Umaga ng Sabado. Maaga palang ay nasa baba na ako ng bahay at tinutulungan si Mama sa pag-aasikaso sa mga customer namin sa aming karinderya.
Tinanong pa nga ako ng mga suki namin kung bakit ansaya ko raw at lagi akong nakangiti.
Sinabi ko nalang sa kanila na hindi bawal ang ngumiti at hindi pa huli para magbago.
Hindi ko na maalis ang pagkalawak lawak kong ngiti pagkatapos ng gabing yun.
Ansarap sa pakiramdam.
Para akong nililipad sa ulap.Iyon na ata ang pinakamasayang gabi ng buhay ko.
Gabi na nang magsara kami.
Matamlay kong sinara ang aming gate.
Gustong gusto ko nang humiga sa kama.
Ramdam na ramdam ko na ang sakit ng buo kong katawan sa maghapong pagtratrabaho.
Umakyat na ako at sumalampak sa kama.
Ilang minuto lang ay inantok na ako.
"Panaginip ka na nga lang ba?"
Sa isang burol naaninag ko ang isang babaeng nakatalikod habang may iginuguhit syang imahe ng tao sa kanyang sketchpad.
Hindi ko makita ang ginuguhit niya. Masyado itong malabo.
"Pero ano tong nararamdaman ko sinasabi ng puso ko na totoo ka."
"Di ko maipaliwanag at wala ni sino mang makakapag-paliwanag sa nararamdaman kong ito."
"Alam mo bang mahal na kita."
Nagpatuloy lang siya sa pagguhit.
"Nakailang guhit na ako sayo pero hanggang ngayon hindi pa kita nahahanap. Nahihibang at nababaliw na nga ata ako tulad ng sinasabi nila. Sinasabi ng isip ko na isa ka lang panaginip pero itong puso ko sinasabing hindi ka lang basta panaginip...isa kang milagro. Isang milagrong panaginip..."
Napahagulhol ang babae.
Papalayo ng papalayo ang babae sa paningin ko hanggang sa umalingawngaw ang kanyang pagtatangis.
Napabalikwas ako ng bangon.
Napahilamos ako sa aking mukha at ramdam ang mga luhang umaagos mula rito.
Ambigat sa pakiramdam.
May mali na alam kong hindi kayang sagutin ng aking isip na tanging puso ko lang ang nakakaalam.
Paano at bakit?
Yun ang hindi ko alam.
Umupo ako sa kama at nadapo ang tingin ko sa lantang rosas na binigay ni Mary sakin dati.
"Pssst...Pssst!"
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ko ang pagsitsit na yun.
"Pssst!...Pssst!"
Lumapit ako sa may bintana at tumanaw sa baba.
"Mary?" takang tanong ko.
Bakit siya nandito sa bahay ng hatinggabi?
"Anong ginagawa mo rito?" pabulong kong tanong sa kanya.
"Namimiss na kasi kita."
Napasapo ako sa noo pagkasabi niya nun pero mas nangibabaw ang kilig at saya na nararamdaman ko matapos niyang sabihin yun.
Napangiti ako.
Yung bigat at sakit na nararamdaman ko kanina bigla nalang nawala.
Pinuntahan ko siya sa baba.
Pagkababa ko ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Miss na rin kita."
Napangiti siya ng malawak.
"Anong dahilan at napunta ka ng dis-oras ng gabi rito?" tanong ko.
"Ewan ko basta dinala nalang ako ng mga paa ko papunta rito."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Halika ka muna sa loob ng kwarto ko."
Napahinto naman siya pagkasabi ko nun at bakas ang pagkagulat at pag-aalangan sa mukha nito.
"Eros!" sabi nito habang ansama ng tingin sa akin.
"Ano ka ba mali ka ng iniisip." natatawa kong sabi sa kanya.
"Malaki ang respeto ko sayo Mary." sabi ko sa kanya sabay halik sa noo nito.
Napangiti siya.
Hinila ko siya papasok sa kwarto ko.
"Pasensya ka na ha medyo magulo ang kwarto ko."
"Naku okay lang."
"Andami mong libro ah mahilig ka rin pala."
"Ahh oo pero ni isa sa mga yan hindi galing sa bulsa ko bigay lang yang mga yan. Kung ganun ikaw rin mahilig sa libro?"
"Ah oo pwede kang humiram ng mga libro ko kung gusto mo."
"S-sigurado ka?"
"Oo naman marami akong libro sa bahay kung di mo naitatanong."
"Sige sa susunod na araw pupunta ako ulit sa bahay niyo."
"Sige ba."
Magdamag kaming nagkwentuhan at nagtawanan ni Mary.
Hindi kami naubusan ng topic gayong halos parehas kami ng mga hilig
Mapa-libro, mapa-usaping piano at jazz music at syempre pati pagkain.
Mag-uumaga na nang mapagpasyahan niyang umuwi.
"Salamat Eros."
"Walang anuman." hinawakan niya ang kamay ko.
"Akala ko hanggang panaginip ka na lang...hindi pala."
Hindi ko lubos maipaliwanag pero bigla akong napaisip sa sinabi niyang yun.
"Anong ibig mong sabihin?"
"I love you." sambit nito at di na sinagot ang tanong ko.
"Mas mahal kita higit pa sa iniisip at dinidikta ng yong puso."
Hinalikan ko siya sa noo pagkatapos ay naglakad na siya palayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/211626576-288-k699550.jpg)
BINABASA MO ANG
Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)
RomanceSa kwento ng pag-ibig na pinag-ugnay ng nakaraan at hinaharap-ng milagro at panaginip... Tahimik ang buhay ni Eros hanggang dumating sa kanyang buhay si Mary, isang unrequited soul-na lingid sa kanyang kaalaman. Posible nga bang magkaroon ng pag-ibi...