Agatha's POV
Nandito kami ngayon ni Tita Jodi sa Living room binabantayan namin si Baby Jaida.
"So Agatha kamusta naman ang pag-aaral mo?" Tanong ni Tita Jodi.
"Well Tita consistent honor student po ako, nag aaral po ako ng mabuti para sa future ko po."
"That's Good my Dear! Ituloy mo lang yan."
"I will Tita!"
"Hey Agatha if you want something just tell me huh, wag kang mahihiya."
"Yes po Tita!"
"By the way kamusta ang mga Tita's and Tito's mo?"
"They are good naman po Tita, actually sila Tita Dawn and Tito Richard po yung naghatid sa amin sa Airport.
The other Tita's and Tito's po ayos naman po silang lahat. Last last week po nasa bahay silang lahat. Kayo lang po ang wala ni Tito Ian.""Oo nga nakita ko yung post ni Vice, hayaan mo Agatha next time mabubuo din tayo."
"Sana nga po Tita para mas masaya po tayo."
"Come here Agatha." Nagulat ako sa ginawa ni Tita Jodi. She hug me tightly, and I hug her tightly din.
"Tita I have a question for you."
"Ok. What was that?"
"Tita what if bumalik yung taong mahal na mahal mo na nang-iwan sayo what will you do?"
"To be honest Agatha I will accept it pa din, kasi if you love that person talaga tatanggapin mo pa din sya kahit gaano pa kalaki yung kasalanang nagawa nya sayo. But it depends to you kung tatanggapin mo pa din sya."
Tumahimik nalang ako pagkatapos sabihin ni Tita Jodi yung sagot nya.
"Hey Agatha are you ok? Kanina kapa tulala jan."
"Yes Tita I'm ok."
"No you're not ok Agatha. I know there's something bothering you. Tell me what is it?"
"I miss my mommy."
"I know na nahihirapan ka Agatha, malay natin may malalim na dahilan ang mommy mo kaya hindi sya nakabalik."
"Kinalimutan nya na kami ni daddy, may bago na syang family Tita."
"No Agatha mali ka, walang ina ang kakalimutam ang sarili nyang anak."
"Yes Tita, siguro yung iba hindi kayang kalimutan yung anak nila, But my mom? Kinalimutan nya na kami. Pinanghawakan ko yung sinabi nyang babalik sya, Sandali lang sya. I was 5 years old when she left us. 9 freaking years na wala sya sa tabi namin ni dad."
Hindi ko na kinaya yung bigat na nararamdaman ko, nilabas ko na kay Tita. Iyak ako ng iyak sobrang sakit na ng dibdib ko."Ssshhh tahan na Agatha, magiging maayos din ang lahat."
"Sana nga po Tita."
"Eto ang tatandaan mo, kahit may maling nagawa ang mommy mo, hindi ka pa din dapat magalit sa kanya. Kapag nagkita kayo hayaan mo syang magexplain. Basta wag kang magtanim ng sama ng loob sa mommy mo. Mommy mo pa din sya kahit pagbalibaliktarin mo ang mundo isa lang sya."
After namin mag-usap ni Tita Jodi pinuntahan ko na si daddy gusto ko na kasing magpahinga.
"Dad let's go na po. Inaantok na po ako."
"Sure anak." Nag-paalamna si daddy kay Tito Ian.
Hinatid nila kami sa labas ng bahay nila. May pinaheram na car sila Tito and Tita para daw hindi kami mahirapan kapag nagtour kami ni daddy.
"Bye Agatha, Bye Aga!" Sabi nila Tito and Tita.
"Thank you po!" Naghug ako sa kanila bago umalis.
Umalis na kami ni daddy at bumyahe na kami. After 15 minutes nakadating na din kami ni daddy condo.
"Nak change your clothes before you sleep."
"Yes dad."
Inayos ko muna yung mga gamit ko bago ako nagpalit ng damit. Habang inaayos ko yung damit ko biglang kumatok si daddy sa kwarto ko.
"Anak are you ok? Kasi kanina kapa tahimik at parang wala sa mood."
"Ok lang po ako dad, pagod lang po ako."
"Are you sure?"
"Yes po."
"Ok, matulog kana anak madami tayong pupuntahan bukas."
"Sige po. Goodnight dad."
"Goodnight my princess." Naghug ako kay daddy bago sya bumalik sa kwarto nya.
Nagpalit na ako ng damit ko at humiga na din sa kama. Pero bago pa ako makatulog ay nagdasal muna ako.
Lord thank you for this day! Thank you for guiding us. Thank you for keeping us safe. I'am asking you for your forgiveness of all the wrong things that I have done.
Thank you Lord and Godbless us always.
Amen....
BINABASA MO ANG
Do You Still Remember Me?
FanfictionIniwan nya kami ng hindi nag papaalam, Iniwan nya kami dahil sa career nya,Iniwan nya kami ng walang kahit anong huling salita. Now she's back, should I accept her?