Aga's POV
"You stay there Amanda!" Sigaw ko kay Amanda at kumaripas ako ng takbo patungo kay Agatha. Nakahandusay sya sa kalsada at may umaagos na dugo sa ulo nya.
"Agathaaa wake up!" Sigaw habang niyuyugyog ko sya. Nakita ko namang tumatakbo si Lea papunta sa direksyon namin.
"Agatha wake up baby please." Umiiyak na sabi ni Lea.
After 5 minutes dumating naman yung ambulance.
"Lord please save my daughter." Narinig kong sabi ni Lea.
Dinala agad sa Operating Room si Agatha, kailangan daw tahiin yung sugat nya sa ulo.
After 1 hour lumabas na yung doctor.
"Who is the parents of Agatha?" Tanong ng doctor. "I'm Arnold Sandoval a Filipino Doctor."
"How's my daugther?" Tanong ko.
"Ayos naman na sya magigising din sya anytime. Buti nalang at nadala nyo agad sya dito at hindi na namin sya kinailangan pang salinan ng dugo. Mababaw lang ang natamo nyang sugat. Pero kailangan pa din nyang mag pa CTscan para makasigurado tayong wala talagang napinsala sa skull nya. By the way ililipat na namin sya sa isang private room." Sabi ng doctor.
"Thank you so much doc." Sabi ni Lea.
"Daddy ayos na po si Ate Agatha." Tanong ni Amanda.
"Yes baby your ate is fine, anytume magigising nayon. Dont worry ok?"
"Yes dad."
Hanggang ngayon tahimik pa din si Lea at yakap yakap si Amanda. Bigla namang lumapit sya sa akin.
"I'm sorry Aga, kasalanan ko to eh kung sana pumayag nalang ako. Hindi sana mangyayari to."
"Shhhh wag mong sisihin ang sarili mo, walang may gusto nitong nangyari. Hindi mo ito kasalanan ok. Walang may gusto." Sabi ko at niyakap ko sya.
Nakita naman naming inilabas na sa operating room si Agatha kaya naman sumunod na din kami sa private room nya.
Agad na nagpunta si Lea kay Agatha at hinalikan nito ang kamay ni Agatha.
"I'm so sorry anak! Please wake up uuwi pa tayo ng magkakasama." Sabi ni Lea.
"Lei let's talk outside." Tumayo naman sya.
"Amanda ikaw muna ang bahala sa ate mo, mag-uusap lang kami saglit."
"Yes dad."
Lumabas naman kami ni Lea.
"Lei bakit ba ayaw mong sumama sa amin pabalik? Ano ang dahilan please tell me! Naguguluhan na ako."
"May contract akong pinirmahan Aga! Kaya hindi ganon kadali na iwanan ko yung trabaho ko dito."
"So you choose your job kesa amin? Ganon ba yon Lea!"
"No hindi sa ganon."
"Hindi eh! Mas mahalaga sayo ang trabaho mo kesa sa amin. Kung ayaw mo edi wag basta babalik kami ng Pinas isasama ko si Amanda." Afternoon pumasok na ako sa kwarto ni Agatha.
Tulog pa din si Agatha hanggang ngayon, ilang oras na din ang nakalipas mula ng mailipat sya dito sa private room.
Si Lea naman nakatulog na sa kakaiyak.
"Amanda hintayin mo ko dito bibili lang ako ng pagkain natin, kapag my doctor na pumasok gisingin mo agad ang mommy mo ok?"
"Yes daddy I will."
Lumabas na ako at naghanap ng pwedeng mabilhan ng pagkain. May malapit na mcdonalds akong nakita kaya ayun nalang ang bibilhan ko ng pagkain.
Habang naglalakad ako biglang nagring yung phone ko.
Si Dawn yung natawag sa akin kaya sinagot ko na ito."Hello Dawn?"
"Hi Aga! Kamusta na kaya jan? Nagkita naba kayo ni Lea?"
"Uhmmm yes Dawn nagkita na kami."
"That's great Mulach! How about Agatha?"
"Ok na sila ng mommy nya."
"Really? Buti naman at maayos na kayo sana pagbalik nyo dito magkakasama na kayo. By the way I tried to call Agatha pero hindi sya nasagot. Can you tell Agatha na gusto ko syang kausapin."
"Dawn si Agatha she's in the hospital."
"What! Why?" Sigaw ni Dawn.
"Naaksidente sya, pero stable na daw sya. Hinihintay nalang namin na magising sya."
"Pupunta kami jan as soon as possible. Bakit ba sya naaksidente? My gosh Mulach!"
"Pagpunta nyo nalang siguro dito tsaka ko sasabihin."
Pinatay ko na yung tawag at bumili na ako ng pagkain namin.
BINABASA MO ANG
Do You Still Remember Me?
FanficIniwan nya kami ng hindi nag papaalam, Iniwan nya kami dahil sa career nya,Iniwan nya kami ng walang kahit anong huling salita. Now she's back, should I accept her?