The Finale

897 8 0
                                    

Agatha's POV

Maraming araw ang lumipas bago kami makauwi ng tuluyan sa Pinas ng magkakasama. Madami kaming prosesong pinagdaanan. Sa ngayon masasabi kong buo na talaga kami dahil magkakasama na kami.

Si mommy nag start na syang magtrabaho ulit dito sa Pinas. Isa syang coach sa isang singing contest which is The Voice Teens.

Si daddy naman sobrang busy na din dahil may mga trabaho syang iniwan dito. May mga bago syang commercial kaya mas lalong naging busy. Pero kahit busy sila parehas hindi sila nawawalan ng oras sa amin ni Amanda.

Kami naman ni Amanda nandito sa bahay, wala pa naman kaming pasok sa school kaya dito muna kami sa bahay. Inaalagaan ko sya ng mabuti katulad ng ginagawa ko kay Ayisha.


Ang dami kong natutunan sa takbo ng buhay ko, una I've learned to be strong kahit sobrang hirap na, at sobrang sakit, pangalawa natuto ako na magpakumbaba at intindihin ang bawat sitwasyon. Natuto ako na sa bawat pagkakamali natin dapat gumawa na agad tayo ng paraan para hindi pa ito lumalim at lumaki pa. Wag tayong mawalan agad ng pag asa sa ano mang hamon na ibinibigay sa atin ni Lord lumaban tayo hanggat kaya pa basta wag susuko. Sabi nga nila mapapagod pero hindi susuko!

________________________

Lea's POV

Wag kang matakot magkamali. Ayan ang isa sa mga natutunan ko sa buhay. Tao ka kaya normal lang na magkamali ka. Sabi nga nila failure teaches a people how to succeed. So don’t be afraid to fail, matakot ka kung hindi mo sinubukan.

There will always be something to learn from failure. Remember that the real failure is in failing to improve.  Failure will also help you find your passion. 

Alam ko marami akong naging pagkakamali sa buhay ko, pero nagpapasalamat pa din ako kay LORD kasi hindi nya pinabayaan ang pamilya ko at hinding-hindi nya ako iniwan.

God will never let us down. God will help us. God will pour out hope upon hope, faith upon faith, love upon love, and grace upon grace according to our needs. Hinding hindi tayo iiwan ni Lord kahit anong mangyari. Wala syang pagsubok na ibinigay na hindi natin kayang lagpasan. Lahat ng pagsubok na binigay nya malalagpasan natin. Kagaya nalang ng naging sitwasyon ko. Pinagdasal ko ito na sana mabuo kami at nangyari nga. Basta wag lang mawalan ng pag asa at pananampalataya kay lord.

Kahit anong mangyari kapit lang sa taas.

_________________________

Aga's POV

Huwag susuko hanggat kaya mo lumaban ka! Iyan ang pinaka tumatak sa akin. Sa bawat hamon ng buhay matuto tayong lumaban.

Ipaglaban natin kung alam natin na sa atin talaga. Patunayan natin na lahat ng pagsubok kaya nating lagpasan. Lumaban tayo katulad nalang ng ginawa ko. Lumaban ako kasi kaya ko pa. Bumalik sa akin ang pamilya ko na inaasam kong mabuo dati.

Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng iba na may mga bagay daw na hindi na kaya pang ibalik sa dati.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na kung gusto mo at willing ka talagang gawin para lang bumalik sa dati mangyayari yon. Mag effort ka kung gusto mong bumalik sa dati ang buhay mo. Basta wag kang susuko dahi kapag sumuko ka talo ka.

Do You Still Remember Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon