"Hey Eros, nga pala boyfriend ko si Nathan."
Kararating ko lang sa huling klase namin ng bigla akong sinalubong ni Mira kasama ng kanyang nobyo.
Nakipagkamayan ako sa kanya at binitawan ito agad.
"Sige mauna na ako sa inyo." pagpapaalam ko sa kanila.
Pumunta ako sa upuan ko sabay salampak ng headset sa tenga ko.
~*~
"Eros! Eros hey wake up!"
Napainat ako at tiningnan kung sinong gumising sa mahimbing kong pagtulog.
Si Mira.
Napamura at napahilamos ako sa mukha nang malamang natulugan ko ang klase.
"Mira anong oras na?" natataranta kong tanong
"It's already 5."
Napahilamos uli ako sa mukha.
"Bakit di niyo man lang ako ginising?" inis kong tanong sa kanya
"Dont worry sabi kasi ng mga teacher natin wag ka na daw gisingin at baka pagod at puyat ka tutal nag-review lang naman kami." paliwanag nito.
Natataranta kong niligpit ang mga gamit ko sa aking upuan.
Agad agad akong tumakbo papuntang rooftop.
Narinig ko ang pagsigaw ni Mira ngunit di ko ito inalintana at binilisan pa ang takbo.
Halo halo ang tumatakbo sa isip ko ng mga oras na yun.
Kung umalis na ba siya o naghihintay pa hanggang ngayon o di naman kaya may nangyari nang masama sa kanya.
Halos di ako makahinga sa pagod ng makarating ako sa rooftop.
Habol habol ko ang hininga ko nang makita ko sya.
Napangiti ako.
Para akong nabunutan ng tinik nang makita siya.
Dahil sa sobrang galak tumakbo ako papalapit sa kanya.
Niyakap ko siya ng mahigpit pero agad din itong humiwalay sa pagkakayakap ko sa kanya..
"S-sorry Mary nakatulog kasi ako sa klase e pasensya ka na."
"Okay lang sanay na sanay naman na ako sa paghihintay." mariing tugon nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala yun. So anong pag-uusapan natin? nakangiti ito ng malawak.
Medyo nagulat ako sa mabilis na pagbabago ng mood nito.
Sadyang bipolar lang ba talaga siya o hilig niya lang talaga magtago ng tunay niyang nararamdaman.
"Ah eh itatanong ko sana tungkol dun sa nangyari sa atin nung isang araw."
"Anong nangyari? walang kamalay malay nitong tanong.
"Yung ano...yung." sabay nguso ko.
"Ha? anong hahahaha." napahagalpak siya ng tawa.
"Ah nung maglapat ang labi natin." diretsahan nitong sagot.
Bigla namang uminit ang mukha ko sa sinabi nito.
Di ako makapaniwalang nasabi niya yun ng hindi man lang naiilang o baka naman sadyang maprangka lang talaga siyang tao.
"Teka bat ka namumula?"
Dahil sa tanong niyang yun lalo tuloy nag-init ang buo kong mukha.
Pinagpapawisan narin ako ng malagkit.
"H-hindi ah." pagsisinungaling ko.
"Ganun ba."
"Ah tungkol dun sa nangyari...sorry." nahihiya kong sabi.
"Wag kang mag-sorry aksidente ang nangyari."
Napayuko nalang ako sa hiya.
"Kung ganun bakit mo ako iniiwasan nitong mga nakaraang araw?"
"Ah ano kasi uhm...pwede bang kalimutan nalang natin yun?"
Nakita ko ang pamumula ng mukha nito
Napatawa ako.
"Bakit ka tumatawa?" naiirita nitong tanong.
"Wala hahaha."
"Sige aalis na ako."
Nagulat naman ako nang bigla itong naglakad palayo.
"Teka kararating ko lang ano ka ba samahan mo naman ako dito."
"Inaasar mo ko e."
"Hala di naman ah talagang halata ka lang."
"Halatang ano?" inis nitong tanong.
"Halatang naiilang sakin."
"Nerbyusin ka naman sa pinagsasabi mo Mr. Manuel kung gusto mo titigan pa kita diyan e."
Nakipagtitigan sakin si Mary.
Yung mga mata niya parang hinihigop ang lakas ko.
Tatlong minuto na ang nakalipas pero di parin sya natitinag.
Napatingin ako sa kanyang mga labi.
Napaiwas nalang ako ng tingin.
"Yes! hahahaha sabi na e! ikaw talaga tong naiilang sakin." nagtatalon ito sa tuwa na parang bata.
Napangiti nalang ako.
Hindi ko alam pero may parte sakin na nagsasabing konektado kami sa isa't isa.
At mula noon pa man minahal ko na siya.
Hindi ko alam ang pinaka-rason kung bakit ko siya minahal.
Siguro nga ganun talaga pag nagmahal ka hindi mo na iniisip o iniisa-isa ang mga rason kung bakit mo minahal ang isang tao.
Basta ang importante alam mong mahal mo siya.
"Anlalim ata ng iniisip mo."
"W-wala to."
"Ganun ba."
"Tara upo muna tayo." aya ko sa kanya.
Nandun lang kami sa rooftop nag-usap ng mga bagay bagay. Ultimo mga walang kwentang bagay ay napag-usapan namin.
Gaya nalang ng kung ano ba talaga ang nauna: "Manok O Itlog?"
Ano nga ba?
Sabay rin naming pinanood ang paglubog ng araw.
Tiningnan ko ang mukha nito na animoy kumikislap dahil sa sinag ng papalubog na araw.
Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang palubog na araw.
Nakita kong hawak hawak parin niya ang kanyang Diary na mistulang libro dahil sa kapal nito.
Nandun parin ang tuyong rosas na nakaipit mula rito.
Nakatitig lang siya sa kawalan.
Pumikit.
Huminga ng malalim.
Kasabay nun ay ang biglang pagpatak ng kanyang luha.
BINABASA MO ANG
Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)
RomanceSa kwento ng pag-ibig na pinag-ugnay ng nakaraan at hinaharap-ng milagro at panaginip... Tahimik ang buhay ni Eros hanggang dumating sa kanyang buhay si Mary, isang unrequited soul-na lingid sa kanyang kaalaman. Posible nga bang magkaroon ng pag-ibi...