorry na."
"Pero bakit naman? bakit naman siya magagalit nung nakita at nalaman niyang meron kang litrato ko? Isa lang ibig sabihin niyan may gusto siya sayo."
"Malabong mangyari yun dahil kaibigan lang turing niya sakin."
"At tsaka hindi naman siya nagalit nung nakita niya litrato mo e. Mary malungkot siya sobrang lungkot ng mukha niya."
"Baka nagselos lang."
"Hindi Mary kita ko sa mata niya ang lungkot at ewan ko pero nakita kong may bahid ng pangungulila."
"G-ganun ba pero bakit naman. Kilala ba niya ako? Teka ano bang pangalan niya?"
"Mira..."
Napatigil saglit si Mary at kita ko sa kanya ang pagkagulat.
"Mary okay ka lang? kilala mo ba siya?"
"Ah okay lang ako. H-hindi... Hindi ko siya kilala."
"Ganun ba sigurado ka bang ayos ka lang talaga?"
"Oo naman b-bakit hindi.
Eros gusto mo bang tumugtog ulit ako ng piano?""Sige ba anong tutugtugin mo ngayon?"
"Kiss The Rain by Yiruma."
basag na boses nitong bulong."T-teka okay ka lang Mary?"
"Hahahaha okay lang ako Eros ano ka ba wag kang mag-alala. Talagang ganito lang kasi ako kapag sumasalang sa pagtugtog ng piano—nagiging emosyonal."
"Ganun ba."
Marahan itong kumilos papunta sa harapan ng piano at umupo ng maayos.
Huminga muna siya ng malalim bago pa man niya ilapat ang kanyang mga daliri sa tiles ng piano.
Sa unang pagtipa nito'y kasunod ang isang patak ng kanyang luha.
Nagpatuloy lang siya sa pagtipa sa piano at di ininda ang pagdaloy ng mga luha sa mukha nito.
Nakaramdam ako ng kirot sa lungkot ng musika na kanyang ginagawa.
Alam kong normal lang na maapektuhan ako sa tugtog pero hindi e.
May malalim siyang dahilan na gustong ipahiwatig.
Alam kong dinadaan niya lang sa musika ang mga salitang hindi niya masabi.
Alam kong marami siyang gustong sabihin sakin.
Nakakubli lang ang mga ito sa musika na kanyang tinutugtog.

BINABASA MO ANG
Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)
RomantizmSa kwento ng pag-ibig na pinag-ugnay ng nakaraan at hinaharap-ng milagro at panaginip... Tahimik ang buhay ni Eros hanggang dumating sa kanyang buhay si Mary, isang unrequited soul-na lingid sa kanyang kaalaman. Posible nga bang magkaroon ng pag-ibi...