Agatha's POV
Nakailang doorbell na ako wala pa din nalabas pero alam ko namang may tao kasi maingay. Sinubukan kong buksan yung pinto at nabuksan ko naman ito. Habang papalapit ako ng papalapit sa living room mas lalong lumalakas yung tawanang naririnig ko.
Pagkadating ko sa living room naabutan ko sila, naabutan ko silang masaya, habang ako nalulunod sa kalungkutan. Nakatingin lang ako sa kanila ng mga ilang minuto ng mapag pasyahan kong mag salita na.
"Mommy." Lumingon naman si mommy at tumigil silang lahat sa ginagawa nila. May pumatak na luha sa mga mata ko ng papalapit na sa akin si mommy.
"Agatha anak." Nakangiti sya sa akin at niyakap nya ako. Hindi ako gumanti sa pagkakayakap ni mommy, hinayaan ko nalang sya na yakapin ako.
"Excuse me Lei alis na muna ako." Pagpapaalam nung lalaki.
"But papa diba dito ka kakain ng lunch?" Malambing na sabi ni Amanda.
"My meeting ako eh, next time nalang." Sabi ng papa ni Amanda at umalis na din ito.
Nakikita kong isang masayang pamilya sila. Sisirain ko pa ba yung pamilya nila? Pero kailangan ko din naman si mommy. Pero paano si Amanda? Ayokong magaya sya sa akin na sira ang pamilya.
"Anak tara sa kitchen nagbake kami ng cheesecake diba paborito mo yon?"
Nakatingin lang ako kay mommy, hindi nya pa pala nakakalimutan yung paborito ko.
Nagpunta na kami sa kitchen, inasikaso ako ni mommy. Naghain sya ng cheesecake.
"Ang laki mo na anak, I miss you so much." Hawak hawak ni mommy yung kamay ko..
Hindi ko pa din ginagalaw yung hinain ni mommy na cheesecake.
"Hindi mo ba gusto yung binake ko?" Malambing na tanong ni mommy.
Hanggang ngayon hindi pa din ako nagsasalita, nakatingin lang ako kay mommy.
"Mommy finish na po ako." Sabi ni Amanda na kakatapos lang kumain. Paborito nya din siguro yung cheesecake. Bumalik na si Amanda sa Living room nila. Kami nalang ni mommy ang nandito sa kitchen.
"Agatha talk to me please." Pagmamakaawa ni mommy.
Uminom muna ako ng tubig bago magsalita.
"Bakit hindi mo kami binalikan ni daddy?" Nakayuko kong tanong kay mommy.
"I'm so sorry Agtha kung hindi ko kayo nabalikan ng daddy mo. Hindi ko kayo nabalikan agad ng daddy mo dahil sa trabaho ko. Akala ko 1 month lang ang itatagal ko dito, pero nagkamali ako umabot ng 6 months yung trabaho ko."
"So you choose your work over your family? Ganon na ba kahalaga yung trabaho mo kesa sa amin ni daddy? 6 months mommy! Edi sana bumalik ka pa din! Tapos malalaman namin ni daddy na may anak kana pala sa iba." Humihikbi kong sabi kay mommy. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"I'm so sorry anak, please forgive me."
Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ng biglang hinila ni mommy yung kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Let me go, uuwi na po ako hinihintay na ako ni daddy."
"No! Please Agatha, hindi mo kasi ako naiintindihan anak."
"Hindi naiintidihan mom? Bakit? Para saan pa kitang kita ko na mismo na masaya kana sa pamilya mong bago. Wala na kaming puwang ni daddy jan sa puso mo. May pumalit na sa amin ni daddy jan sa puso mo." Iyak lang ako ng iyak habang binabato ko yung mga salitang gusto kong sabihin.
"Please anak kahit ngayon lang mag stay ka, gusto kitang makasama." Humihikbing sabi ni mommy.
"Aalis na po ako, mas kailangan ako ni daddy. Salamat po sa paghahanda ng pagkain." Aalis na sana ako ng biglang nagsalita si mommy.
"Anong gusto mong gawin ko mapatawad mo lang ako Agatha?" Tanong ni mommy habang naiyak.
"Bumalik ka lang sa amin ni daddy."
BINABASA MO ANG
Do You Still Remember Me?
FanfictionIniwan nya kami ng hindi nag papaalam, Iniwan nya kami dahil sa career nya,Iniwan nya kami ng walang kahit anong huling salita. Now she's back, should I accept her?