Chapter 31

733 18 0
                                    

Agatha's POV

Nandito ako ngayon sa kitchen kumakain mag isa, hindi ko alam kung saan pumunta si daddy. Kanina pa wala ito hindi man lang nagtext kung nasaan sya.

Maghahapon na pero wala pa din si daddy kaya naman lumabas muna ako para makapag ikot ikot na din. Tinawagan ko muna si Tita Jodi, tinanong ko ito kung nandon ba si daddy. Wala daw ito doon kaya nagtataka ako kung nasaan si daddy. Wala naman kaming ibang kakilala dito kundi sila Tita Jodi lang.

Nagpunta muna ako sa isang mall malapit sa tinutuluyan namin ni daddy. Bumili ako ng pasalubong para sa mga Tito's and Tita's ko na nasa Pilipinas at syempre para din kay Ayisha.

Hindi na namalayan kung anong oras na kaya naman nagmadali akong umuwi nakita ko kasing naka 5 misscalls si daddy kaya paniguradong lagot ako.

Pero bago ako umuwi dumaan muna ako sa donut store at pagtapos non nag abang ako ng cab.

After 15 minutes nakarating din ako sa tapat ng bahay namin. Pagbaba ko may mga naririnig akong familiar na boses.

Naririnig ko mula sa labas yung tawanan.

Pagbukas ko ng pinto tumigil sila sa tawanan nila. Tama ng ang hinala ko. Si mommy at si Amanda yung kasama ni daddy. I think nagkaayos na sila ni daddy.

"Agatha come here!" Tawag ni daddy sa akin.

Lumapit naman agad ako at nagkiss ako kay daddy lang.


"Si mommy mo din anak." Sinenyasan naman ako ni daddy ng go. Kaya no choice ako kundi magkiss kay mommy.



"Saan ka galing anak?" Tanong ni mommy.



"Jan lang po sa malapit na mall, binilhan ko lang ang mga Tita's and Tito's ng pasalubong.

"Hi ate Agatha!" Biglang sumulpot si Amanda.



"Hi!" Maiksi kong sabi.


"Wow donut! Is this for me ate?" Tanong ni Amanda sa akin.


"Yes that's for you." Biglang sabi ni daddy. Kaya tinignan ko si daddy ng masama.

Wala akong nagawa kundi ibigay yung binili kong donut na dapat ay para sa amin lang ni daddy.

"Dad akyat na po ako." Walang gana kong sabi.


"Hindi kaba kakain nak?" Tanong ni mommy.


"Busog po ako." Umalis na ako at nagpunta na sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay daddy, bakit ganon parang baliwala lang yung ginawa ni mommy na pang iiwan sa amin. Nilock ko yung pinto ng kwarto ko at umiyak nalang ako.

Nang makaramdam ako ng gutom naisipan kong lumabas ng kwarto pero bago ako lumabas sinigurado ko munang wala ng tao sa living area. Tinignan ko muna yung oras bago lumabas sa kwarto.

11:30 na ng gabi kaya sigurado akong nakaalis na sila mommy. Habang naglalakad ako para akong ewan dahan dahan tapos na katingkayad pa. Hahahahaha patay ang ilaw sa living area kaya binukasan ko ito baka kasi mamaya may madali ako at mabasag.


Nang makarating ako sa kitchen nakita ko naman yung  caldereta kaya kumuha agad ako ng plate, fork and spoon. Inumpisahan ko na yung pagkain ko. Napaka sarap talaga magluto ni daddy.

Habang ninanamnam ko yung pagkain ko. May biglang nagsalit sa likod ko na ikinagulat ko.



"Mukhang nasarapan ka sa luto ko ah." Oh my gulay akala ko nakauwi na sila sa bahay nila. Dali dali akong dumilat.

"Bakit nandito pa po kayo? Baka hinahanap na kayo sainyo." Sabi ko habang ngumunguya.

"Oo hinahanap nila ako kaya nandito ako kasi kayo ang pamilya ko. Masarap ba yung luto ko?"

Hindi ko nalang pinansin yung unang sinabi ni mommy.

"Yes masarap po, akala ko si dad ang nagluto. Sanay po kasi akong sya ang nagluluto ng kinakain ko."

Hindi na nagsalit si mommy, kumain nalang ako basta gutom ako.



"Wala ka pa ding pinagbago Agatha. You're still the old Agatha." Sabi ni mommy habang nakatitig sa akin. Pinabayaan ko nalang si mommy na titigan ako.



Nang patapos na ako sa pagkain nakita ko naman na nagtitimpla ng gatas si mommy, para siguro kay Amanda baka hindi makatulog.

Ilalagay ko na sana yung pinagkainan ko sa lababo ng binigay sa akin ni mommy yung gatas.


"Anak inumin mo ito para madali kang makatulog." Tinignan ko muna si mommy bago kunin yung gatas.



"Thank you." Sabi ko. Ininom ko agad yung gatas at hinugasan ko yung pinagkainan ko. Nang matapos na ako naisipan ko ng bumalik sa kwarto ko.


"Goodnight Agatha! I love you."




























"Goodnight po!" Sabi ko at nagtungo na ako sa kwarto ko.

Do You Still Remember Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon