Aga's POV
Medyo malayo din pala yung convenient store sa central park akala ko malapit lang ito. Pabalik na sana ako sa pwesto namin ni Agatha kanina ng maalala ko yung nakita ko kanina, possible kaya na si Lea yon?
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko pabalik sa pwesto namin ni Agatha ng mapansin ko na walang nakaupo sa bench. Nilibot ko ang aking mga mata baka sakaling makita ko si Agatha pero hindi ko ito matanaw.
Naglakad lakad ako sa central park, madami akong nakakasalubong na mga tao dahil weekend ngayon dito sa new york, it means family day.
Habang naglalakad ako may tumamang bola sa akin.
"Sorry Sir!"
Nakita ko kung sino yung bata, sya yung kasama ni Lea sa mga pictures hindi ako pwedeng magkamali, sya din yung nakita ko kanina. Hindi ako makapag salita. Ibig sabihin nandito din si Lea.
"It's ok baby, by the way where's your parent's or guardian?"
Pero hindi ito nagsalit bagkos tinignan lang ako neto.
"My mommy told me don't talk to stranger, I'm sorry again Sir."
Tumakbo agad yung bata, tinanaw ko ito kung saan sya patungo ng biglang.
"Boooooooo!" Sigaw ni Agatha kaya naman napabaling yung tingin ko kay Agatha kung kaya't nawala ang tingin ko sa batang nakatama sa akin ng bola.
"Anak lagi mo nalang akong ginugulat! Mamaya atakihin ako sa puso nyan."
"Sorry dad! Hehehehehe kasi naman po ang layo ng tingin mo. Teka sino po ba yung tinitignan mo jan?"
Tinignan ni Agatha yung direksyon na tinitignan ko.
"Wala anak hehehehe."
"Hay nako ikaw talaga dad! Minsan hindi ko na alam kung anong nangyayari sayo eh, natatakot na din ako minsan. HAHAHAHAAHAH" pang-aasar ni Agatha sa akin.
"Tara na anak mag-ikot ikot na tayo."
Nagbabakasakali akong makikita ko dito si Lea. Possibleng mangyari yon dahil nakita ko yung anak nya.
"Nako dad wag na po nakaikot na ako sa tagal mo."
"Gusto kong umikot anak."
"Pero dad pagod na po ako, kain nalang tayo then uwi na tayo."
"Nako kung hindi lang talaga kita mahal! Sige na tara na saan mo ba gustong kumain?"
"Uhmmmmmm sa bahay nalang po dad! Gusto ko po ng luto nyo eh."
"Naglalambing ang anak ko."
"Namiss ko po kasi yung luto mo dad, matagal tagal na din po kasing hindi mo ako naipagluluto ng paborito kong kare kare."
"Awwww sige daan tayo sa market para makabili ng gagamitin natin."
"No need na po dad, nakalimutan mo na po atang namalengke ako kanina? Kumpleto po yung mga binili ko. Ikaw kasi dad kung ano ano iniisip mo eh."
"Sorry na anak hahahaha."
"Let's go na po."
Naglakad kami ni Agatha palabas ng central park. Medyo malayo din yung lalakaran namin at possible na makasalubong or matanaw ko si Lea.
Nililibot ko ang aking mga mata sa park habang naglalakad kami ni Agatha.
"Dad! Para kang ewan, sino po ba kasing tinitignan mo jan? Kanina ka pa po kasi tingin ng tingin."
"Wala lang baka kasi may mga kakilala ako dito eh heheheheh."
"Yun lang po ba talaga?"
"Oo nak."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Agatha papunta sa parking lot.
"Dad bili po muna tayong burger at fries doon, hindi ko na po kaya, gutom na po talaga ako."
"Sige dito kalang muna ako na ang bibili."
"Thank you daddy!"
Naglakad na ako papunta doon sa kiosk na bibilhan ko ng burger at fries.
"Papa I want Burger."
Paglingon ko yung bata kanina na anak ni Lea at yung tatay nung bata.
"Baby lagot tayo sa mommy mo kapag binilhan kita, alam mo namang hindi ka pwedeng kumain masyado ng burger eh."
"But Papa I'm super hungry na po, hindi ko po sasabihin kay mommy na kumain tayo ng burger, uubusin ko po agad. Promise."
"Are you sure about that?"
"Yes Papa."
Sakto naman ayos na yung order ko, tinignan ko yung bata at sakto namang tumingin din sya sa akin at nag smile sya sa akin. May dimple din sya kagaya ng mommy nya.
Bumalik na ako kay Agatha dahil gutom na gutom na ito. Sabay kaming sumakay sa kotse at umuwi na kami. Tinitignan ko lang si Agatha habang kumakain, she looks like her mom, the way she eat lalo kapag gutom they are the same.
Nasaan kaya si Lea? Bakit hindi ko sya makita.....
BINABASA MO ANG
Do You Still Remember Me?
FanfictionIniwan nya kami ng hindi nag papaalam, Iniwan nya kami dahil sa career nya,Iniwan nya kami ng walang kahit anong huling salita. Now she's back, should I accept her?