"Ang gabi ay nagluluksa sinta
Sa huling himig ng ating kanta."- Ronald S. Lomibao, His Miracle
Eros
"Eros gusto kong marinig mo ang huling himig ko."
Paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko ngayon ang katagang binanggit ni Mary habang magkahawak kamay kaming naglalakad patungo sa bahay nila.
Ramdam ko ngayon ang kirot ng puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Habang papalapit kami sa kinatitirikan ng bahay nila ay siya namang pagbigat ng bawat hakbang ko.
May parte sakin na gustong malaman kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa mga sinabi niya.
Pero kalahati ng pagkatao ko ay ramdam ang takot sa kung anong naghihintay na katotohanan.
Parang gusto kong umatras o tumakbo nalang."Eros." panimula ni Mary.
Hindi ako umimik.
Nakatulala lang ako sa kawalan tila di mahanap ang sarili.
Marahang pinisil ni Mary ang palad ko sa kanya.
Tiningnan ko siya.
Nangingibabaw ang lungkot sa mga mata nito.
"Mary." bulong ko.
Hinila ako nito paakyat sa kwarto niya.
Pagkapasok sa kwarto niya ay sumalubong saming dalawa ang malamig na simoy ng hangin na tila nagpapahiwatig ng matinding kalungkutan.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa.
Umupo siya sa harapan ng piano.
Nakatayo lang ako sa pinto iniisip kung alin sa mga bumabagabag sa isip ko ang una kong itatanong sa kanya.
"Mary a-anong huling himig ang tinutukoy mo?" pambabasag katahimikan ko.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay tumayo ito papunta sa kanyang cabinet.
Kinuha nito ang kanyang diary.
Mula sa diary ay nakasapit ang isang lumang papel.
Kinuha niya ito at isinandal sa patungan ng piyesa.
Nagitla ako sa unang himig na lumabas sa unang pagtipa nito sa piano.
Kumirot ang puso ko sa unang nota na kanyang ginawa.
Tumingin siya sakin.
Bakas sa kanyang mukha ang labis na takot at pag-aalinlangan.
Naglakad ako palapit sa kanya.
Tinabihan ko siya at hinawakan ang kamay nito.
Wala akong mahanap na salita na makakapagpagaan ng loob niya.
Pagkat maging sarili ko ay di ko na mahanap.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
Pagkaraan ng ilang minuto ay kumalas siya sa aking bisig.
Huminga siya ng malalim bago ito nagsimulang tumugtog.
Unang taludtod palang ay mabigat na sa dibdib.
BINABASA MO ANG
Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)
RomantizmSa kwento ng pag-ibig na pinag-ugnay ng nakaraan at hinaharap-ng milagro at panaginip... Tahimik ang buhay ni Eros hanggang dumating sa kanyang buhay si Mary, isang unrequited soul-na lingid sa kanyang kaalaman. Posible nga bang magkaroon ng pag-ibi...