Dawn's POV
Agad kong tinawagan si Mulach ng malaman ko na sa New York sila pupunta.
"Hello Aga?"
"Yes Dawn napatawag ka?" Sabi ni Aga
"Uhmm about sa pagpunta nyo ng New York, sure kana ba?" Tanong ko.
"Yes Dawn sure na sure na ako sa pagpunta namin ni Agatha doon. Handa na akong harapin si Lea. Alam ko na din kung saan sya nakatira."
"Really? Kakaiba ka talaga Mulach, ang bilis mo talaga."
"Ako pa ba? Basta para sa pamilya ko gagawin ko. Kukunin ko si Lea, aayusin namin ang pamilya namin. Sisikapin namin na maibalik yung dati. Ayokong nasasaktan si Agatha, she need her mother."
"Tama yan Mulach! Be positive isa pa kailangang kailangan ni Agatha ng Nanay, kasama namin sya ngayon dito sa mall, sinundan namin sya. Nakita namin syang naglalakad kanina at nung may nakasalubong syang isang family bigla syang nalungkot. I know naalala nya na naman ang mommy nya. Kaya sinundan namin sya. Nandito kami ngayon sa Department Store."
"Thank you Dawn kasi nanjan kayo, nagagabayan nyo din si Agatha, lalo na ikaw parang mommy ka na din nya. Napaka laki ng naitulong nyo sa akin habang wala si Lea. Nanjan kayo palagi na mga Tita ni Agatha."
"Nako ang drama ni Mulach, hahahahahah."
"Thank you talaga!"
"Normal lang na alagaan namin si Agatha tandaan mo yan."
"By the way, pabalik na ako jan sa mall."
"Sige, Nandito lang kami sa Department Store. Ingat ka"
"Okidokii Salamat"
After ng conversation namin bumalik na ako kala Agatha. Nag ikot ikot ulit kami. Nag punta kami sa bag section.
Kumuha ng 3 bags si Agatha.
"Nak ang dami naman ata nyan?"
"Sira na po kasi yung ginagamit kong bag tita, tsaka para may extra din po ako hehehehe"
"Ah ganun ba"
Nagpatuloy kami sa paglalakad namin. Naisipan ko na kausapin saglot si Agatha kaya inakbayan ko sya.
"Agatha excited kana ba magpunta sa New York?"
"Yes Tita Dawn sobrang excited na po, eto ko kasi yung first out of the country ko."
"Mag-enjoy kalang ha, maganda don sa New York madam kang pwedeng puntahan. Tsaka hindi ka maiinip doon kasi nandun naman si Tita Jodi and Tito Ian mo."
"Susulitin ko po talaga ang bakasyon ko don Tita. Nag text na din po ako kay Tita Jodi na pupunta po ako ng New York para magbakasyon. Sabi nya po pupunta daw po sila sa tutuluyan namin ni Daddy."
"Maganda yon at nandon ang Tita Jodi mo, maalagaan ka nya habang wala kami ng mga iba mong Tita."
"Oo mga po Tita, but to be honest po mamimiss ko po kayong lahat kasi medyo matagal din po kami don ni daddy."
"Mamimiss ka din namin, kasi wala yung panganay namin"
"Si Tita talaga" niyakap ako ni Agatha.
"Agatha I have a questions."
"Ano po yon Tita?"
"What if nakita mo ang mommy mo don? What will you do?
"To be honest Tita hindi ko po alam kung anong gagawin ko kung makita ko sya doon."
"Basta Agatha tatandaan mo ito palagi, kahit anong mangyari mommy mo pa din sya."
Pagkatapos naming mag-usap nagrereklamo na si Ayesha. Gutom na daw sya kaya nagbayad na kami.
Nagmessage na din ako kay Aga sabi ko nasa Italian Restaurant kami. Sakto namang nag lalakad na daw sya papasok ng mall."Mommy I want Pasta!" Pagmamaktol ni Ayesha.
"Yes baby wait lang natin si Ate Agatha mo ha, nagbabayad lang sya."
"Ok mommy"
Nang matapos na si Agatha naglakad na kami papunta sa Italian Restaurant. Nakita naman agad namin si Aga.
Nagstart na kaming omorder.
"By the way Ags kailan ang Flight nyo?" Tanong ni Richard.
"This coming saturday pwede na daw kaming umalis, napaaga ang flight namin kasi naayos naman na lahat. Dapat kasi next week pa."
"That's Good Aga." Sabi ko.
Nagsimula na kaming kumain dahil dumating na yung order namin.
"Ags what will you do kapag nakasalubong mo si Lea?" Tanong ko.
"I will hug her"
"Ayun lang? Hahahaha." Pang aasar ni richard.
"Syempre hindi lang yon hahhahaah"
Hay nako kapag nagsama talaga itong dalawang to, mababaliw ka sa kalokohan.
Hindi natapos ang asaran nung dalawa hanggang sa matapos na kami sa pagkain.
Si Agatha naman inaasikaso si Ayesha. Ang sarap nilang pagmasdan.
Pauwi na kami ng magpaalam na kami sa isat isa.
"Bye Tita, Tito and Ayesha I love you all!"
"Bye Agatha! We love you."
"Ags ingat kayo"
"Kayo din mag iingat kayo bye"
Sana sa pagpunta nila sa New York pagbalik nila dito maayos na. Buo na sila sana.
BINABASA MO ANG
Do You Still Remember Me?
Hayran KurguIniwan nya kami ng hindi nag papaalam, Iniwan nya kami dahil sa career nya,Iniwan nya kami ng walang kahit anong huling salita. Now she's back, should I accept her?