Chapter 14

666 15 0
                                    

Aga's POV

Pagkatapos naming mag-usap ni Agatha bumalik na ako sa kwarto ko para magpahinga na din. Pero kahit anong gulong ko sa kama at pikit hindi pa din ako makatulog. Naalala ko na naman yung sinabi ni Agatha  kanina kay Jodi.

"Siguro yung iba hindi kayang kalimutan yung anak nila, But my mom? Kinalimutan nya na kami. Pinanghawakan ko yung sinabi nyang babalik sya, Sandali lang sya. I was 5 years old when she left us. 9 freaking years na wala sya sa tabi namin ni dad."

Alam kong sobra ang galit ni Agatha sa Mommy nya dahil sa pang-iiwan nito sa amin. Naaawa ako sa anak ko dahil hindi ko man lang sya matulungan. I admit my kasalanan din ako, kung una palang hinanap ko na si Lea edi sana masaya kami ngayon at hindi sana sya nag ka anak sa iba.

Alam kong galit na galit din si Agatha sa anak ni Lei na bago. Kasi Last time kasi pumasok ako sa kwarto nya.

Flashback......

Pumukaw sa aking mga mata ang maliit na notebook na nakapatong sa side table. Kinuha ko ito at binasa ang mga laman nito.

Dear Diary,
        It's my birthday today! And you know what is my wish? Syempre wala ng iba kundi ang bumalik si mommy. Sana matupad yon.






Dear Diary,
        Today is my graduation day! Until now umaasa pa din akong babalikan kami ni mommy. Sana isurprise nya ako katulad ng napapanood ko sa TV na biglang dadating yung parents nila. Sana dumating si mommy later.












Dear Diary,
         Malapit na akong mawalan ng pag asang babalik muli si mommy. Ilang taon na din ang nakalipas pero wala kaming balita ni daddy sakanya. I hope she's ok.

















Dear Diary,
         Alam mo ba family day namin kanina, naiinggit ako sa mga families na dumadaan sa harap ko. Wala akong kasama sa school kanina kasi si daddy busy akala ko makakasunod sya hindi pala. Pero ok lang naiintindihan ko naman si daddy eh, para sa future ko din naman yon.















Dear Diary,
       Kanina nasa guidance ako kasi napaaway ako paano kasi binully nila ako ang dami nilang sinabi about kay mommy, pero syempre hindi ko hinayaang laiitin at sabihan nila si mommy ng masasakit. Nilabanan ko sila ayon dumugo yung ilong nung isa. Ako ayos lang may konting gasgas dahil sa pagulong ko hahahahahah.











Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa pinaggagawa ng anak ko o magagalit, mantakin mo nakipag away ng hindi ko alam, pero proud ako sakanya kasi naipagtanggol nya ang sarili nya. To be honest hindi ko alam yung mga nangyari sa anak ko sa loob ng school nila. Ni hindi man lang ako pinatawag sa school.

Habang binabasa ko yung ibang entry ni Agatha may isang Entry na pumukaw sa akin. Binasa ko ito ng maigi.


Dear Diary,
        Bakit ang unfair ng life? I saw my moms picture in her Instagram account with her new daughter. Bakit ang daya ni mommy? Iniwan nya ba talaga ako para lang sa bago nyang family. Iniwan nya kami ni daddy dahil ayaw na nya sa amin.

I HATE YOU MOMMY! SANA HINDI NALANG IKAW YUNG NAGING MOMMY KO.

NABUBULLY AKO SA SCHOOL BECAUSE OF YOU! MY OTHER CLASSMATES TOLD ME NA WALA AKONG MOMMY, INIWAN MO DAW KAMI KASI HINDI KANA MASAYA SA AMIN.

After kong basahin yung entry nyang yon hindi ko mapigilang hindi umiyak. Bumuhos ang luha ko. My daugther didn't tell me about this na nabubully sya.

Kaya pala one time na naabutan ko sya sa kitchen namumugto yung mata nya tapos naka uniform pa sya.


End of Flashback....


Naguguluhan ako ngayon, pinagpalit nga ba kami ni Lea? Pero anong dahilan at pinagpalit nya kami?

Bukas na bukas pagkatapos namin ni Agatha mag tour pupuntahan namin si Lea sa address na binigay sa akin ng investigator na hinire ko......

Do You Still Remember Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon