Chapter 37

700 15 0
                                    

Lea's POV

2 weeks na ang nakalipas pero hindi pa din nagigising si Agatha, sabi ng doctor wala naman daw masyadong napinsala sa ulo ni Agatha. Nagtataka pa din kami kasi hindi pa din sya nagigising. I miss her so much.

"Lei kumain muna." Sabi ni Dawn. Ilang araw na din sila dito. Lagi syang magbabantay kay Agatha.


"Thank you Dawn pero busog pa ako."


"Lagi ka nalang busog, sige ka magagalit nyan si Agatha kasi nagpapalipas ka ng gutom."

Kaya napilitan na din akong kumain.

"You know what Lei napakaswerte mo kay Agatha, napakabait at mapagmahal na bata. Alam mo bang iniwan ko sakanya ng 2 days si Ayisha at inalaagan ni Agatha ng mabuti si Ayisha. Sana Lei pagkagising ni Agatha bumawi ka sakanya. Sumama kana pabalik ng Pinas. Ayun lang yung hiling ni Agatha yung makasama ka habang buhay. Sana tuparin mo yon kasi laging ayon yung wish nya kapag birthday nya."

Tahimik lang akong nakikinig kay Dawn.


"Mommy!" Biglang bumukas ang pinto at iniluwa non ay si Amanda at Ayisha.

"Shhhh wag kayong maingay!" Suway ko.

Nakita ko namang lumapit si Ayisha kay Agatha.


"Ate Agatha wake up na! Maglalaro pa tayo oh. Ang tagal mo ng nakahiga jan at natutulog. Gumising kana please." Sabi ni Ayisha at hinalikan si Agatha.


"Lei umuwi ka muna ako ng bahala dito, ako muna ang magbabantay kay Agatha para makapagpahinga ka din muna. Dito muna din yung dalawang bata pagbalik mo nalang tsaka ko sila iuuwi." Sabi ni Dawn.

"Are you sure Dawn?" Tanong ko.

"Yes Lei."

"Isasama ko nalang yung dalawang bata para wala ka ng intindihin pa kundi si Agatha nalang. Nakakahiya na kung iiwan ko pa sila sayo. Sa bahay nalang namin muna sila." Sabi ko.


"Sige Lei king ayon ang gusto mo."


Inayos ko na yung mga gamit ko at yung gamit ng dalawang bata.

"Kids let's go home na magpaalam na kayo kay Ate Agatha nyo."


"Bye ate Agatha! Sana pagbalik namin dito gising kana." Sabi naman ni Amanda. Hinalikan naman nila parehas si Agatha.


Habang naglalakad kami ng mga bata nagkkwentuhan sila, nakikinig lang ako.

"You know what Amanda? Ate Agatha is very nice to me. Lagi nya akong binibisita sa bahay and sometimes naglalaro kami kapag my time. Naalala ko ng dati iniwanan ako ni mommy sa bahay nila ate Agatha inalagaan ako ng mabuti ni Ate Agatha tapos alam mo nagpadeliver kami ng pagkain na madami." Masayang kwento ni Ayisha.

"Talaga Ayisha? Ang swerte mo naman buti kapa nakakabonding mo si Ate Agatha ng maraming beses samantalang ako ilang beses palang ." Malungkot na sabi ni Amanda.


"Hayaan mo Amanda pagkagising ni Ate Agatha magbobinding na kayo palagi non katulad ng ginagawa namin."

"I hope so."

After 15 minutes nakarating na kami sa bahay. Naabutan namin si Aga na nakaupo sa my kitchen at umiinom ng tubig.

"Kid's punta muna kayo sa room ni ate Agatha nyo dun muna kayo, wag kayong lalabas hanggat hindi ko pa sinasabi ok?"

"Yes po." Sabay nilang sinabi.

Nilapitan ko na agad si Aga.

"Ags my problema kaba?"

"Lei bakit hindi pa nagising si Agatha, 2 weeks na syang tulog hindi ko kayang mawala sya sa atin." Umiiyak na sabi ni Aga.


"Shhh dont cry sige ka tatawanan ka ni Agatha kapag nalaman nyang umiyak ka." Pagbibiro ko para naman tumahan na sya.



"Wala akong pake kahit tawanan nya pa ako basta ang mahalaga gumising sya." Umiiyak pa din sya.

"Kung sana pala pumayag na akong sumama sainyo pabalik hindi sana mangyayari to edi sana masaya tayo  na nakabalik sa Pinas."










Do You Still Remember Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon